Chapter 58

2 0 0
                                    

Lisa's POV

"Niña, okay na ba sila?" I asked Niña.

"Yes Ate. Andun na po sila sa Meeting Room. Kayo na lang po hinihintay." I nodded.

Inayos ko na yung damit ko and yung mga gamit ko.

"I'm ready, let's go?" Tumango naman sakin si Niña bilang sagot.

Dumiretso na kaming dalawa sa meeting room. Pinapunta ko kasi lahat ng mga crew or let's say, lahat ng nagtatrabaho sa resto ko. Hmmm...I just have a surprise for them. Hahahahaha!

"Good afternoon guys." I smiled at them pagkapasok namin.

Nagsitayuan naman sila at ngumiti. "Good afternoon din Maam." Bati sakin ng Manager ng resto ko. Hay! Ang swerte ko talaga sa mga crew ko! Hahahaha! Ang mababait! Hahahaha!

"Magsiupo na kayo. I have something to tell you." Halata namang nagtataka ang ilan at balak pa akong tanungin pero ngumiti na lang ako sa kanila.

"So let's start?" Tumango naman sila.

"Since lumalago na and 2 years na din naman itong Filipiñana natin, I decided na..." I smiled. Hahahahaha! Pasuspense lang ang peg? Bwahahahahaha! Joke!

"I decided na magkameron na tayo ng 2nd Branch of Filipiñana!" I smiled as I looked at their faces. May shock, may natuwa na sa sobrang tuwa e, iiyak pa yata! Hahahahaha!

"Since alam naman nating lahat na lumalakas na ang Filipiñana, napag-isipan ko na din ito ng mabuti at napapansin ko na din naman na sobra-sobra na din ang mga crew dito. I decided na tanungin kayo kung may gusto bang lumipat sa kabilang branch natin? Pero kung ayaw nyo naman ay okay lang. I'll just hire another new." Tumango-tango naman ang mga crew namin.

"And another nga pala. I decided na pataasan na din itong building ng Filipiñana kasi 2 floors lang tayo. Madami ng costumers, nagkukulang na tayo ng space para sa kanila. pero don't worry, hindi naman magsasarado ang resto habang ginagawa yung 3rd floor. Is that okay?"

"Oo naman Maam!"

"Mas maganda nga yun Maam eh! Dadami ang mga costumers lalo! Hihihihi!"

"Guys, to celebrate, nagpahanda ako. My treat, don't worry. Hahaha! Kumain lang kayo, okay? Aalis na kami. Thanks for listening." Nagpasalamat naman sila at nagsikainan na nung dumating lahat ng dishes.

Nagtanong pa nga yung iba kung bakit hindi daw ako magstay at saluhan sila. I just answer them na may tatapusin pa kasi ako sa office.

==================

"Hayyy! Salamat! Nakauwi rin!" I said to myself.

Binuksan ko na yung pintuan ng bahay namin. Well, hanggang ngayon ay dito ako minsan umuuwi pero minsan naman sa condo unit ko.

"Oh? Andito ka na pala. Good evening." Sinalubong naman ako ni Kua Luke ng yakap. I hugged him back.

"How's work?" Tqnong nya nung naghiwalay kami from that hugged saka dumiretso sa sala.

"Work's great. Nakakapagod lang. I have some good news!" I said saka ako ngumiti kay Kua.

"What?" I smirked first.

"Magkakameron na nang 2nd Branch ang Filipiñana! Is it great?!" Luke just chuckled.

"Balita ko, nakuha mo daw yung loob nina Mr. Garcia ah? That's good, nakuha mo na din yung share nya sa company." Nakangiting sabi nya sakin.

"Well, yes. I'm happy at nakuha ko na nga din yun." I smiled. Lumingon naman ako sa paligid.

"Where's Lance? Si Kua Mark?" Kua Luke rolled his eyes.

"Si Mark, you know where he is. Si Lance naman nasa kwarto nya ayaw lumabas. Alam mo namang ikaw lang ang pinapakinggan ng batang yun! Naku!" Nanggigigil na sabi sakin ni Kua Luke. Natawa na lang din ako.

"Oo na. Oo na. Ako na tatawag, pakihanda na lang ng dinner. Mamaya uuwi na din yung si Kua Mark." Tumango naman sya at umakyat na ako.

Dumiretso muna ako sa kwarto ko para magbihis bago ako dumiretso sa kwarto ni Lance.

"My Prince!" I chuckled. Binata na kasi! Hahahahaha! He's now 11 years old tapos ayaw na ayaw na nya na tinatawag ko syang Baby Ko. Big boy na daw kasi sya. Psh.

"Prince!" Sigaw ko saka kumatok ulit. Nagulat naman ako nang biglang bumukas yung pintuan nya saka sya lumabas habang nakasuot na naman yung headset sa ulo nya at hawak-hawak na naman nya yung librong makapal nya. Haist.

"Yes Ate?" Umismid ako saka ko hinila ang headset nya sa tenga nya.

"Whatda?! Ate!"

"Anong 'whatda?!' I heard hindi ka pa kumakain! Mag-ayos ka na at kakain na tayo. Bilis." Tumango na lang sya sakin at pinatay muna yung laptop nya sa kama.

Magkasabay kaming bumaba. Dumiretso na kami sa dining room saka nakiupo sa tabi ni Kua.

"How's school?" I asked Lance habang sumasandok ng kanin.

Lance shrugged. "Hmmm..As usual. Still top." Tumango-tango naman kami ni Kua.

"That's great. Anong gusto mong reward?" I asked. Ganun talaga ako. I give him rewards kapag nasa Top 1 pa rin sya or any acchievements. Pero pinagsasabihan ko na din naman kapag may nagagawang mali.

"Sofia, ayan ka na naman. Baka masyado nang spoiled yang si Lance." Umiling na ako.

"It's ok Kua. Basta walang nagagawang mali at still on Top, I'll give him rewards. Kahit ano pa." I said. Bumaling naman ako kay Prince.

"So anong gusto mo?" Prince just smiled at me.

"Okay na ako Ate. I have all the gadgets, I have all the things that my age will need. Sa susunod na lang Ate kapag kailangan ko na." I smiled back.

"That's our boy." Kumain na ulit kami after nun.

BattlefieldOnde histórias criam vida. Descubra agora