HINDI maiiwasang hindi mapangiti ni Heaven nang ihinto ni Castor ang kotse nito sa tapat ng Sweet Dreams café. Nagpresinta kasi itong ihatid siya sa unang araw ng pagbabalik niya sa trabaho. Kanina pa rin kasi niya na napapansin na sambakol ang mukha ng lalaki at panay buntonghininga habang nag-aalmusal sila.
"Ayos ka lang ba?" pinigilan niyang matawa sa itsura ng mukha nito. Bakit ba ang cute cute nito lalo na kapag nakasimangot?
"Are you really sure that you really want to work in that fvcking café? pwede ka naman sa shop ko magtrabaho." ani Castor.
Napangiti si Heaven. Sabi na nga ba niya, iyon na naman ang pinagpuputok ng butsi nito. Talagang ayaw ni Castor na pagtrabaho-hin siya, alam niyang kung hindi lang dahil gusto niya, nunca itong papayag sa desisyon niya.
"Castor, napag-usapan na natin ito diba? atsaka ano namang gagawin kong trabaho sa shop mo?" ni wala nga siyang alam sa mga kotse.
"Inspirasyon ko, tititigan kita maghapon habang nagta-trabaho ako."
Napahagikgik na lang si Heaven sa sagot ni Castor at pinisil ang pisngi ng binata.
Alam naman niya na hindi lang 'titig' ang gagawin nito kapag nasa office sila ng shop nito. Naalala pa niya noong unang beses silang nag-make-out doon ng binata.
"Puro ka talaga kalokohan. Sige na, bababa na ako. Kita na lang tayo mamaya." mabilis lang dapat niyang hahalikan ang lalaki pero bigla nitong kinabig ang batok niya at mas pinalalim nito ang halik.
Isang ungol ang tumakas sa lalamunan niya ng ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya. He even suck her tongue and lower lip.
"Fvck, why I can't get enough of you?" hinihingal na anas ng binata matapos ang halik.
"Adik ka eh, sige na, babye na. Pasok ka na rin sa shop mo, huwag mong kakalimutan kumain ng tanghalian ha?"
"Yes, angel. I love you." sumaludo pa ito sa kanya matapos siyang kindatan.
"I love you too." bumaba na agad siya sa kotse nito. Baka kasi pagnagtagal pa siya, hindi na matapos si Castor sa kakahalik sa kanya. Kinawayan niya ang papalayong kotse ng binata bago siya pumasok sa loob ng café.
"Heaven! Buti naman at nakabalik ka na dito!" nakangiting sinalubong ni Heaven si Emma nang pumasok na siya sa café ni Alex.
"Oo nga eh. Akala ko nga hindi na ako makakabalik dito." pabirong kiniliti siya nito sa tagiliran.
"Ikaw ha, boyfriend mo pala si Castor La Croix. Swerte mo girl! Napapanood ko dati sa UFC yung boyfie mo. Siya rin siguro yung naghatid sa'yo, ay wait," napaatras pa siya bigla ng ulo nang ilapit ni Emma ang mukha nito sa kanya.
"Swollen yung lips mo, siguro nagkiss pa kayo ng jowa mo bago ka pumasok dito." namula ang pisngi niya sa hiya lalo na at tama ang hinala nito.
"H-hindi noh!" agad siyang tumakbo at pumunta sa locker room. Narinig pa niya ang tawa ni Emma.
Napailing nalang siya nang makitang medyo maga nga ang labi niya. Mukhang halatang pinanggigilan. Bakit ba kasi ang hilig manipsip ng labi ang nobyo niya?
Matapos niya makapagbihis, lumabas na din siya sa locker room. Nadatnan na niya sa usual spot nito si Alex. Nakaupo sa sulok ng coffee shop ang lalaki habang nakatutok sa harap ng laptop nito.
"Good morning, Sir Alex." bati niya sa lalaki. Nag-angat naman ito ng tingin.
"Heaven! I'm glad that you're back. Akala ko hindi ka pa papayagan ni Mr. La Croix." ani nito habang nahihiyang napahawak naman siya sa batok niya. Natatawang bahagyang pinisil naman ng lalaki ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Ethereal
RomanceHer innocence was so pure and features so angelic, it would feel like a sin to treat her anything less than like an angel. So Castor made her his. - La Croix Brothers' Series #2 Castor La Croix R-18 (Mature-Content)