Chapter 4

15 2 0
                                    

Ala-siyete na ng gabi ng matapos ang training ni Lisa sa Martial Arts Club nila. May pinaghahandaan kasi siya na tournament kaya training siya ng training.

Papalabas na sana siya ng pintuan nang may biglang humablot ng bag at libro nya. Agad-agad naman siyang umatake gamit ang kanyang binti at sinipa ito sa mukha.

"Aray! Ano ba, ako 'to!" Inis na tumayo ang binata mula sa pagkakaupo at nagpagpag ng damit. 

Napairap na lamang si Lisanna at sinubukang hablutin ang bag niya mula sa balikat ng binata, "Akin na nga yan!" 

"Nope." Hanggang sa makarating silang parking lot ay ganun pa rin ang ginagawa nila. Ayaw ibigay ni Ken ang gamit niya kaya inabot na sila rito sa parking lot.

"Akin na kasi! Kikitain ko pa si Luke kapag nagalit 'yon, ikaw sisisihin ko sige ka!" Hinihintay kasi sya ng kakambal niya. Sabay silang umuuwi at pumapasok, nasanay na din kasi sila.

"Wala akong pake." 

"Fine! Go on, sayo na lang yang mga yan kung ayaw mo namang ibigay." Tatalikod pa lang sana si Lisa pero hinigit sya ni Ken sa braso.

"Okay, okay. I'm also sorry for what I did last week. Hey." Pero inirapan lang siya ng dalaga at pinilit ulit kunin ang gamit niya.

"Akin na nga kasi!"

"Bakit ba kasi ang dami mong dala? No, ako na magbibitbit ng mga 'to," sambit ni Ken.

"Ano na namang bang problema mo? Sana hiningi mo man lang ang opinyon ko kung gusto ko 'yan ipabitbit sayo!" Nabuburyo na talaga siya sa binata, buong buhay na yata siya nitong bubwisitin.

"Magso-sorry lang naman ulit ako," sambit nito sa kanya sabay nguso. 'Akala mo naman ang cute nya!' sabi ni Lisa sa isip-isip nya.

Inagaw muli ni Lisa ang mga libro niya at tinulak ang binata sa dibdib. "Akin na nga yan! Ayokong magka-utang na loob sayo! Mamaya kung ano pa ang hilingin mong kapalit, Mr. Manyak!" Noong isang linggo kasi matapos ipagkalat na magkarelasyon daw sila ay hindi pa ito nakuntento at hinalikan pa siya sa pisngi.

Syempre, she's a NBSB kaya never pa niyang natatry na mahalikan. Even sa cheeks. Kaya ganun ang epekto sa kanya ni Ken. Manyak na ito sa tingin niya.

Pero hindi binitawan ni Ken ang mga libro at lalo pang niyakap, "Inayos ko na ang isyu about us kaya pwede ba, wag kang maarte dyan! Nagso-sorry na nga ako e at hindi ako manyak noh! Wholesome ako! WHOLESOME!"

"Ewan ko sayo!" Suko niya.
"Don't tell me hindi ka naniniwalang wholesome ako?"
"Hindi nga."
"Halikan kita dyan e!" Kinabig nito ang kanyang bewang dahilan para magkalapit sila at magkatitigan.

Sa di niya mawaring dahilan ay bumilis na naman ang kanyang heartbeat habang direktang nakatitig ito sa kanya. "I-iyan ba ang hindi manyak? Hahalikan mo ako sa gitna ng parking lot without my consent?! Bitawan mo nga ako!"

Tila natauhan si Kenneth nang may makitang mga taong nakamasid sa kanila. Agad siya nitong binitawan at basta na lang iniwan.

"Ang epal mo talaga, Kenneth! Akin na books ko!"

Hinatak ng dalaga ang braso nito ngunit nasobrahan yata dahilan upang sa di inaasahang pagkakataon ay aksidenteng nahalikan sya nito.

'Sinasabi ko na nga ba at manyak 'to! Bwisit! First kiss ko, wala na! Huhu!'

Saglit lang ngunit kakaiba ang naramdaman ng dalawa hanggang sa marinig nila ang kantyaw ng mga usiserong mag-aaral.

"Yun oh!"

Bumwelo si Lisa para sampalin ito ngunit maagap na napigilan nito ang kanyang braso, "Hindi pa nga gumagaling ang mga pasa ko sa mukha. Please lang, pass muna ako sa sampal at suntok mo pwede? Hon?" 

***

"Alam mo? Tang ina ka talaga kahit kailan e noh?" sabi ko sabay irap. 

"Alam ko," ngumisi muna siya bago nilapit lalo ang pesteng pagmumukha niya sakin.

Huwag nyang sabihing uulitin niya yung kanina?!

"A-ano ba! Ilayo-layo mo nga sakin yang mukha mo! Nandidiri lang ako e!" pero hindi niya pinansin yung sinabi ko at ngumisi ulit.

Bwisit na ngisi na yan! Lalo tuloy syang gumagwa--Ano ba naman yan, Lisa! GISING!

"Pero alam mo, ang lambot pala ng labi mo, noh?" 

AH MALAMBOT? BWISIT! Sa inis ko sinipa ko ang pinakamamahal niyang ibon, mabaog ka sana!

"Crap! Y-you little bitch! Masakit!" sigaw niya habang namimilipit at hawak-hawak yung gitna niya. Ha! Mabuti nga sayo! 

"Mabuti nga sayo, Manyak!" sigaw ko sakanya sabay belat bago tumakbo paalis. 

"Halikan kita dyan e!" Napatigil ako sa pagtakbo nang bigla syang sumigaw nang malakas.

Argh! Wala ba siyang hiya kahit para sa sarili niya man lang?!

Inis na nilingon ko sya, "Manyak!" sabay pulot ng bato at binato sa kanya. Ha! Kahit malayo siya, bulls eye pa rin yan! Ako pa!

Napapapikit na lang ako nang mariin tuwing naaalala ko yung halik! HOW COULD HE STEAL MY FIRST KISS?! 




BattlefieldWhere stories live. Discover now