"WOW! Ang ganda-ganda naman dito Castor! Mukhang mas pinalaki na perya!" hindi mapigilang bulalas ni Heaven na puno ng pagkamangha habang inililibot ang tingin sa paligid.
Niyaya kasi siya ng binata na magdate raw ulit sila. Wala naman silang ginagawa ni Lian sa bahay kaya napilit na rin siyang sumama sa lalaki. Dumaan lang sila sandali sa Dioscuri dahil may ibinilin lang itong ilang bagay kay Gab tungkol sa trabaho saka sila dumiretso sa pupuntahan nila. Hindi naman siya makapaniwala na sa amusement park siya nito dinala. First time rin niya makapunta doon kaya tuwang-tuwa siya.
"I'm glad na nagustuhan mo rito." ani Castor.
Sunod-sunod siyang tumango habang nakangiti sa binata. "Oo naman! Unang beses ko pa lang makapunta sa ganito. Ang ganda pala ano? Saka sobrang malawak din pala sa personal. Nakakatuwa yung iba't-ibang kulay ng mga ilaw sa paligid."
"First time?"
Tumango siya, saka ibinalik ang mga mata sa pagmamasid sa paligid. "Oo, hindi naman kasi ako pinapayagan ng tiya ko noon na magpunta kahit sa maliit na perya sa bayan namin kapag pista. Minsan nga kapag may eksena sa TV na may senaryo ng ganitong kalaking amusement park, nag-iimagine na lang ako na nandoon din ako." binuntutan niya sinabi ng hagikgik.
Nang lumingon siya kay Castor, nagtaka si Heaven nang mapansin na tila nagdilim ang mukha ng binata. Nakita rin niya na halos mamuti ang mga kamao nito sa tindi ng pagkakakuyom non. Marahan niya itong hinawakan sa braso.
"A-ayos ka lang ba, Castor? Sumama ba ang pakiramdam mo?" itinaas niya ng isang kamay para damhin ang ilalim ng leeg nito, tumingkayad pa siya para maabot ang noo nito.
Napanguso siya, nagtataka. Hindi naman mainit na parang maysakit ang lalaki. Nag-alala tuloy siya dito.
Mariing pumikit naman si Castor, saka malalim na humugot ng hininga. Nang dumilat ito, hinaplos ng binata ang pisngi niya at ngumiti sa kanya. "Ayos lang ako, tara? ipapasyal kita sa paligid, sasakay din tayo ng mga rides."
Halos mapatalon sa tuwa si Heaven sa narinig. "Talaga?! Tara na, excited na ako!"
•••
Hindi na napigilang mapangiti ni Castor habang nakatingin sa masayang mukha ni Heaven. Talagang tuwang-tuwa ito dahil dinala niya ito sa amusement park. Mukhang may sense naman pala yung ginawa niyang pagre-research kung saan niya pwedeng dalhin ang babae para ipasyal.
Dati, he thought that never in his wildest dreams na magpupunta siya sa ganoong lugar, akala lang pala niya. Pero makita niya kung gaano kasaya si Heaven nang makarating sila doon, kinain niya pala ang lahat ng sinabi niya dati.
Because now, he's willing to take her in every places na alam niya makakapagpasaya dito na hindi nito naranasaan noon.
But honestly, nakaramdam na naman siya ng galit sa mga umampon kay Heaven nang marinig ang sinabi nito na hindi ito pinapayagaan ng umampon dito na tinatawag nito na 'tiya' na mamasyal man lang. Talagang parang preso at alila pala talaga ang turing sa babae sa dati nitong tinitirhan.
And Heaven is too precious to experienced that kind of torture.
He unconsciously kissed the top of her head. He smelled her flowery scent. Ipinaikot rin niya ang isang braso sa bewang nito. Nang tignan siya ni Heaven, ningitian lang niya ang babae.
Una silang sumakay sa rides na Anchor's Away. Matapos doon, agad siyang hinila ni Heaven sa Space Shuttle.
"Angel, just wait me here okay? Huwag kang aalis. Call of nature lang." aniya sa babae matapos ito paupuin sa isang bench na hindi kalayuan sa isang restroom pagkababa nila ng rides.
BINABASA MO ANG
Ethereal
RomanceHer innocence was so pure and features so angelic, it would feel like a sin to treat her anything less than like an angel. So Castor made her his. - La Croix Brothers' Series #2 Castor La Croix R-18 (Mature-Content)