Chapter 10

12 1 0
                                    

"Damn it!" Mas badtrip pa sa badtrip ako ngayon dahil sa kung anong balita ang inabutan ko sa campus. Kalat na kalat na nga raw ang mga balita tungkol sakin sa buong campus kaya lalo akong naiinis.

Sira na sira na ang manly handsome image ko dahil sa kumalat ang evidences na bading daw ako! Ako? Bading?! PUNYEMAS.

Of course, sources came from Lisa. Ginamit nito ang mga picture ko nang mag-role play akong gay sa isang theater play noong high school. Nagpakalat pa si Lisa ng mga evidences na may kikay kit ako sa bag and so on. Tingin tuloy ng lahat sa akin ay closet queen.

Lalo pang nadagdagan ang inis at pagkapahiya ko dahil sa isang malaking poster ang nakapost sa freedom board. Edited picture ko iyon na naka-gown at may crown pa. Binasa ko ang post.

'I will never like Kenneth. Excuse me, mas barako pa ako sa kanya and hindi ako pumapatol sa isang bading!'

Kumpirmadong galing kay Lisa. Nakita ko ang mga nagdududang reaksyon ng mga tao. Iyon na naman ang eksena. Ayaw kong pagdaanan na naman ang kahihiyan na ganun. Natigilan ako. Tinanggal ko ang post sa freedom board at dali-daling umalis doon.

Sinugod ko sa Dojo ng Aikido Club si Lisa.

"Lisa, mag-usap nga tayo."  

"Mamaya na. May training pa ako," balewalang tugon nito.

Kinaladkad ko siya sa sobrang inis, "Ang sabi ko, mag-usap tayo! Gusto ko ngayon!" 

"Teka, bitawan mo nga ako! Aray!" 

Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso niya. Dinala ko siya sa isang vacant room at ini-lock ang pintuan saka ko siya binitawan.

"This is too much, Lisanna!" Ibinato ko sa paanan niya ang poster. 

"Ha? Ano toh?" Dinampot naman niya ang poster at tiningnang mabuti.

"At magmamangan-maangan ka pa?! Hindi naman yata halata na ikaw ang sumulat ng post about me! At kung hindi ikaw, sino? Ako? Wag mo akong gawing tanga, Ms. Cepeda!"

"Oo sinabi ko 'tong mga linyang 'to, pero wala akong alam na post na tinutukoy mo! Ngayon ko nga lang nakita 'tong poster e!"

"Wow, as in, WOW! Galing! Oh, tapos ka na? Tapos nang umakting? Now, tell me the truth. Who the hell did this poster?" Pikit mata kong sigaw.

Sandali itong nanahimik kaya napamulat ako at nakita itong nagsisimula na umiyak. 

"W-wala naman akong, akong ginagawa. P-promise! I didn't do anything. Kung ayaw mong maniwala, edi wag! I don't need your trust! I don't, don't even need you! I'm sorry na lang kung ayaw mo talagang maniwala sakin ha?"

Nagulat na lang ako ng makita ko na syang tumatakbo palabas ng vacant room habang umiiyak.

Natigilan ako sa mga sinabi nito. After all our battles, hindi ko alam na ganun na katindi ang pananakit ko sa damdamin niya.

Ilang sandali lang lumabas na din ako ng vacant room. Nagkasalubong kami ni Luke sa hallway.

"Uy pare, nakita mo ba--" Nagulat ako nang bigla akong sinuntok ni Luke.

"Hindi ko alam kung anong nangyari pero, napakawalanghiya mo, pare! Okay lang na asar-asarin mo yung kakambal ko but this is too much! You're doing too much! Ni hindi ko nga magawang sigawan ang kakambal ko tapos paiiyakin mo lang?! Pare, do me a favor, don't come near her again kung gagaguhin mo rin naman sya dahil naaapakan lang ang ego mo. Please lang." Pagkatapos nun ay umalis na siya.

This is the first time na nakita kong galit na galit ang kaibigan ko.

Well, siguro nga it's too much. Nasaktan ko siya. 

BattlefieldWhere stories live. Discover now