Chapter 52

3 1 0
                                    

June 26: Special Day

The whole open stage grounds were rocking with the band songs.

Isang Rock On Party ang inulunsad ng Student Council bilang Graduation Party para sa lahat ng nagtapos.

Kaninang umaga lang ay nag-march na sila bilang pagtatapos nila sa kolehiyo. Sa wakas, masisimulan na rin ni Lisa ang lahat ng paraan para matupad ang pangarap na magkaroon ng sariling restaurant.

Masaya siya ngayong graduate na siya at nakakuha pa siya ng ilang awards dahil sa mga inuwi niyang karangalan sa mga martial arts competitions.

At ang isa pa nyang ikinakalungkot ay ang paghihiwalay nila ng landas ni Kenneth. Nitong mga nakaraang linggo ay tila nagbago ito ng treatment sa kanya. Hindi na sya nito masyadong inaasar. Bagkus ay naging maalaga at malambing ito sa kanya.

Pawang gusto na nyang paniwalaan ang sinasabi ni Luke. Masarap sanang isipin na maaaring in love din si Kenneth sa kanya pero hindi naman sya sigurado sa bagay na yun. Kung bakit naman kasi kung kelan graduating na sila, saka pa sila nagkaayos at naging mabuting kaibigan? Hindi nya alam kung magkikita pa sila o hindi pagkatapos ng event na ito.

"Hoy! Babaeng amazona! Aren't you going to enjoy the party? Ikaw ang nag-suggest ng eock concert tapos nandyan ka lang at nakatunganga?" Sabi ni Kenneth sa kanya. Nasa gilid lang kasi sya ng stage. Kasama rin kasi sya sa officer in charge ng event bilang representative ng Taekwondo Club nila.

"Nage-enjoy naman ako ah?" Kenneth sat beside her.

"Wews? Di nga? Di halata oh! Smile naman dyan! Ito naman, nakasimangot ang saya-saya kaya!" Nakangiting sambit nito.

"Nakakalungkot lang."

"May kinalaman pa rin ba yan sa Martial Arts Tournament mo sa Korea?" Tumango naman sya.

------------
Lisa's POV

"Lisa, mas maraming opportunity na mas maganda don na darating sayo." Sabi nya sakin.

"Alam ko naman yun. Nanghihinayang lang naman talaga ako. Sayang eh." Pati sayo, nanghihinayang ako...Hay..

"Dadalhin na lang kita sa Korea o sa kahit saang bansa mo gusto." He smirked. Binatukan ko naman sya.

"Kaya ko namang gawin na yun. Hahaha! Wala ka na bang ibang pagtatapunan ng pera mo? Ha?" Biro ko.

"Marami pa naman akong pagtatapunan ng pera ko. At isa ka na dun." Patol nya sakin. Ay langja! Hahahaha! Ayan na naman sya sa mga sweet talk nya. Hahahahaha!

"Lisa, may mamimiss ako..." I smirked.

"Si Aica? Yung kaklase natin na gustong-gusto ka? Hahahahahaha!" Natatawang biro ko.

Kumunot ang noo nya. "Hindi noh! Buti na lang talaga tinigilan nya na ako. Hahaha! Balita ko nga, sila na daw nung ex-manliligaw mong mukhang paa! Hahahahaha!"

Natawa naman din ako sa sinabi nya. "Hanggang ngayon pa rin ba yun ang tawag mo kay Charles? Hahahahaha! Eh, sino ba yung sinasabi mong mamimiss mo?"

"Hindi kung sino, kundi ano. Hahahaha! Mamimiss ko yung carino-brutal mo! Hahahaha!" Nakangising sabi pa nya.

Tinampal ko naman sya sa dibdib. "I missed it bebs! Hahahahaha! Aww! Aray naman po!"

"Oh ayan, di ba namimiss mo? Hahaha! Iyan di mo na yan mamimiss." Nakangising sabi ko.

Tumawa sya ngunit saglit lang at biglang naging seryoso nang titigan nya ako. "Mamimiss ko pa rin yan." Malungkot na sambit nya sakin.

Nalungkot na rin tuloy ako. "Oo nga, hindi na tayo magkikita." I said.

BattlefieldWhere stories live. Discover now