19

59.8K 1.4K 77
                                    

NAGSIMULA na sa trabaho niya sa café si Heaven matapos niya makompleto ang mga requirements na kailangan niya. Nagpatulong pa siya kay Lian para makuha ang mga iyon. Kaya nga lang, palihim pa nilang ginagawa iyon. Pati na din ang pagpasok niya sa café. Hindi pa kasi niya sinasabi kay Castor ang tungkol sa trabaho niya. Pagkaalis ni Castor kapag papasok ito ng Dioscuri, doon siya aalis. Umuuwi din siya tuwing tanghali para na rin hindi mahalata ni Castor na umaalis siya ng bahay.

Ayaw naman talaga niyang maglihim sa binata, kaya lang, nangingibabaw ang pagnanais niyang hindi na gaanong maging pabigat sa nobyo. Nahihiya na rin naman kasi siya sa lahat ng naitulong sa kanya ni Castor. Uunti-untiin na lang niya sigurong sabihin sa lalaki ang tungkol sa trabaho niya.

"Heaven, mamaya ka na magpunas ng mga lamesa, kumain muna tayo ng lunch." aya sa kanya ni Sir Alex. Chineck niya ang wristwatch niya, nanlalaki ang mga mata at nataranta siya nang makita kung anong oras na.

"Mauna na po kayo, Sir. Pasensya na. Excuse lang po." agad siyang tumalikod at pumasok sa locker room ng mga crew. Nang mahanap ang cellphone, tinawagan niya agad ang numero ni Lian.

"Hello? Lian? Umuwi ba si Castor?" kinakabahang tanong niya sa babae.

"Jusmiyo! Buti naman at tumawag ka. Hindi umuwi si Boss, kaya lang tumawag dito kanina hinahanap ka hindi mo daw sinasagot ang mga tawag at text niya. Nagpalusot na lang ako."

"Pasensya ka na, Lian kung ikaw pa ang naiipit ha? Sorry talaga." abot-langit din ang pasasalamat niya sa babae. Kahit alam niya kung gaano ito nag-aalala na mabuking sila ni Castor, tinutulungan pa rin siya nito.

"Ayos lang yun. Ikaw, hindi ka ba uuwi ngayong tanghali?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Hindi na, Lian. Dito na lang siguro ako kakain ng tanghalian."

"Sige. Agahan mo umuwi mamaya ha?" bilin pa ni Lian sa kanya. Matapos magpasalamat ni Heaven sa babae ay ibinaba na niya ang tawag. Lumabas na rin siya sa locker room. Hinila naman siya agad ni Emma, kasama niya sa trabaho papunta sa lamesa sa sulok ng café. Wala namang customer kaya pansamantala nilang isinarado ang café. Nandoon rin si Sir Alex nila at inaayos ang mga pagkain sa mesa.

"Maupo na kayo, kain na tayo." nakangiting yakag sa kanila ni Alex. Magkatabi naman silang naupo katapat ng lalaki. Madaling nakagaanan ng loob ni Heaven si Emma pati na rin ang boss nilang si Alex. Mababait naman kasi ang mga ito sa kanya.

"Talaga po? Hindi po ako makapaniwalang magpinsan kayo ni Sir Alex." ani Heaven kay Emma. Nagku-kwentuhan kasi sila habang kumakain.

"Thankful nga ako diyan kay kuya Alex kasi binigyan niya ako ng trabaho. Kailangan ko din kasing magtrabaho lalo na at nag-aaral din ako," komento naman ni Emma. "By the way Heaven, may boyfriend ka na ba?" tanong pa nito.

"H-ha?"

"May kakilala kasi ako, single pa. Naghahanap ng girlfriend, kaya lang natotorpe." nanunudyong sumulyap ito kay Alex na pinsan din nito. Hindi iyon napansin ni Heaven.

"Huh? May boyfriend na ako." ani naman Heaven habang busy siya sa pagkain.

"Aw, sayang naman, better luck next time kuya-"

"Here Heaven, have some kare-kare it's good. Gusto mo pa ba ng kanin?" singit naman ni Alex. Pasimple pa nitong sinamaan ng tingin si Emma na nakangisi sa lalaki.

"Hindi na po Sir. Busog na po ako. Salamat po." pagkatapos nila kumain, bumalik na agad sila sa trabaho. Nagsisimula na rin kasi dumagsa ang ilang customers.

Nang makauwi siya sa bahay ni Castor, nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala pa doon ang kotse ng binata. Dumiretso siya agad sa kuwarto nila, nagpahinga sandali saka mabilis na nag shower.

EtherealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon