Chapter 8

16 2 0
                                    

Para akong siraulong napapalingon sa katabi kong upuan. 

Limang araw nang hindi pumapasok si Lisa. Nasa Korea daw ito para sa isang International Martial Arts Tournament sabi ni Luke. It seemed like 5 days of emptiness, too. I don't know kung magiging masaya ba ako o malungkot. Walang sumisigaw sakin. Wala akong maasar maliban kay Luke. Walang nananakit sa akin. Ika nga ni Luke, walang pumapatol sa power trip ko.

Why am I missing this brute? Hindi ko talaga alam e. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit hinahayaan ko lang siyang saktan-saktan ako kung tutuusin pwede ko naman siyang patulan. I'm a black belter in Judo, too. Ha!

Five minutes bago mag-ring ang bell ay pumasok si Lisa ng room. I missed you! Pangiti-ngiti ako sa kanya nang kunot-noo niya akong binalingan.

"Ano na naman bang problema mo, Mr. Del Agua?" Mataray na sita niya.

Ngumiti ako sa kanya nang pagkatamis-tamis, "Na-miss lang kita. Wala akong mapagtripan dito e saka wala akong makitang mas papangit pa sa mukhang paa mong manliligaw." 

"Punyeta ka talaga!" sigaw niya sabay binato ako ng pencil case. "May sayad ka na nga talaga sa utak. Pagamot ka nga!"

"Sige ba! Basta sabay tayo para couple goals!" Kinindatan ko pa sya. "Gold, Silver o Bronze?"

"Ha?" 

"Anong medals na iuwi mo?"

"Pakialam mo naman?"

"Ang suplada mo talaga! Lalo ka tuloy pumapangit. Walang papatol sayo kasi supladita ka. Walang makakatagal sayo, sige ka," pang-aasar ko dito.

"Well, mas pangit ka. Oo nga pala, condelence." Napakunot-noo naman ako sa sinabi nya. Condolence? 

"Condolence? Wala namang namatay samin ah?"

Nakita kong ngumisi sya, "Masyado nang late nang malaman ko nang malaman kong break na kayo ni Candy. Aww wala ka ng girlfriend. Hahaha! Kawawa ka naman, wala na nagmamahal sayo."

Natigilan ako sa sinabi nya. Parang sinabi na din niyang loser talaga ako. And it's starting to hit my ego again.

"Stop it. It's not a good joke."

"Uy! Napipikon ang isang bata! Mabuhay! Akala ko hindi ka napipikon e! Aha! Alam ko na!" Para siyang tangang nakataas pa ang isang daliri na parang may nagpop na idea sa ulo nya. I rolled my eyes. "Alam ko na kung anong weakness mo! Titirahin kita sa palpak mong love life! Hahaha!" 

Tiningnan ko siya ng seryoso,"Ironic to think na ang unang dahilan ng pagpalpak ng love life ko ay ang babaeng ginagawa lang biro ang love life ko." Umayos na ako ng upo at hindi na lang siya pinansin.

***
"Ironic to think na ang unang dahilan ng pagpalpak ng love life ko ay ang babaeng ginagawa lang biro ang love life ko."

Nagulat ako sa sagot niya sa pang-aasar ko sa kanya kanina. Natigilan ako at umiwas ng tingin. Until our prof. came in and started the class. Tahimik lang ang buong klase habang nagmo-monolog ang bookish naming professor.

Siniko ko sya. Well, hindi ko din alam kung bakit. Patagong binigyan ko siya ng isang crampled paper. Tinignan niya lang ako ng ano-na-naman-ba-toh-look. 

Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi siya sinagot. Nakita ko namang binuksan niya ito at binasa.

'Uy, medyo fool nga yung nasabi ko earlier. Sorry.'

Naramdaman ko namang lumingon ito sa'kin habang abala ako sa pagsusulat ng notes na pinapakopya ng prof. namin. Sandali siyang nagsulat at binato pabalik sakin ang crampled paper, aba'y sakto sa mukha ko, bwisit na 'to!

'Tirahin mo na ako sa lahat. Wag lang don sa issue na iyon.'

Hanggang sa nauwi na kami sa pagpapalitan ng asaran sa papel. Natawa naman ako bahagya, punyemas mga college na kami pero para pa rin kaming mga bata!

'Oo na po. Ilalantad ko na lang po na bading ka.'

'Hindi ako bading! Sa gwapo kong toh?'

'Iyon na nga e! Karamihan kaya ng gwapo, bading.'

'So, nagwa-gwapuhan ka na sa akin? Sabi na nga ba e, type mo talaga ako!'

'Nek-nek mo!'

Napalingon ako sa kanya at eksaktong napalingon din siya sakin. Natawa na lang kami sa mga kalokohan namin instead na makinig sa discussion. 

Nagsulat ulit siya sa papel at binato sa mukha ko. 

'Ang pangit mo pala talaga. Lalo na kapag nakangiti ka! Hahaha! Mukha kang na-stress na janitor fish.' 

Tang ina, neto ah?

'Feeling mo naman cute ka? Mukha kang unwanted tipaklong o naaksidenteng palaka!'

'Kailangan ng kiss ng palaka para maging prince.'

'Oh tapos?'

'I-kiss mo ako para guwapo ako.'

'Manyak!'

He snort laughed.

"Now, please open your books to page---"

"Sir!"

"Yes, Ms. Toralba?"

"E, kasi Sir si Mr. President at Ms. VP, kanina ko pa napapansing nagbabatuhan ng papel e! Nahihilo ba tuloy ako!" biglang reklamo ng isa naming kaklase.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ken at itinago agad-agad ang mga crampled papers.

"Mr. Dela Agua, Ms. Cepeda. Give me the papers." Nakalahad na ang kamay ng prof. namin na ikinakaba ko naman. "Give me the papers. Now!" 

BattlefieldМесто, где живут истории. Откройте их для себя