Chapter 7

10 2 0
                                    

Naghihintay ako dito sa labas ng orphanage, susunduin kasi ako ni Luke. 

"Hey." Kanina pa yan, ang kulit! Sa sobrang kulit nya, mamaya nakahilata na siya dito at napatay ko na. Bwisit.

"Hey, I said I'm sorry. Please, pansinin mo na ako," pagmamakaawa niya at hinatak-hatak pa ang dulo ng t-shirt ko. Tiningnan ko naman siya ng masama pero ang walanghiya, nakanguso pa sa harapan ko at akala mo tuta na maamo. 

"Huwag ka ngang magpout. Nakakadiri, hindi bagay. Saka diba sinabi ko na sayo, layo-layuan mo ako! Tabi nga dyan," inis na sabi ko sa kanya at tinabig sya. Argh! Kulit! Paano ba naman kasi, nakasunod pa rin sakin.

"Sorry na, Lisanna."

"Humanap ka nga ng ibang mapagtri-tripan!"

"Ayoko." Tsk. Para talaga siyang bata.

Asar na binalingan ko sya. Nagulat na lang ako nang mapansin ang mukhang nag-aalala nito.

"Ikaw lang ang gusto kong asarin. Ikaw lang ang gusto kong kaaway. Ikaw lang ang gusto kong kalaban. Hahanap pa ba ako ng iba? Nako, sayang lang ang oras ko e andyan ka naman diba?"

Napakunot ang noo ko. Ha? Parang kanina lang ay tila nag-step down na ako para hindi ko na siya patulan pero bigla na naman itong humirit ng pang-aasar. Napailing na lang ako. Wala na talagang pag-asa. Hay. Kahit pakiusapan ko siya na tigilan na ako, mukhang hindi niya talaga kayang ibigay sa akin.

"Ewan ko talaga sayo, bahala ka na nga sa buhay mo!"

"Nagso-sorry na nga ako, ayaw mo pang tanggapin. Bahala ka rin sa buhay mo! You just can't get rid of me, Lisa. Hindi pa tayo tapos, okay?" 

"Tapos saan?" Kunot-noong binalingan ko sya.

"Hindi pa tapos ang kulitan natin. Hindi mo pa inaaming type mo ako," sambit nya, "In denial ka pa rin---ARAY, ANO BA!"

Binato ko sya ng hawak kong plastik bottle na may laman pa kahit konti. "Epal mo ha!"

"Ops! In denial siya! Yiee! So totoong type mo nga ako?"

Napapapikit na lang ako ng mariin para pigilan ang sariling maibato sa kanya ang nakita kong spatula sa loob ng bag ko. 

"Uy! Iniisip na niya kung type nya ako," tudyo pa talaga nito.

Sa asar ay napamulat na lang ako bigla. He was already a meter away from me. Hawak nito ang ibinato kong plastic bottle at ginawang mic. "Love me, love me, say that you love me. Fool me, fool me, go on and fool me.." 

Bigla akong nakaisip ng kalokohan. Payayanigin ko ang mundo nito. Ha!

I smiled. Iyong ngiti na mukhang nang-aakit. "Fine, aaminin ko na. Kenneth, type kita," malambing na sambit ko rito. Itinodo ko pa ang pag-ngiti. 

"Love me, love--ha? Anong s-sabi mo?" natigilan ito sa pagkanta, "Lisa, did I, d-did I heard it right?"

Pinigilan kong mapatawa nang makitang namutla ito nang tumango ako. Sabi na nga ba at mawawala ang composure nito kapag binigla ko sya. Ha!

Umiwas ito ng tingin at lumapit sa akin. "Lisa, a-ano.." Nakatingin lang siya sakin at tila hindi alam ang sasabihin. He just lovingly stared at me na parang inlove na inlove ito sakin. Kinuha ang mga kamay ko ay dahan-dahang inilagay sa mga pisngi niya, "I d-don't know what to say." 

He remained staring at me kaya nagsisimula na akong mailang. Parang hooked na ito sa sinabi ko sa kanya kaya naisip kong right timing iyon para i-crack ang joke. Iba na rin sa pakiramdam dahil para akong hihikain sa bilis ng paghinga ko, maling biro Lisa!

Binawi ko naman agad ang mga kamay ko sa kanya at tinapik ko ang pisngi niya habang natatawa bahagya, "Joke! Naniwala ka naman? Nakakaloka ka ha! Hahaha!"

Kulang ang shock para i-describe ang itsura nito. Namumula ang mga tenga nito ngunit onti-onting kumukunot ang noo. He took my arms na ikinagulat ko. "Asar kang babae ka! Kakagatin na lang kita!" 

Akmang kakagatin nito ang pulsuhan ko nang lumabas ang professor namin sa gate ng orphanage.

"Mr. Del Agua! Ang babae hindi kinakagat! Asus, ang mga kabataan nga naman oh!"



BattlefieldWhere stories live. Discover now