I am courted by a ghost

2.3K 43 10
                                    

PROLOGUE

"Cath, ang tagal ko ng nagliligaw sayo kalian mo ba ako sasagutin?" wala ba talagang syang balak sumuko? Ilang beses ko na syang binasted pero hindi parin sya sumuko.

"diba sabi ko sayo wag kang magpapakita sakin lalo na sa mataong lugar." Mahinang sabi ko sa kanya habang mas binibilisan ang paglalakad.

"diba sabi ko din sayo di kita titigilan hanggang di mo ako sinasagot." Panggagaya nya sa tuno ko kanina habang hinaharangan ang dadaanan ko, napatigil tuloy ako.

"aist!ang kulit naman ng lahi mo! Tingnan mo pinagtitinginan naman nila ako." Inis na sabi ko. Nilibot ko ang tingin ko sa mga taong dito din ngayon at as usual tinitingnan na naman nila ako ng may pagtataka at ang iba naman ay nagbubulungan habang nakatingin. Aghh! this is what I hate the most, be the center of attraction.

By the way ako nga pala si Catherine Reyes at sya si Benjamin De Ocampo, ang masugid kong manliligaw simula nung lumipat ako ng apartment.

At bakit ako pinagtitinginan ng mga tao sa paligid ko?


Simply because I am courted by a ghost!



I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon