Chapter 47

1 1 0
                                    

Lisa's POV

"Kenneth! Paabot naman nung isang banner oh!" Sigaw ko kay Kenneth na nakasitting pretty lang dun sa gilid psh!

"What?" Tanong nya habang naglalaro sya ng phone nya.

"Anong what?! Sabi ko, paabot nung banner!" Tiningnan nya ako ng masama saka padabog na kinuha yung banner sa gilid ng stage.

"Oh!" Psh! Parang bata! Hinigit ko sa kamay nya yung banner para malagay na dito.

"Psh! Tamad!" Nakita ko naman syang umirap sakin at umupo na ulit.

Grabe...Naturingang President ng Student Council, ang tamad-tamad naman. Tch.

I started to climb up the ladder ng mapansin kong maibo ito.

"Ken, can you please hold the ladder? Masyadong maibo ehh."

"Kaya mo na yan. Ikaw pa." Tiningnan ko sya with a pleading look.

"Please?" He just rolled his eyes on me bago ako lapitan.

"Pasalamat ka, Mahal kita.." narinig ko syang bumulong.

"Ano?" I ask him.

"Wala! Ang sabi ko, bilis-bilisan mo na dyan at makauwi na tayo." Napa-"ahhh.." na lang ako at inakyat yng ladder.

Sinimulan ko nang ikabit yung isang side ng banner.

"Nagtataka lang talaga ako kung bakit wala kang boyfriend. Bakit nga ba?" I stiffened. Whatda?!

The next thing I knew...nahuhulog na ako...sa lapag!

"My god! Ahhhhhh!!" But still hindi ko pa rin ramdam yung sahig.

Huh? Did someone save me? An angel?
"Are you alright, Lis?" Napamulat ako ng mata.

And I saw Kenneth under me.

Hindi ako nakagalaw. Everything feels so slow. Slowmo ika nga nila.

Tumagal yata kami ng 15 minutes na nagtititigan lang.

"Hindi ka naman nabagok or something dahil nasalo naman kita pero...hindi ka pa rin ba aalis dyan?" He smirked before he continued.

"Or do wanna do something else with this position? Huh?" Dali-dali naman akong tumayo at inirapan sya.

"Tch." I heard him chuckled saka lumayo na sakin.

================

"Ayan. Kasalan mo ito ehh!" Inirapan ko lang si Kenneth habang sya, kanina pa nagmamatok sa gilid ko. Psh. Isip-bata.

Inabot kasi kami ng ulan sa kakaprepare para sa program.

Tumingin ako sa may gate ng school namin. Halatang baha na sa labas at ang lakas talaga ng ulan. May bagyo pa yata, tch.

"So anong plano mo?" Tanong sakin ni Kenneth.

Tiningnan ko din sya. "Go home." Inirapan naman nya ako. Psh, uso yata sa kanya ang mang-irap ah? Psh!

"Eh paano ka nga uuwi kung umuulan ng malakas?" Tiningnan ko lang sya saka ako naglakas loob para sumugod sa ulan.

Tsk! Wala na akong pake kung umuulan man, yung driver kasi namin may emergency na pinuntahan and since lowbat na din naman ako hindi ko na din matawagan o matext man lang sina Kua Luke at Kua Mark para sunduin ako dito.

Sumugod na ako sa ulan para lumabas na ng gate at dun na maghintay ng taxi. Kahit nahihilo na ako wala akong magawa basta makauwi na. Haist.

"Lisa! Are you crazy?! Ha?! Pumasok ka na nga dito!" Napatingin naman ako kay Kenneth na basa at nakasakay sa taxi.

Sa sobrang hilo napahawak na lang ako sa gate ng school namin and blackout.

"Lisa!"

BattlefieldWhere stories live. Discover now