9

75.8K 1.8K 173
                                    

"P-PASENSYA ka na Castor, sa susunod hindi na talaga ako magpupunta sa shop mo nang walang paalam-" pinutol ng lalaki ang anumang sasabihin ni Heaven nang biglang sakupin ni Castor ang mga labi niya.

Nanlalaki ang mga mata ni Heaven habang nakatingin sa mukha ng binata, hindi siya makapaniwala. Napapikit na rin siya nnang ipasok ni Castor ang dila nito sa loob ng bibig niya. Ninamnam niya ang halik nito. Napakalambot ng labi ni Castor, napakabango pa ng hininga ng binata. Napakapit pa siya ng mariin sa magkabilang balikat nito nang sipsipin nito ang dila niya. Napaungol siya dahil doon.

"She's nothing to me, angel. Ang babaing iyon ang humalik sa akin, hindi ako, kung nagtagal ka pa ng konti, siguro makikita mo rin na tinulak ko siya." masuyong saad ng lalaki nang pakawalan nito ang labi niya. Parehas silang humihingal.

Malambing na ang boses nito, hindi katulad kanina na parang galit. Mapungay din ang kulay luntian nitong mga mata na parang kinakabisado ang bawat parte ng mukha niya.

"C-castor.." anas niya.

Muli nitong pinatakan ng mabilis na halik ang labi niya.

"Aaminin ko, hindi ako ganoon kagaling mag-express ng nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado, gusto kita...I like so much." seryosong sabi nito habang hinahaplos ng hinlalaki nito ang labi niya.

Muling nanlaki ang mga mata ni Heaven dahil sa sinabi ni Castor. Halos dumoble rin ang bilis ng tibok ng puso niya.

"G-Gusto mo ako?" hindi makapaniwalang anas niya. Castor nodded.

"Yes, angel. Gusto kita, gustong-gusto."

"P-Pero bakit? Ano bang nagustuhan mo sa akin?" walang-wala siya kumpara sa binata. Maaaring walang-wala rin siya kumpara sa mga babaeng dumaan sa buhay ng lalaki.

"Maybe at first, I got bewitched by your beauty. Hanggang sa mga sumunod na mga araw na mas lumalim pa ang pagkakakilala ko sayo, hindi ko namalayan na lumalim na rin pala ang nararamdaman ko para sayo. Hinahanap-hanap ko na ang boses, ang bawat tawa at presensya mo."

"C-Castor..."

"And I want to be your boyfriend. Papayag ka ba na maging girlfriend ko?"

"G-girlfriend? I-ibig mong sabihin, magiging boyfriend kita?"

"Yes, Heaven. You will be mine and I'm only yours."

Sandali siyang natigilan. Kung magiging nobyo niya ang binata katulad ng sinabi nito, ibig sabihin hindi na ito pwedeng halikan ng ibang babae? Siya na lang ang pwede?

"What are you thinking, angel? Are you fvcking minding our age gap?" salubong na kilay na tanong nito ng mapansing nag-iisip siya ng malalim.

"Angel? Ayaw mo bang maging girlfriend ko-"

"Gusto ko!" gagad niya, pero napaiwas din agad siya ng tingin sa hiya. Bakit ba kasi pasigaw niyang nasabi iyon? Tumawa naman si Castor at gigil siyang pinaliguan ng halik sa mukha niya habang yakap siya nito.

"Ahm...ano g-gusto ko Castor, gusto kong maging nobya mo." ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha sa sinabi. Gusto niya si Castor. Gustong-gusto. At katulad nga ng sinabi sa kanya ni Lian, she need to take a risk. Mahal niya ang lalaki, at handa siyang gawin iyon para dito.

Mas lumawak ang ngiti ng binata sa kanya. "Wala ng bawian 'yan ha?" saad nito. Tumango naman siya sa lalaki.

"Finally, you're officially mine." anas ni Castor saka muli nitong mapangahas na sinakop ang labi niya. Naramdaman niya pa ang pagngiti nito habang hinahalikan siya.

-

NASA labas ng gate ng bahay ni Castor si Heaven habang inaantay si Lian. Nagpapasama kasi ito sa palengke. Wala naman siya gagawin dahil kakatapos lang nila maglinis ng bahay ni Lian. Napangiti habang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan si Heaven, naalala niya si Castor. Hindi talaga siya makapaniwalang nobyo na niya ang binata.

EtherealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon