Chapter Thirty seven

4.5K 86 7
                                    

Chapter Thirty-seven

WHAT THE HELL!

Natigilan si Alexa nang makita sa parking lot si Lucas. Nakayuko at nakahalukipkip itong nakasandal sa gilid ng kanyang kotse. Magulo ang buhok, lukot ang damit at tila wala sa tamang kondisiyon ang gago.

Umismid siya nang mag-angat ito ng tingin. Sa gitna ng bahagyang dilim at mangilan-ngilang lamp posts ay batid niya ang mainit na titig na iginawad nito sa kanya. Kabaliktaran ng yelo sa kanyang mga mata.

"Alexandra."

Hindi niya pinakinggan si Lucas. Muli siyang humakbang patungo sa kotse. Papasok na siya sa driver's seat nang pigilan siya nito. Ilang pulgada lamang ang layo nito sa kanya. Amoy niya ang halimuyak ng alak na tangay ng malamig na hangin.

"Alexa!" singhal nito. "What was that earlier, huh?" nabubuhol ang dila nitong tanong.

"Ikaw pa talaga ang may ganang magtanong sa akin niyan?" taas-noo niyang tanong pabalik. Piniglas niya ang kanyang braso upang makawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Lucas.

"Hindi ba't tama naman ang sinabi ko kay Drake? You're a liar! You're a jerk... bastard."

Natigilan si Lucas at marahang binitiwan ang kanyang braso. Gumuhit ang dilim sa mga mata nito.

"I admit... I'm stupid. Asshole. Liar. Jerk. Name it. You can't say anything to me that I haven't already told myself," yumuko si Lucas, gumuhit ang mga luha sa pisngi nito.

Umiling si Alexa. Muli siyang umirap at umismid. Hindi niya paniniwalaan ang mga luhang iyon.

"I lied to you. I kept my feelings towards you for a very long time. I broke you when all I ever wanted was to fix you. I made you cry during those times that I wanted to see you smile. Hindi ko alam kung paano itatama ang mga pagkakamali ko. Kung paano ibabalik ang dating tayo, puwede ba'ng maging masaya na lang tayo ulit? Puwede ba'ng mahalin mo ako ulit?" ani Lucas, nagsusumamo ang tinig nito sa pagitan ng mga hikbi.

"Bakit? May maibabalik ba? Mayroon ba'ng tayo, Lucas? Kung anuman iyong mayroon tayo noon ay hindi totoo. Ilusiyon lang. Kasinungalingan lang. Kathang-isip lang. Dahil kahit saglit hindi naman tayo naging masaya. Puro sakit at puro galit lang ang nakuha natin. Kaya, puwede ba, itigil na natin ito?! Hindi ka pa ba napapagod? Kasi ako pagod na. Sawang-sawa na akong magpabalik-balik sa mga alaala. Pa-ikot-ikot na lang tayo, paligoy-ligoy, paulit-ulit," asik niya. She could no longer control her emotions. She couldn't hold her guard high anymore.

"Hindi ako mapapagod, hinding-hindi," iling ni Lucas. "Hinding-hindi kita susukuan. Araw-araw mo man akong itaboy ay araw-araw rin akong babalik."

Tinangka nitong abutin siya ngunit pinili niyang umatras. Kusa na lamang ding tumulo ang mga pasaway na luha ni Alexa. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin nang makita ang sakit sa mga mata ni Lucas. Unti-unti ay umusbong ang sakit na pilit niyang tinatakbuhan.

"Bakit, Luke? Bakit mo ako iniwan? Bakit bigla ka na lang naglaho? Bakit ka bumalik para lang saktan ako? Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako kaagad sinundan noong iniwan kita? Tapos ngayon nandito ka na naman. Baka bukas-makalawa wala ka na ulit."

Words fired away in rapid succession. She's supposed to make him feel that he could no longer affect her! That he's reduced to nothing! That he's out of her life. Ngunit hindi niya nakontrol ang pagkawala ng mga salita. Hindi niya napigil ang traydor na dila.

"Dahil mahal kita."

Umiling si Alexa. "Sinaktan mo ako dahil mahal mo ako? Bullshit! Wala na ba'ng bago? Gasgas na ang dahilan mo," sigaw niya. Ikinuyom niya ang nanginginig niyang kamao.

"Mahal kita, hindi ko dapat maramdaman pero naramdaman ko. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko— huwag si Alexa, hindi kayo talo, hindi ka niya mamahalin—"

Muli itong humakbang palapit. Wala siyang nagawa kundi ang umatras. Lumapat lamang ang likod niya sa kotse. Nakulong siya sa pagitan niyon at ni Lucas.

"Iba na lang ang mahalin mo, 'yung babaeng kayang suklian ang lahat ng nararamdaman mo— Pero wala akong nagawa kahit anong pakiusap ko sa sarili ko. Kahit anong pilit ko na hindi ikaw ang babaeng dapat kong magustuhan. I have seen you at your very worst. Lahat ng bagay ay gagawin mo para masira ang relasiyon ng kapatid mo. Wala kang hindi gagawin maging miserable lang ang ibang tao. Kaya mong manakit nang walang pakundangan. Gusto mo na ikaw lang ang masaya." Umiling si Lucas at humugot ng malalim na buntong hininga.

"Every single time, I question myself, why do I still love you? Why do I still want you? Maraming babaeng mabait, simple at kuntento pero hindi ko sila magustuhan. I tried to fall in love with someone else. I fucking tried."

Nangunot ang noo ni Alexa. Was he talking about Everlyne? He was never in love with Everlyne?

"But trying is useless. Leaving you is useless. Even if I've seen the very worst in you, I've also seen you at your best. Ikaw pa rin ang gusto ko. Ilang beses kong tinangkang iwan ka pero sa tuwing nakikita kitang umiiyak, kusang humahakbang ang mga paa ko pabalik sa iyo. Bakit, Alexa, ano ba ang mayroon ka?"

Huminga si Lucas nang malalim. Lalo pa nitong itinutok ang mga mata sa kanya. Nahigit ni Alexa ang kanyang hininga nang maramdaman ang intensidad sa mga titig nito. Madilim, malalim, nakalulunod.

"You can hate me all you want. Don't worry, I hate myself, too... more than I think you do." Bahagya itong ngumiti. Mapait ang kurba ng mga labi.

"But please know that I walked away because I loved you. I stayed behind because I loved you. And now I am back and I'll keep on coming back every time you push me. Time after time. I will never grow tired because I am still in love with you. I will be back, Baby Doll."

Natigagal siya nang talikuran siya ni Lucas at humakbang ito palayo. Wala siyang nagawa kundi ang suminghap. Abot-abot ang tahip ng kanyang puso.

"And one more thing, let me tell you a secret," saglit itong huminto. "I have loved you when you were five and I never stopped loving you since then. I still love the best and the worst in you."

"Ganiyan ka naman, humihingi ka ng pagkakataon pero basta ka na lamang tumatalikod," iling ni Alexa. Pilit niyang pinatapang ang sarili.

Mabilis na umikot si Lucas upang harapin siya. Nanlaki ang mga mata nitong hilam sa luha.

"Napakalabo mo," aniya at tinalikuran ito. Kaagad siyang pumasok sa kotse. Ni hindi siya lumingon sa bintana nang nakita niya ang muling paglapit nito.

Hindi niya naintindihan kung ano ang mga ginawa at sinabi niya habang kausap niya si Lucas. Malabo ang kanyang isipan. Magulo. Pinaharurot na niya ang sasakyan pabalik sa Maynila.

Iniwan niya si Lucas sa Balai Isabel. Iniwan niya ang bahagi ng bitak-bitak niyang puso.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon