1

64 2 0
                                    

"You can never win against me, Lisanna." 

Napakunot ng noo si Lisanna nang marinig niya ang tinig ni Ken, ang ultimate competitor niya sa lahat ng bagay.

Nasa loob sila ng auditoruim kung saan ginaganap ang bilangan ng boto para sa Student Council.

"Tigilan mo ko dahil hindi pa tapos ang bilangan, Mr. Yabang, kaya wag ka munang magsaya dyan," sabi niya sabay irap sa katabi.

Ken laughed sarcastically, "Sa tingin mo ba mananalo ka sakin? Uy, Ms. Amazona, madala ka naman. Highschool palang tayo'y hindi ka na manalo-nalo sakin sa Presidential election sa Council, ngayon pa kayang college na tayo?"

"Hoy! Mr. Kenneth Dela Agua, nanalo kaya si Lisanna nung 5th to 6th grade natin!" sambit naman ni Maily na nasa kabilang gilid niya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan at tinignan nang masama ang kalaban. Talagang pinapainit nito ang ulo niya.

"Pwede ba kung mambubwisit ka lang naman, lumayo ka na lang sa'kin. Masuntok pa kita and kung nakikita mo, Mr. Dela Agua, close fight ang laban natin. Better of, matakot ka na," mayabang na ani ng dalaga na ikiinis ng binata.

Pero ang totoo, siya ang kinakabahan dahil mukhang matatalo na naman siya nito. Ibig sabihin lang ay magdudusa na naman siya sa pang-aasar ng lalakeng ito buong taon.

Lagi na lang siyang nanalo, bulong niya sa sarili. Okay lang naman ito sa kanya pero syempre, gusto naman niyang maranasan maging President.

Gusto na niyang mapababa ito mula sa Student Council, hindi dahil hindi maganda ang pamamalakad nito ngunit gusto lang naman niya gumanti. Mula pa kasi noong magkita ulit sila matapos nitong lumipat noong highschool ay palagi na lamang siya nitong binubwisit. Naging hobby na yatang sirain ang araw niya.

After all, that's what rivals are for right? To meet on the battlefield and try to defeat each other. Kaso, sa lagay nila ng ubod ng yabang na si Ken, mukhang hindi niya matatalo ito, lalo na't posisyon ng Student Council President ang pinaglalabanan nilang dalawa. Ang lakas pa naman ng binata sa mga babae! Badtrip!

Ngumiti ang binata at nagkibit-balikat, "Yeah, close fight pero hindi pa rin ako kakabahan sa lagay na iyan. Mauutak ang mga estudyente dito, Ms. Amazona. Hindi sila pipili ng pasaway na candidate katulad mo," ngumisi muna ito sa kanya at nagsalita muli, "dahil ang gusto nila ay ang gwapo at magaling na tulad ko."

"Wow naman! Kapal!" Exaggerated na lumayo siya dito nang bahagya, "Ang kapal talaga ng mukha mo! Kasing kapal nitong libro na hawak ko! Lubayan mo nga ako!"

Nananadyang nilapitan pa talaga siya nito then he moved closer to her face at matapang siyang tinitigan, "Aminin mo na kasi, Lisa. Kaya mo lang naman ako nilalabanan kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap na hindi kita magugustuhan. Not again. Kahit ikaw pa ang pinakahuling babae sa mundo, hindi kita papatulan. Hindi mo lang din matanggap na mas gwapo pa rin ako sa long time manliligaw mong mukhang paa."

"Hoy! Hindi mukhang paa si Charles! Baka ikaw ang mukhang paa, paa na may alipunga! Saka kailan ko pa pinangarap ma-type-an mo?! Excuse me, hindi ako pumapatol sa tulad mong mukhang tipaklong with a crossbreed of a frog! Wag kang mag-alala dahil kahit ikaw na lang din ang huling lalaki sa mundo, mas mabuti pang mamatay na lang ako kesa naman patulan ka. Nakakita ka na ba ng salamin? Anong sinasabi mong gwapo ka?" Ngumisi ang dalaga sabay abot ng maliit na salamin sa binata. "Kung hindi, ito. Humarap ka nga at tignan mo yang pagmumukha mong insekto. Tignan mo na din kung saang anggulo ka gwapo. Ako kasi hindi ko makita."

"Ikaw lang ang indenial at di maka-appreciate sa kagwapuhan ko, alam mo ba 'yun?"

"Wala naman kasing i-aapreciate in the first place! Gwapo? Neknek mo!" Napangiti ang binata sa isip-isip niya. Matapang pa rin talaga.

"Siguro crush mo ko. At defense mechanism mo lang ang magdeny," ngumuso pa ito na parang bata, "but I'm sorry Lisa, hindi na talaga kita type eh."

Nang-aasar na tumawa si Lisanna, "Pagnanalo ako dito, reregaluhan kita ng limang sakong kapeng barako para nerbyosin ka naman sa mga pinagsasabi mo! Ita--"

Natigilan sila nang biglang nagsigawan ang mga tao sa auditorium.

Mukhang may nanalo na.

BattlefieldWhere stories live. Discover now