🔞
"WHAT the fvck is that you wearing, my angel?"
Nahihiyang niyakap ni Heaven ang sarili nang makalabas siya ng banyo. Nasa Isla Celeste kasi sila ngayon na pagmamay-ari ng pamilya nila Castor kasama ang iba pang kapatid ng nobyo para sa isang linggong bakasyon.
Nakilala na rin niya ang kanya-kanyang kasintahan ng mga binata pati na rin ang itinuturing na pangalawang ina ng mga ito na si Nanang Fely. Mababait naman sila lahat kaya lang medyo nahihiya pa rin talaga siya.
"Ay!" nagulat na lang si Heaven nang hilahin siya ni Castor paupo sa kandungan nito. Pinisil pa nito ang nakalantad na hita niya.
"Where this little piece of clothes came from?" nakakunot-noong tanong ng binata sa kanya. Nakasuot kasi si Heaveb ng kulay pastel pink na two piece swimsuit. Binili nila iyon ni Lian nang malaman nito na magbabakasyon sila ng binata sa isla.
"B-Binili ko ito, bakit hindi ba bagay?" nadismaya siya. Ang akala niya kasi magugustuhan ni Castor ang itsura niya habang suot iyon.
"Hindi naman, angel. Honestly, you look like a sexy and naughty angel wearing that two piece but I'm sorry that I'm not allowing you to wear that outside. Gusto ko ako lang makakakita niyan." pilyo pa nitong hinalikan ang cleavage niya.
"Pero Castor..."
"Wala nang pero-pero, angel. Alam ko na sinabi ko na babawas-bawasan ko ang pagiging possessive at seloso ko pero nuncang hahayaan kitang lumabas lang ng naka-two piece."
Hinubad ni Castor ang sariling t-shirt at ito na mismo ang nagsuot non sa kanya. "There, perfect." nakangiting saad nito nang matabunan ang katawan niya.
Inalalayan siya nitong tumayo, akmang bubuksan na nito ang pinto ng kuwarto nang pigilan niya ito. "Teka lang,"
"Yes, angel? is there something wrong?" tanong nito sa kanya.
"Kumuha ka ng bago mong T-shirt. Ayoko rin nang lalabas ka ng ganyan." ininguso niya ang topless nitong katawan. Lantad tuloy ang matipuno nitong katawan na puro tattoo na gustong gusto niya.
Malakas na tumawa si Castor saka siya siniil ng halik. "Damn, angel. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag ikaw ang nagiging possessive sa akin." anito saka hinalikan siya ulit sa labi bago kumuha ng bagong damit sa travelling bag nila.
Magkahawak kamay silang dumiretso sa dalampasigan. Halos mamula nga ang buong mukha niya sa hiya nang tulungan pa siya ng nobyo na magpahid ng sunblock sa katawan niya. Nagpaiwan sa tila pinasadyang kubol si Castor kasama ang mga kapatid nito nang hilahin siya ni Solar, kasintahan ni Rigel, na maligo sila sa dagat.
Sila-sila lang na mga babae ang naligo at nagtampisaw sa dagat, ang mga lalaki kasi kasama si Nanang Fely, nakatanaw lang sa kanila. Hindi na siya nag abala na hubarin ang suot na shirt ni Castor habang naliligo siya sa dagat. Nag-enjoy na rin siya nang tinuruan siya nila Solar kung paano lumangoy.
Nang matapos sila kumain ng tanghalian, niyaya siya ni Castor maglakad lakad sa paligid ng isla. Hindi niya tuloy maiwasang mamangha sa perpektong paligid ng isla. Maraming puno at halaman pero hindi ganoon kadawag. Masaya rin siya dahil kinuwentuhan siya ni Castor ukol sa pamilya nito, pati na rin sa mga naging karanasan nito sa buhay noon hanggang sa bago siya nito makilala.
"Angel?" pinisil pa ng binata ang palad niya.
"Hmm?" nagtatakang tumingin siya sa binata. Magkahawak kamay silang naglalakad pa rin sa loob ng kasukalan.
"I'm just curious about the origin of your name. Heaven Miracle is really unusual name for a person."
"Ah," she chuckled. "Naalala ko kasi noong bata pa ako, menopausal baby daw ako sabi ni nanay. Milagro raw na nagkaroon pa sila ng anak ng tatay ko. Hulog daw ako ng langit sa kanila, kaya ayun Heaven Miracle yung ipinangalan sa akin." mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya nang maalala ang mga yumaong mga magulang.
BINABASA MO ANG
Ethereal
RomanceHer innocence was so pure and features so angelic, it would feel like a sin to treat her anything less than like an angel. So Castor made her his. - La Croix Brothers' Series #2 Castor La Croix R-18 (Mature-Content)