Chapter 25

6 2 0
                                    

Lisa's POV

"So basically, blah blah blah blah blah blah blah blah blah..."
Kanina pa ako hindi nakikinig kay prof.

That can't be. Hindi pwedeng bumalik sya. This can't be happening to me. Once na nya akong nasaktan, kailangan pa bang ulitin?
"Okay, class. You may now take a break."

Naghiyawan naman yung iba kong mga kaklase.

"Hey." Napatingin naman ako kay Kenneth na katabi ko pa rin hanggang ngayon.
"Hindi ka ba pupuntang canteen?" Umiling naman sya.
"Okay."
"Kanina ko pa napapansin na tulala ka ah. Is there any problem?" Tanong nya.
"Nothing." Ngumiti ako sa kanya bago tumayo. "Come. Samahan mo ko sa canteen. My treat."

Ngumiti naman sya ng pang-asar sakin bago tumayo. "Hay... Ikaw ah! Siguro nai-inlove ka na sakin kaya mo ko ililibre, noh?" Nakangisi pa sya sakin.

Binatukan ko naman sya, "Heh! Sumama ka na lang!"

***********
"Ako na o-order. And it's my treat, okay?" Tumango na lang ako sakanya at ngumiti.

Ano pa nga ba? Kesa naman makipagtalo pa ako sa kanya noh! I'm not in the mood today.

Minutes passed by pero wala parin si Kenneth. Pagtingin ko, ang haba pala ng pila. Hay...

"Hi."
Lumingon ako sa likod ko para tinginan kung sino yung bigla-bigla na lang nagsalita.

"Paul John."

Kenneth's POV

Nako naman! Ang tagal! Ang haba pa ng pila! Tsk!

"Tagal naman! Pakibilisan naman, Ate!" Sigaw ni Luke sa likod ko.

"Tsk! Bagal!" Bulong naman ni Mark sa harap ko.

"Kaya nga e!" Inis na sabi ko.

Kanina sa classroom, mula magsimula yung klase namin tulala sya at minsan bumubulong-bulong.

Kaya nga, iniisip ko kanina na kung hindi sya may problema, may saltik na sya sa utak! Bwahahaha!

"Hoy, anong tinatawa-tawa mo dyan?! Ikaw ha! May saltik ka na siguro noh?" Nakangising tanong ni Luke sakin.

"Wala. I just remembered something." Nakangising sabi ko sakanya.

Natapos na kaming bumili ng pagkain at papunta na sana kay Lisa ng mapansin naming may kasama sya.

"Brad, sino yun?" Tanong ko sa kanila.

"Nalintikan na!" Bulong naman ni Mark.

"Walangja sya! Bilis!" Inis na sabi Luke sabay naglakad ng mabilis papunta sa table namin.

BattlefieldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang