17

64.7K 1.4K 99
                                    

🔞

"BLOOMING ka, Heaven ah."

Halos mamula ang mukha ni Heaven sa hiya nang salubungin siya ng bati ni Lian nang makababa siya sa kusina. Kakauwi lang kasi nila ni Castor galing ng penthouse nito. Halos tatlong araw din silang nanatili doon dahil gusto daw siya masolo muna ng binata. Pinagbigyan na lang niya dahil hindi rin naman niya matitiis ang lalaki.

"Ano, malaki ba? mahaba?" pilyang tanong ng ni Lian, pabiro pa siyang siniko ng babae.

Malaki? Mahaba? Nanlalaki naman ang mga mata ni Heaven nang maalala ang bagay na nasa pagitan ng mga hita ni Castor.

"L-Lian!"

Humalakhak naman ang babae, sapo pa nito ang tiyan.

"What I mean is, malaki ba yung penthouse ni boss atsaka mahaba ba yung pinag-usapan niyo at kagabi lang kayo umuwi!" pinanggigilan ni Lian ang namumula niyang pisngi. "Ikaw Heaven ah, kung anu-anong pinag-iisip mo ha..."

"Lian nga kasi!" naputol na lang silang sa pag-aasaran nang tumunog ang doorbell ng bahay ni Castor. Nagkatinginan sila ni Lian.

"Ako na lang ang magbubukas." pagpe-prisinta niya. Agad siyang lumabas at pumunta sa gate. Tumambad sa kanya ang isang sopistikadang babae nang pagbuksan niya gate. Matangkad ito, morena, maganda at mukhang modelo.

"Hello po, sino pong hanap nila?" magalang na tanong niya sa babae. Tinaasan siya nito ng kilay, saka siya tinignan simula ulo hanggang paa.

"Who the hell are you? Where's Castor?" anang babae sa kanya.

"Ahm, nasa Dioscuri po siya ngayon, maaga siya umalis." magalang na sagot ni Heaven. Bigla namang lumitaw sa tabi niya si Lian, gulat ang mukha nitong napatingin sa babae na nasa harap nila.

"Lian! Where's Castor? Why he's not answering my calls? And who is this girl?"

"Miss Geneva, k-kayo po pala... eh si Boss Castor po-"

"Never mind. I will just come back here again na lang. Pakisabi kay Castor, call me when he got home. Tell him I miss him." tumalikod na ang babae na tinawag ni Lian na Geneva at sumakay sa kotse na nakaparada sa gilid.

Tinanaw pa nila ang papalayong kotse ng babae bago siya hilahin ni Lian papasok ng bahay matapos nito isara ang gate.

"Sino siya, Lian? kamag-anak ba siya ni Castor?" tanong niya sa babae nang makabalik sila sa kusina.

"Ex-fling iyon ni Boss. Ang alam ko galing iyon ng ibang bansa, modelo kasi iyon. Naku, napakamaldita ng babaeng iyon, di ko type ang ugali."

"Ex-fling?"

Naglikot naman ang mga mata ni Lian. Nakagat pa nito ang ibabang labi na parang may nasabi na mali.

"Lian, sabihin mo nga sa akin. Ano ba yung...ex-fling?"

"A-ano, kasi diba playboy dati si Boss? ayun kaya marami siyang nakaka-fling na babae. Meaning casual sex lang, no strings attached." napalunok si Lian, hinawakan pa nito ang dalawang kamay niya. "H-hindi ka naman siguro galit o nagseselos diba? Hindi mo naman siguro iiwan si Boss?"

Ngumiti si Heaven sa babae. "Mahal ko si Castor, Lian at alam ko na ganoon din siya sa akin. Atsaka dati na naman iyon diba? nakaraan na. Malaki ang tiwala ko sa kanya."

Sa halos araw-araw na ipinapakita ni Castor kung gaano siya nito kamahal at siya lang ang gusto nito kahit noong mga panahon na hindi pa sila, wala nang dahilan pa para magselos siya o magalit. Tanggap niya kung anuman ang ugali at nakaraan dati ng binata. Buo ang tiwala niya sa nobyo na hinding-hindi siya nito lolokohin. At iyon ang pinanghahawakan niya.

EtherealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon