"GRABE naman pala yung tiyang mo, tama lang ang desisyon mo na umalis doon sa poder nila." mapait na napangiti na lang si Heaven. Kausap niya kasi si Lian habang tinutulungan niya itong maglinis ng bahay ni Castor.
Madali naman niya nakagaanan ng loob ang babae, pati ang pinsan nitong si Gab mabait din sa kanya. Masaya siya dahil sobrang bait sa kanya ng mga ito, lalo na si Castor. Binigyan pa siya nito ng sarili niyang kuwarto sa bahay nito para matuluyan niya.
"O-oo nga eh. Pero malaki rin naman ang utang na loob ko sa kanila, kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon."
"Nandoon na nga ako, pero hindi pa rin tama yung pagmamaltrato nila sa'yo." sabi pa ng babae.
"Heaven?" napalingon sila ni Lian nang lumapit sa kanya si Castor. Sinalubong niya ito ng ngiti.
"Bakit po?" tanong niya sa lalaki nang tumayo ito sa harap niya. Napakatangkad talaga nito, umabot lang kasi ang taas niya sa balikat nito.
"Pupunta lang ako sandali sa shop ko. Stay here with Lian for a while, mamaya pagbalik ko may pupuntahan tayo."
"Okay po." Heaven nodded her head like a kid. Ngumiti naman si Castor, hindi na siya nakahuma nang mabilis na hinaplos nito ang pisngi niya bago ito umalis. Tinanaw ni Heaven ang papalayong bulto ni Castor. Wala sa loob na napahawak siya sa pisngi na hinaplos ng binata.
Saan naman kaya sila pupunta mamaya? At isa pa, bakit nito hinaplos ang pisngi niya? Nagkibit-balikat na ibinaba ni Heaven ang kamay, baka masyadong mabait lang talaga si Castor kaya ganoon. Baka nabigla lang din ito.
"Ang pogi ni Boss Castor ano? sobrang bait pa...sa'yo." sinundot ni Lian ang gilid ng bewang niya habang nakatanaw sila sa papalabas na sasakyan ng binata.
"Bakit? Hindi ba siya mabait sa inyo?"
"Mabait naman, parang pamilya na ang turing namin kay boss. Ganun din siya sa amin. Kilalang-kilala namin iyan, mabait pero sobrang sama nga rin magalit. Kaya lang nakakapanibago lang kasi, maliban sa amin at sa mga kapatid niya, ngayon ko lang siyang nakitang ganyan, sa ibang babae naman niya hindi."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" hindi niya kasi maintindihan kung ano ang pinupunto ni Lian. Makahulugang ngumiti si Lian.
"Wala. Siyanga pala, anong plano mo dito sa Maynila. Gusto mo bang mag-aral? magtrabaho?" pag-iiba nito sa usapan.
"G-gusto ko sanang magtrabaho para makapag-ipon ako para sa pang matrikula. Pangarap ko kasi talagang makatapos ng pag-aaral, iyon din kasi ang pangarap sa akin ng mga magulang ko pati ang tiyo Berto ko bago sila mamatay."
"Trabaho? Kay boss ka magpatulong, for sure baka pwede ka niya ipasok na tauhan sa isa sa mga business niya. Bigatin iyon eh." napatungo si Heaven habang pinaglalaruan ang laylayan ng damit niya na suot.
"N-nakakahiya naman Lian. Sobra-sobra na ang naitulong sa akin ni Sir Castor, ayoko naman samantalahin ang kabutihan niya sa akin." tumawa naman si Lian saka gigil nitong pinisil ang magkabilang pisngi niya.
"Naku, ikaw pa ba? eh mukhang malakas ang tama sa'yo—este malakas ka kay Boss. Teka, ilang taon ka na ba?"
"Eighteen, pero magna-nineteen na rin ako ngayong taon."
"Patay! Mukhang makakasuhan si boss ng child abuse ah? Bata ka pa pala talaga. Atsaka hindi ka pa pala pwede magtrabaho, Heaven. Mahina pa yung katawan mo, kailangan mo pang magpagaling."
"P-pero kaya ko na talaga! Sige na Lian, tulungan mo ako makahanap ng trabaho."
"Ipapaalam muna natin kay boss, mahirap na, masyado pa naman possessive at over-protective iyon pagdating sa'yo."
BINABASA MO ANG
Ethereal
RomanceHer innocence was so pure and features so angelic, it would feel like a sin to treat her anything less than like an angel. So Castor made her his. - La Croix Brothers' Series #2 Castor La Croix R-18 (Mature-Content)