FACADE 10: N

64 8 1
                                    

Facade 10: N

As in. Nabigla ako. Ano kayang ibig sabihin niya ng letter D ano bang pinapahiwatig niya dun? Anong pinagmamalaki niya? Na tamad siya?

Ngayon naman na araw ang nakuha ko letter N yung totoo? Tamad na ba siya at ganoon lang sinasabi niya? Argh! Wala kasi si pia e. Nalaman ko kay xhaiden may sakit daw hindi ko sana papaniwalaan pero ng tinanong ko na si gab may sakit daw talaga.

 

Buntong hininga.

 

Wala na tuloy akong pagsasabihan. Meron naman sana pero itong katabi ko pa, na ngayon ay kanina pa text ng text? Baka pag sinabi ko pa sakanya pag tawanan lang niya ako?

“Spill.”    Sabi niya sakin.

“Ha?”     

“Kanina kapa kasi nakatingin sakin e. Kong nakakamatay lang tingin mo siguro pinaglamayan na ako dito.”

Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatingin dito sa enemy ko.

“Sorry naman. E kasi ganito yun meron akong err.. admirer? Tapos naguguluhan ako kasi ang mga pinapadala niya sakin e mga one letter lang. Gaya kahapon letter D tapos ngayon naman letter N wala talaga akong ma gets e. Di ko alam kong anong pinapalabas niya.” 

“Baka naman siguro binibigyan ka niya ng clue kong sino siya?”  Seryoso ba ito? First time ko siya makausapa ng seryoso.

“What do you mean clue? Hindi ko ma gets”

“Kasi slow ka”

“Aray naman! Pero ano nga?”

“Kasi nga diba from the word SECRET natural walang nakakaalam kong sino siya, kaya siguro nagbibigay siya ng clue sayo? Hintayin mo lang kasing matapos yung clue niya para malaman mo kong sino talaga siya.”

“Anong clue naman yun?”

“Aba! Bat ako tinatanong mo? Natural ikaw makakaalam nun kasi sayo binibigay.”

“Pero naguguluhan ako e”

“Hmm.. Gusto mo ba malaman kong sino ang admirer mo? Kong may pagkakataon?”

Gusto ko nga bang malaman? Dati hindi e. Pero ngayon eager na akong malaman kong sino siya...

“Oo naman. Kong may pagkakataon.”

-------------------------------------------------------------------------

Love Behind Facade (BTS JUNGKOOK FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon