END

67K 1.6K 193
                                    

PUTING kisame at amoy ng gamot ang bumungad kay Heaven nang magising siya. Napangiwi siya nang makaramdam ng sakit sa sikmura niya. Pero napabalikwas agad siya ng bangon nang maaalala ang nangyari sa cafè.

Simula sa pagdating ni Rex, sa pagpilit nitong isama siya nito, pagdating ni Castor at bahaw na putok ng baril-

Teka, si Castor!

"C-Castor!" sigaw niya. Nagsimula siyang manginig sa takot, sobrang bilis din ng tibok niya dahil sa sobrang kaba.

"Hey, angel I'm here...I'm here, are you alright?"

Hindi mapigilan ni Heaven ang mapaiyak nang makita si Castor na nasa tabi lang pala niya. Sinapo nito ang mukha niya, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Niyakap niya ng mahigpit ang binata.

"K-kinabahan ako...akala ko...akala ko...hindi ko kayang mawala ka sa akin Castor, mahal na mahal kita!" humihikbing saad niya. Pilit naman siyang pinakalma ng lalaki.

"Hush angel, I love you too, and like you're always telling me, hinding-hindi ako mawawala sa'yo okay?" dinampian pa siya nang magaan na halik nito sa labi.

"Ugh, respeto naman sa mga single oh!"

Napaigtad si Heaven sa gulat mula sa pagkakayakap sa binata nang marinig ang boses ni Lian, halos isubsob niya pa ang mukha sa dibdib ni Castor nang makitang hindi lang pala sila ang tao sa kwartong iyon.

Nandoon kasi sina Lian, Gab, si Emma at Alex pati na rin ang kuya Mike niya. Nandoon rin sina Nanang Fely at mga kapatid ni Castor na mukhang kanina pa nakatingin sa kanila. Doon din niya napagtanto na nasa parehong kama pa sila ni Castor. Nakita rin niya na may benda ang binata sa kanang balikat nito.

"H-hala! Bakit ako nandito?"

Mas lalo siyang namula nang magtawanan ang mga tao na nasa loob ng kuwarto. "You're so cute, my angel." natatawang saad pa ni Castor matapos siya yakapin.

"A-ano bang nangyari? Bakit ka may benda sa balikat mo? Ayos ka lang ba? nasaan ba tayo?" sunod-sunod na tanong niya dito.

"That son of a bítch Rex tried to shoot you using his gun, you passed out kaya niyakap agad kita. Good thing dumating agad si Mike na may mga kasamang pulis. Nakakulong na ngayon yung tarantadong iyon."

"N-nabaril ka?" nag-aalalang tanong niya pa sa nobyo.

"Daplis lang naman. It's nothing."

"Kaya nga sinugod agad namin kayo dito sa ospital, nagpumilit pa si Boss Castor na tabi na lang kayo sa kama. Nung hindi pinagbigyan sa una, nagwala pa kaya at the end pinagbigyan na lang. Buti na lang at kakilala ni Boss iyong may-ari nitong ospital." singit naman ni Lian.

"Nakakahiya naman, ikaw ang pasyente tapos ako pa yung pinahiga mo dito sa kama." bulong niya sa binata.

"It's alright. Ayaw ko naman na mawala ka sa paningin ko."

"We're going for a while, Castor. Aasikasuhin lang namin yung kasong isasampa sa Rex na iyon. Maiwan muna namin kayo." sabi naman ng kuya ni Castor na si Orion. Sunod-sunod na rin nagpaalam ang ibang tao na nasa kuwarto hanggang silang dalawa na lang ni Castor ang matira.

"Castor, bakit pala hindi mo sinabi sa akin na si Señorito Rex pala yung nagpadala sa akin ng bulaklak nung nasa restaurant tayo?"

Castor heaved a sigh, "Ayoko lang kasi na mag-alala ka o worse, matakot ka."

"P-paano pala niya nalaman kung nasaan ako?"

"That fvcker looks like hired a private investigator to find where you are. Mukhang pinasundan niya ang kuya Mike mo dito sa Manila. Kaya nga I also hired a bodyguard for you after that incident at mall. Hindi mo lang siguro napapansin, hindi ko lang sinabi sayo but I just want to keep you safe."

EtherealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon