Yvonne’s POV
Haist. New day again. Ito ang hate ko sa mga araw e. Ang Monday. Pag Monday kasi parati akong nalalate gaya ngayon. Jusko! Kailangan ko tuloy kumuha mamaya sa prefict of descipline ng late pass para makapasok ako sa classroom.
Late na late na late na late na late na late na talagaaaaaaaaaa~ ako. Pfft! 7:56 am na. Jusko! Anong idadahilan ko ngayon? Sasabihin ko bang traffic? Bumaha samin? May nagbundulan ng kotse saamin? Uwaaaaaa! Hindi ko alam idadahilan ko.
-tok tok-
At pumasok na ako sa prefict pag katok ko. Nakita ko si Sir Adam tumitingin sa may computer. May CCTV kasi sa may Entrance Gate kaya alam kong sino ang hindi hihingi ng Late pass. Ang talino talaga ng principal namin.
"Ah sir, hihingi lang po sana ako ng late pass?" Sabi ko. Napatingin siya sandali sakin bago kumuha ng papel at nag sulat doon.
“Anong pangalan? “
“Ah Yvonne Dizon po.”
Pag tapos binigay na sakin ni sir yung late pass. Tumakbo pa ako papunta doon sa may Locker. Kukunin ko yung dalawang notebook ko. English at Math. Iniiwan ko kasi yung mga notebook ko. Dinadala ko lang yung mga may assignment.
Binuksan ko yung locker at hindi na ako nabigla ng may nahulog na letter.
Kinuha ko muna yung mga notebook tsaka ko pinulot yung letter. Mamaya ko na babasahin yung letter, late na kasi talaga ako e.
Papalapit na ako ng classroom.
Buntong hininga.
Kaya mo yan yvonne! Fighting!
“I want you all to write an poem about yourself, that’s will be your assig-- Miss Dizon why are you late?” Wow naman si ma’am. Yan agad bungad sakin?!
"Ah kasi ma’am traffic po." Pasimple kong sabi at binigay kay ma’am yung late pass at naupo na sa upuan ko. Unfortunately pati pala yung katabi ko wala. Si Pia.
Asan kaya ang babae na yun? Tsktsk.
Kinuha ko yung letter at pagkabuka ko nagulat ako. One letter lang kasi ang nakasulat wala nang iba. As in. Ano kaya ibig sabihin nito?
Dear Yvonne,
D
-Secret Admirer
-----------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Love Behind Facade (BTS JUNGKOOK FANFIC)
FanfictionMahirap mag hanap nang true love, lalo na kung yung hinahanap mo matagal nang nasa harap mo pero masyado mo siyang kinakainisan para mapansin ito.