chapter 22

368 6 4
                                    

Chapter 22>>> I don't like you. I love you.

Still Benji's POV

Hope you like red velvet cupcakes! Specially baked for you :)

And don't forget to smile always!:))

- Paige <3

"Yun oh! Another cupcakes galing sa manliligaw ni captain!" kansyaw sakin ng mga kateammates ko sa basketball ng makita nilang may cupcakes na naman ako sa taas ng locker ko.

"Wow red velvet favorite ko! Pahingi ako captain!" sabi ni Patrick habang tinatangal ang ribbon ng box. Nagpaalam pa sya, hindi din naman nya hinintay ang sagot ko at kumuha parin sya.

"ako din!" at pinagkaguluhan na nila yung cupcakes na bigay ni Paige sakin. Hindi na ako nagulat sa kanila dahil ganyan lagi ang itsura nila pag nakikita nilang may box sa taas ng locker ko. Lagi silang nauunang kumuha kaysa sakin.

"Hoy mga siraulo tirhan nyo ako ha! at hindi ko manliligaw si Paige, magkaibigan lang kami." Sigaw ko sa kanila kahit mukhang wala namang nakikinig sakin kasi busy silang lahat sa pagkain sa mga cupcakes ko.

Tinotoo nga ni Paige ang sinabi nya sakin last week sa may park na lagi nya ako dadalhan ng cupcakes gaya nung nasa elemtary pa lang kami. At wala talaga syang mintis sa pagbibigay sakin dahil kahit sabado at linggo ay dinadalhan nya ako sa apartment ko.

"Ang sarap palang maging kaibigan ni Paige. Kaibiganin ko na din kaya para araw-araw din akong may masarap na cupcake." biro ni Patrick at natatawang sumang-ayon ang lahat ng kateammates ko.

"Syempre biro lang yun." Mabilis na sabi nya habang nakapeace sign ng makita nyang masamang tinggin ko sa kanya. Buti naman at maalam syang makiramdam.

"May practice ulit tayo bukas ng 7 ng umaga ha! Bawal malate! Alam nyo na ang parusa sa malalate! Kaya kung ako sa inyo ay 4 pa lang ay pumunta na kayo para sure na hindi late! Sige una na ako sa inyo. Bye!" Paalala ko sa kanila habang sinarado ko yung box na may natirang dalawang cupcake at nilagay na sa loob ng gym bag ko.

Kalalabas ko pa lang ng gym ng biglang may humarang ng nakangiting magandang babae ang daan ko.

"Hi Benjamin!" Masiglang bati sakin ni Paige.

"Anong ginagawa mo dito Paige? Di'ba classhour pa?" Ang alam ko ay may klase pa sya sa ganitong oras so ibigsabihin nag-cutting si Paige! Kailan pa syang natutong mag-cutting class.

"Itatanong ko lang sana kung nakita mo yung cupca..." Naputol ang paliwanag ni Paige ng biglang maingay na nagsilabasan ang mga kateammate ko sa gym.

"Hi Paige! Ang sarap nga pala ng red velvet cupcake mo!" Nakangiting sabi ni Patrick kay Paige habang umakbay sakin.

Mabilis ko namang tinanggal ang kamay nya sa balikat ko at tiningnan sya ulit ng masama. Nagpapacute lang naman ang playboy na ito kay Paige e.

"Oo nga Paige. Sobrang sarap!" Komento pa ng isa sa kanila.

"Sige Paige at Captain una na kami!" Mukhang nakuha naman si Patrick sa tinggin at hinigit na nya ang iba pa nilang kateammate papaalis.

"CHOCOLATE NAMAN BUKAS PAIGE!" sigaw pa ni Patrick bago pa sila tuluyang makalayo.

"Well mukhang nakita mo naman yung cupcake na ginawa ko para sayo at buti naman at nagustuhan ng mga kateammate mo. Sige una na ako." Malungkot na sabi nya at tinalikuran na nya ako. Siguro akala nya ay ipinamigay ko lang sa mga kateammate ko lahat ng mga cupcakes na binigay nya sakin.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon