Chapter 39

4 2 0
                                    

Lisa's POV

After ng 2 weeks vacation ko sa Vigan with Blaze and his sister, uuwi na kami ngayon sa Manila.
"Gusto mo bang magstop muna sa Mcdo? I know hindi ka pa kumakain ng breakfast." Tumingin si Blaze sakin at ngumiti. Nakahilata kami dito sa backseat ng van nila. Pinagdrive na kami ng driver nila, pinagalitan kasi kami ni Ate Julia, ang sabi baka daw maglambingan lang kami sa sasakyan at madisgrasya pa. Mawawalan daw sya ng sister-in-law. Natawa na lang ako sa kanya ng sinabi nya yun.

"Sige. Gutom na din naman ako e." Tumango naman sya at sinabi sa driver na tumigil muna kami sa malapit na Mcdo.

Pagpasok palang namin sa loob ng Mcdo, Blaze assist me. He's such a gentleman.
"Anong gusto mong orderin?" Tanong nya ng makaupo kami.

"Ikaw bahala. Kahit ano na lang."

Natawa sya. "Anong kahit ano? Ang pagkakaalam ko walang kahit ano dito. Ang pagkakaalam ko burger, chicken, fries, pancakes, float----"
Binato ko sya ng panyo ko. Hahahahaha! "Hahaahah! Inisa-isa mo pa talaga! Alam ko yun! Tch. Sige, kung anong sayo, yun na din ang akin. Okay na?"
Natawa na lang din sya sa mga kalokohan nya. He stand up at kissed me sa noo. "Okay. Wait me here."
I smiled and nodded.

Pinanuod ko sya habang umoorder sya sa cashier.

Haist! Ikaw, Lisa ha! Inlove ka na siguro kay Blaze noh?!
Natawa na lang din ako sa naiisip ko.

Blaze a good guy. Actually, sya yung ideal man ko. Mabait, maalaga, mapagmahal, lahat na. He's sweet, he's perfect.
I smiled at that thought.
Pero paano na si Kenneth? Umiling-iling ako. No way! Wala akong kahit anong feelings para sa kanya noh?!

Tumingin ako ulit kay Blaze na saktong nakatingin din pala sakin. He smiled at me.

Maybe...just maybe...Crush ko nga talaga si Blaze...
Natawa na lang ako bahagya sa mga naisip-isip ko. Hay, Lisa, gutom lang yan.

Saktong dumating si Blaze sa table namin dala-dala yung isang tray. Nagulat pa nga ako ng may kasunod syang crew na may dala ng isang tray na may BFF Meal at tatlong plastic na large fries na take-out siguro.

Hahahahaha!
"And dami mo namang inorder. Baka hindi natin maubos toh!"
He gave me the pancakes, hushbrown and a coffee.

"Heh! Pahumble pa! Alam ko naman kulang pa sayo yan e! Hahahaha!" Tawa sya ng tawa habang kumakain. Kulang na lang maglumpasay sya sa lapag at tumawa ng walang hanggan! Tch.

"Heh! Nang-asar ka pa talaga! Sige tawa pa! Kakainin ko yang pancake mo! Hahahaha!"
Natawa na lang din sya lalo habang kumakain kami.

I had so much fun with him....

BattlefieldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang