Chapter 5

13 2 0
                                    

Nagbabasa ako ng libro ko habang naglalakad papuntang room nang banggain ako sa balikat ng isang tipaklong na mukhang unggoy na wala na naman yatang magawa sa buhay niya! 

"Ano ba?!" Napabagsak tuloy yung librong binabasa ko kasama na yung iba kong mga gamit.

"Hi, Lisa! Goodmorning!" nakangiting bati ni Kenneth sakin. Bwisit, panira ng umaga. Inirapan ko lang sya at dinampot ang mga gamit ko na nalaglag. 

Pagkatayong-pagkatayo ko ay balak ko na sanang pumasok ng room nang harangan nya ng legs ang pintuan. Tiningnan ko lang siya ng masama. Ano na naman bang trip neto sa buhay?

"Ay. Bad mood sa umaga? Binati na nga kita e!" Nakangusong reklamo nya. 

"Well, walang 'Good' sa 'Morning' lalo na kung 'yang pagmumukha mo ang unang-unang makikita ko saka pwede ba? Tabe, kairita ka ang aga-aga ha," nagsmirk pa ako sa kanya at tinuro ang legs nya na nakaharang. Natawa lang siya na ikinataas ng kilay ko. "Would you mind kung tanggalin mo 'yang legs mo sa pintuan o baka naman gusto mong gamitan ko yan ng dahas para matagal 'yan dyan?" 

Nakita ko syang napalunok. Ha! Takot! 

"Tsk. Pasok. And please, aayusin mo yang necktie mo dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo, darling." Inis na tiningnan ko lamang sya bago tuluyang pumasok ng room.

Makakaganti din ako sayo, Mr. President.

***
Halikan Kita Dyan e! Bagong deklarasyon ng Pangulo.

"What the fuck?" Napasigaw tuloy ako ng mabasa ko ang balita na nakalagay sa Freedom Board namin.

"Ms. VP, bunganga mo hoy."

Hindi ko napansin na kanina ko pa pala katabi 'tong walanghiya 'to. Nagkatinginan kami and I know I should guard myself from him kaya tinulak ko siya agad palayo sakin. Yuck! Nagulat na lang ako ng biglang may sumipol at sumigaw na kinikilig daw sya saming dalawa. 

Biglang kumabog na naman ang puso ko na hindi ko alam kung bakit. Punyeta what is happening to me lately?!

"Lisa, ano---"

"Lumayo ka nga sakin! Hangga't malapit ka sa akin, di matatapos ang mga problema ko!"

"Bakit ba? Okay naman itong article ah? Wala namang sinabing masama sa ating dalawa. Cute nga e!" 

"Cute?" Nandidiring tiningnan ko sya. Anong cute dito? Saka sino bang pumapayag na mapublish ang mga articles na 'to? Jusmiyo.

"Dapat nga magpasalamat ka sakin at marami ngayong girls na naiinggit sayo dahil ako ang first kiss mo! Marami atang nagnanasa sa labi ko!" buong pagyayabang nya sakin.

"Ang kapal ng mukha mo! At s-sinong may sabi na, na i-ikaw ang first kiss ko, ha?!" Shit! Mali toh! Huhuhu! Baka malaman niya talagang siya ang first kiss ko!

"Walang humahalik nang mulat ang mata, unless first kiss 'yon. I saw your eyes were opened when I accidentally kissed you!" 

"Why are we talking about that, that--tse! Eh paano mo nakita?! Mulat ka din nun noh?! First kiss mo din?! Yuck! You're so immoral!" 

"Ahuh! I'm not immoral! Wag ka ngang mag-inarte dyan. Tumingin ka sa paligid mo at maraming na-attract na tao sa bibig mong talak nang talak!" Lumingon nga ako at napansin kong dumarami na din ang usisero.

Inis na tiningnan ko sya, "I hate you! I hate you!" at nagwalk-out.

"Uy, ingats!" pahabol na pang-aasar nya, "Flying kiss ko, babe! Hahaha!" Nag-flying kiss nga ito kaya tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa boteng hawak ko. Ha! Bright idea, Lisa!

Hinarap ko siya at ibinato sa kanya ang boteng hawak ko na may lamang konting tubig, sapul sa noo.

"Manyak!"

BattlefieldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang