Chapter 10>>>lance
"BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI? AT SINO YUNG KASAMA MO SA LABAS?" bungad na tanong sakin ni benji pagkapasok ko sa bahay.
Bigla naman akong kinabahan at feeling ko para akong may asawa at nahuling nangangabit. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko, na para bang nagsisisi ako na sumama pa ako kay lex,na sana nagtrabaho na lang ako at maaga umuwi.
handa na sana ako magexplain sa kanya kung bakit ako ginabi ng bigla syang tumawa.
"hahaha! Ano ako boyfriend mo? Hahaha" so joke lang pala yun! Bakit ang laki ng impact sakin. Aghh! Nalilito na ako sa sarili ko.
"hahah kung nakita mo lang ang sarili mo, hahah epic! Para kang girlfriend na caught on act na nangangaliwa!haha" nakakabwisit sya ang sarap nyang patayin,buti na nga lang at patay na talaga sya kundi magkakasala pa ako ng wala sa oras.
Dahil madami akong ginawa ako ngayon at sobrang napagod ako sa pagsunod kay lance na hindi ko din naman nasundan at sa catching up moment with lex hindi ko na lang pinatulan ang biro ni benji. Dahil sa ngayon mas gusto kong makasama ang kama ko kaysa kay benji.
"uy! Ito naman napakaseryoso." Sabi ni benji habang sinusundan ako papuntang kwarto ko.
"okay, sorry!"
"uy sorry na! pansinin mo na ako cath." Bahala sya dyan naiinis parin kasi ako sa kanya at lalo na sa sarili ko kung bakit ganun ang naging epekto sakin ng biro ni benji.
"cath sorry na! nagbibiro lang naman ako, promise di ko na yun uulitin!" sa tono na pananalita nya halatang nagsisisi na talaga sya.
"pwede ba benji, pagod ako! Kaya please kahit ngayon lang pwede ba tumahimik ka muna!" sabi ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Pero dahil sya si Benjamin de ocampo, alam ko na kulang sa kanya ang isang pakiusap.
"at utang na loob benji, kailangan ko ng privacy kaya wag ka ng magtangkang pumasok sa kwarto ko." sabay sirado ko sa pintuan.
"HAY!" isang malakas na butong hininga ang pinakawalan ko ng makahiga ako sa kama. Buti na lang talaga at nadadaan si benji sa pangalawang sabihan.
Hindi parin matanggal sa isipan ko kung bakit ganun ang naging reaksyon ko kanina sa biro ni benji.
Bakit nga ba ako natakot nung nahuli ako ni benji na kasama si lex sa dis oras ng gabi? Which in the first place hindi ko naman dapat nararamdaman kasi like duh! Wala naman kaming ginagawang masama ni lex nag dinner lang naman kami. At kahit sabihin na natin na may kung anong kababalaghan nga kaming ginawa ni lex, (which definitely will never gonna happen) bakit naman ako matatakot sa kung anong iisipin ni benji sakin!
Aggh! Naiinis ako sa sarili ko. ang hirap naman paniwalaan na may gusto ako kay benji kaya nararamdaman ko to. Ano ito isang linggong pag-ibig! Siguro hallucination ko lang to! TAMA! Nagooverthinking lang ako. Normal lang naman siguro itong nararamdaman ko. tama, normal lang ito at hindi ko dapat nilalagyan ng meaning.
Hindi ko dapat iniisip si benji, ang dapat ang iniisip ko ngayon ay si lance!
At speaking of lance, sa sobrang inis ko pala kanina kay benji nakalimutan kong sabihin sa kanya ang tungkol kay lance.
Hay bahala na si batman bukas!
"good morning cath!" nakangiting bungad sakin ni benji pagkalabas ko sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
I am courted by a GHOST! ON-HOLD
Romanceanong mararamdaman mo kung may manliligaw kang ubod ng gwapo at pinapangarap ng lahat? pero pano kung ikaw lang ang nakakakita sa kanya? would you still be flattered being courted by a handsome ghost? hi! I'm Catherine Reyes, and...