"MY angel badly want her job at this café but I'm not saying sorry for punching you last time." pinalo ni Heaven si Castor sa braso at pinanlakihan ito ng mga mata.
Pagkabalik kasi nila ng Maynila galing ng bakasyon nila sa isla, nagdesisyon si Heaven na kausapin si Alex para personal na humingi ng tawad at tungkol na rin sa trabaho niya. Hindi naman pumayag si Castor na pupunta siya sa café mag-isa kaya sumama ito. Ipinangako naman nitong magbe-behave ito kaya hinayaan na niya.
Marahas na napabuga ng hangin si Castor.
"Fine," parang napipilitan sa saad ng lalaki, inikutan pa siya ng mga mata ni Castor bago ito muling bumaling kay Alex na nasa harapan lang nila, "I'm sorry about that punch, and yes, pinapayagan ko na si Heaven ko magtrabaho dito sa café mo so better fvck off."
Hinapit pa siya lalo ni Castor palapit dito. Mahigpit pang nakapaikot ang braso nito sa bewang niya. Pasimple niyang kinurot sa tagiliran ang nobyo, pasaway kasi talaga. Iyon ba ang behave?
"I'm sorry po talaga, Sir Alex. Sana po bigyan niyo pa ako ng second chance na magtrabaho dito sa café mo." sansala niya. Malawak naman na ngumiti sa kanya si Alex.
"You're always welcome here, Heaven." napangiti naman siya sa sagot ni Alex. Nagulat pa siya ng sapuhin ni Castor ang mukha niya para ibaling ang tingin niya dito.
"Don't smile at him. Akin lang ang ngiting iyan." nakasimangot na sabat naman ni Castor. Alex chuckled.
"What a cute couple. By the way Heaven, sa next monday ka na lang ulit mag start." agad naman siyang tumango. Bumaling naman si Alex kay Castor, "Take care of Heaven, dude. She's for keeps."
"I know that's why I'm telling you to fvck off." napailing na lang siya sa asal ng nobyo. Buti na lang at tinawanan lang ito ni Alex. Matapos nila kausapin si Alex, umalis na sila ni Castor.
"Ikaw talaga, iyon ba ang behave? Inaway mo pa si Sir Alex kanina." saway ni Heaven sa nobyo habang nasa sasakyan sila nito.
"What? At least nag-sorry ako sa pagsuntok ko sa kanya last time."
"Hay naku, Castor. Pasaway ka talaga."
Dumiretso sila sa malapit na mall para mamasyal. Binilhan siya nito ng ilang libro. Tumingin-tingin din sila ng mga damit. And knowing Castor, hindi ito pumayag na hindi siya mabilhan ng damit. Nang mapagod sila sa kakalibot, niyaya siyang doon na magtanghalian ni Castor sa mall. Sa isang Japanese restaurant sila nagpunta.
Nahihiya nga siya kay Castor dahil hindi siya marunong gumamit ng chopsticks kaya imbes na magpakuha ito ng kutsara sa waiter para sa kanya, sinusubuan na lang siya nito ng pagkain.
"You should eat a lot, angel para na rin madagdagan yung timbang mo." ani ng binata matapos siya nito subuan ng pagkain na tinawag nitong sushi.
Hinintay muna niyang malulon ang kinakain niya bago ito sagutan. "Bakit? hindi naman ako ganoon kapayat ah? Sakto lang yung katawan ko." inabot niya ang mangkok ng noodle soup at iyon naman ang kinain niya.
"Yeah but you're too sexy! Nabu-bwiset ako kapag may mga lalaking tumitingin sayo. Bakit ba kasi sobrang ganda mo?" parang bata nitong reklamo. Imbes na mainis, natawa na lang si Heaven sa ka-cute-an o mas tamang sabihin na ka-OA-yan ni Castor.
Ang laking tao, puro tadtad pa ng muscles at tattoo ang katawan tapos may pagka isip bata rin pala ang binata minsan. Hindi na lang niya pinatulan ang hirit nito at tinanggap ang isinubo nitong pagkain. Patapos na sila kumain nang magpaalam sandali si Castor na magbabanyo lang ito sandali. Abala siya sa pag-ubos ng pagkain niya nang may lumapit sa kanyang waitress, inabot nito sa kanya ang isang bouquet ng rosas.
BINABASA MO ANG
Ethereal
RomanceHer innocence was so pure and features so angelic, it would feel like a sin to treat her anything less than like an angel. So Castor made her his. - La Croix Brothers' Series #2 Castor La Croix R-18 (Mature-Content)