Chapter One

9.4K 164 9
                                    

Chapter One

"IF YOU WANT to leave, just tell me."

Umiling si Alexa at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Hindi na siya aalis. Hindi na siya tatakbong muli. Binuksan niya ang pinto ng kotse bago nilingon ang lalaking kasama. Binigyan niya ito ng makahulugang ngiti. Kumunot lamang ang noo nito at humigpit ang pagkakahawak sa manibela, natitiyak niyang alam na nito ang ibig niyang iparating sa ngiting iyon.

Lucas Ford Angeles had known her all her life. Kaya't alam na nito kung paano basahin ang bawat kilos at galaw niya. Kahit pa ang mga maliliit na detalye.

"I'll be fine, Kuya Luke," kinindatan pa niya ito bago tuluyang lumabas. Sumunod lamang ito sa kanya.

Sa loob ng ilang buwan ay si Lucas ang kasama niya nang sinubukan niyang pagalingin ang sugatan niyang puso. Ngunit kahit ilang buwan na ang dumaan ay sariwang-sariwa pa rin ang malaking hiwa sa kanyang dibdib. Sa pagdaan ng araw ay lalong tumatapang ang asin na nakabudbod doon.

Alam niyang isang tao lamang ang makapapaghilom niyon. Si Charles— ang dating katipan na minahal niya mula pa noong pagkabata at patuloy niyang mamahalin— hanggang sa maubos siya. Hanggang sa malagutan siya ng hininga.

Pinagmasdan ni Alexa ang dagat ng mga taong papasok sa isang malaking villa sa Quezon. Hanggang apat na palapag ang laki niyon at kulay cream pa rin ang pintura ng dingding. Halos wala pa rin iyong pinagbago mula nang huli siyang tumapak doon. Isa lamang iyon sa mga property ng kanyang pamilya.

Ngumisi siya nang makita ang pamilyar na itim na Chevy Colorado sa parking space. Sa araw na iyon ay matutupad ang balak niya. Matagal niya iyong pinagplanuhan. Hindi maaaring mabulilyaso na naman siya.

Pinaghandaan niya ang okasyon. She felt extremely pretty and sexy in her strapless red dress that reached four inches above her knees. Humahakab sa hubog ng kanyang katawan ang bestida. Ipinares niya roon ang isang itim na cat-heeled sandals. Nakalugay ang umaalon-alon niyang buhok. Matingkad na pula ang kanyang labi.

Imposibleng hindi bumalik si Charles sa kanya. Natitiyak niyang magkakandarapa ito patungo sa kanya.

"Let's go, Kuya Luke."

Lumapit si Lucas sa kanya at sinukbit ang isa niyang braso sa braso nito. Naka-abrisyete silang naglakad papasok sa loob ng villa.

Fiftieth wedding anniversary ng kanyang lolo at lola kaya nagmamadaling umuwi ng Pilipinas si Alexa. Alam niyang makikita niya roon ang dating katipan at ang kanyang kapatid.

Ilang buwan na ang nakalipas mula nang ikasal sina Valerie at Charles. Wala siyang pakialam kahit pa pinagtibay na ng kasal ang pagsasama ng mga ito.

Charles was hers to begin with. Engaged na sila bago pa nito nakilala si Valerie. She stole everything from her but she was never going to have Charles forever.

Babawiin pa rin niya ang kanyang pagmamay-ari. Trending na ang hiwalayan sa mga mag-asawa ngayon at sisiguraduhin niyang makiki-uso ang kanyang kapatid.

Charles is mine and mine alone, iyon ang bagay na itinatak niya sa kanyang isipan. Sa kanya lamang si Charles Jonah Angeles, walang ibang maaaring umangkin dito kung hindi siya lamang.

Nang makapasok sila sa loob ay kaagad niyang namataan si Valerie na mag-isang nakaupo sa isang mesa. She was in her decent champagne dress. Nakangiti ito habang ngumunguya ng pagkain. Charles was surprisingly nowhere in sight.

Good!

"Kuya, mauna na ako. I'll just say hi to Lolo and Lola," nakangiti niyang wika.

Tumango lamang si Lucas at iniwan na niya ito. Batid din niya ang bahagya nitong pag-iling. Sigurado siyang hindi na naman ito sang-ayon sa binabalak niya pero gayunpaman ay hindi siya nito pinigilan.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon