Chapter 18

11 2 0
                                    

Kenneth's POV

Yesterday was fun. Pero nagmukhan nga lang akong si Angelito ang batang ama o Bagito. Walangja!

Ang First Lady at First Baby!

Napakunot-noo ako sa nabasa na article sa Freedom Board. "Ang comedy column na toh! Patatanggal ko na nga toh! Sakit sa ulo!"

Valentine's na Valentine's Day ay problema na agad ang hinarap ko.

Tilad ng nagdaang comedy column, kami na naman ang bida. Tsk! Patay na naman tayo yan!

"Mr. Student Council President at Ms. Vice President, may first baby na pala? May second and third pa ba?" Basa ni Lisa na nasa harapan ko na pala. Nilingon nya ako.

"Oo nga e! Parang instant mami lang! Instant na instant!" Di ko na natigilan ang pagtawa.

"Teka, hindi ka ba galit dahil dyan? Pasa-salvage ko na talaga ang sumusulat dito na ang hobby e i-power trip tayo!"

"Nakakatamad nang magalit this day. Sige, siguraduhin mong mapapatay mo kung sino man sya. Nakakaloka! Buti pa sila alam nila yan e tayo ngang pinag-uusapan e hindi alam na ganyan na pala." Tumawa pa sya.

"Sa tingin mo may kinalaman si Charles dito? Sya lang naman ang may alam tungkol sa 'relasyon' natin at sa 'ating baby'."

"Well, pwede pero maliban sa kanya, may tatlo pa akong kilalang may alam sa nangyari. Maliban sa mga posts na inamin nating pareho na satin galing like yung tungkol sa pagkabading mo na ginawa ko at yung tungkol sa kitchen hotel na ginawa mo, sino pa nga ba ang may access gawin ito satin?" Tanong nya.

Kapwa kaming napabaling sa Freedom Board. May mga pictures pang nakapost doon na buhat namin ni Lisa si Victoria. Walang maliban kay Charles at saming dalawa, isang tao o dalawang tao ang pwedeng kumuha ng mga stolen shots na yun.

"Are you thinking what I am thinking?" Tanong ko kay Lisa.

"I think I'm thinking what you are thinking.." Nagkatinginan kami and it's like our minds met.

"Luke, Maily and Mark..."

Hinila ko ang kamay ni Lisa at naglakad kami papunta sa open field kung saan nagkalat ang iba't ibang booth para sa school fair.

"Siguradong maka-date sila ni Maily."

"Si Luke nag-absent. May date daw."

Tumango na lang ako sa kanya at naghanap ng dalawang walangja.

Hindi nga kami nagkamali dahil sa kalagitnaan ng open field ay parang praning na naglalakad sa buwan ang magkasintahan.

"Kayne Maily Dela Agua!!"
"Vince Mark Cepeda!!"

Sabay na lumingon ang dalawa.

"Uy, pare, insan! Wazzup?" Bati ni Mark.

"Ay magka-holding hands sila, babe. Uy, kayo na?" Tanong pa ni Maily.

Noon lang namin napansing magkahawak pa rin pala kami ng kamay. Naglatingninan tuloy kami at parang napasong bumitaw sa pagkakahawak sa isa't isa.

"Oy, wag nyo nga kaming lituhin! Mga walangja kayo! Patay talaga kayo sakin! Isang tanong isang sagot, kayo ba ang nagpo-post ng articles para samin dalawa ni Kenneth?!" Galit na tanong ni Lisa.

Well, kasalanan nyo yan! Hahaha! Ginalit nyo ang tunay na dragon! Hahaha!

Nagkatinginan silang dalawa, "Well, unfortunately yes. We just did you a favor, bro. Sige bye! Enjoy your date!"

Bago pa kami makaalma ay kumaripas na ng takbo yung dalawa.

"Oy sandali!!! Bwisit!!" Singhal ni Lisa. Hahabulin pa sana namin sila nang may officer ng school fair ang humarang samin.

"Mr. President, Ms. Vice President, you are under arrest!"

"Whaaaaaattt???!!!"

BattlefieldWhere stories live. Discover now