Chapter Fourteen

4K 104 12
                                    

Chapter Fourteen

"I BET MS. EVERLYNE will come back with a diamond ring on her finger."

Kunot-noong nag-angat ng tingin si Alexa at pinagmasdan si Yoanna na abalang nag-oorganize ng mga folder. Pinuntahan niya ang dalaga sa opisina nito dahil wala siyang magawa.

"You think so?" She tried not to sound sarcastic.

"Everyone in the company thinks so, too. Why? Haven't you think about it?"

Umiling si Alexa. "I don't think they'll get married soon," aniya sa kaswal na tinig. Pinigil niya ang pag-irap. Imposibleng ikasal si Lucas kay Everlyne o sa kahit na sinong babae hangga't dala-dala niya ang apelyido nito.

"You've seen them together, right? Ms. Evie visits him everyday. Isn't she sweet?" Yoanna sighed dreamily. Niyakap pa nito ang hawak na folder.

Muling nangunot ang kanyang noo. Inikot niya ang inuupuang swivel chair upang hindi makita ni Yoanna ang pagguhit ng iritasiyon sa kanyang mukha.

Of course, Everlyne came every freaking day. Wala yatang araw mula nang nagtrabaho siya sa opisina na hindi niya ito nakitang nilalandi ang kanyang asawa. Maliban na lang ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga ito.

"You know what, I'm hungry. I'll just leave you here," tamad siyang tumayo. She didn't know why she suddenly felt hungry. Katatapos lamang niyang kumain.

Mabuti na ring nakadama siya ng gutom, nagkaroon siya ng dahilan upang iwan si Yoanna. Hindi niya gusto ang takbo ng pag-uusap. Pumunta siya sa opisina nito upang hindi niya maisip si Lucas ngunit wala silang ibang pinag-usapan kundi ito at ang haliparot nitong kasama.

"Did the paperworks stress you?"

Binalingan niya si Yoanna. Anong ibig nitong sabihin?

"You seem to be stress-eating," halakhak nito.

Tumango na lamang siya. Yeah, iyon marahil ang dahilan kung bakit gusto na naman niyang kumain.

Stressed na stressed ang buo niyang sistema, hindi dahil sa paperworks kundi sa buwisit niyang kapalaran.

"I'll go ahead."

Matapos magpaalam ay lumabas siya ng building. Dumeretso siya sa isang ice cream parlor. Heck! It's winter but she's damn stressed.

LUMIPAS ANG MGA araw na wala man lang kahit isang balita si Alexa tungkol kay Lucas. Hindi man lang ito nag-abalang tumawag o mag-text. Sabagay, sino ba naman siya? Kahit sa facebook account nito ay wala ring update. Pumapasok nga lamang siya sa opisina para sumagap ng balita ngunit wala rin siyang nakuha.

Sari-saring imahe ang naiisip niya habang nakatitig sa kawalan. The thought that The Bitch From Hell would return with a ring somehow bothered her. Alam niyang imposible ngunit hindi niya mapigilan ang pagbangon ng inis.

Ano na kaya ang ginagawa ng mga iyon sa oras na ito? Umiling si Alexa para pawiin ang biglang sumagi sa kanyang imahinasiyon. She could see Lucas cuddling Everlyne in his arms, showering her with sweet words and kisses and even making love to her. Natampal niya ang kanyang noo. She cringed at the last image. Why did she have to visualize that freaking thing?

Why did she feel like something pierced her already bleeding heart?

Makailang ulit na umiling si Alexa upang iwaksi ang pagbuhos ng mga imahe ng magkadikit na katawan nina Everlyne at Lucas. Nakikinita na niya ang ngiting-tagumpay ng talipandas pag-uwi nito.

"I won't let you win, Bitch."

Kailangang may gawin siya. Sa kanya si Lucas— pagbali-baliktarin man ang mundo ay siya ang may karapatan. Pinakasalan siya nito. Sa mata ng tao at mata ng Diyos ay magkadugtong na ang kanilang mga buhay. Walang ibang puwedeng umangkin kay Lucas kung hindi siya lamang.

Hindi maaaring magpatuloy ang mga nangyayari. Pagod na siyang maging sunud-sunuran. Pagod na siyang maging mahina. I'm Alexandra Marie Mendez-Angeles and what Alexa wants, Alexa surely gets. And this time, I already have the right to get what I want. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya papalya. Babawiin niya ang kanyang pagmamay-ari.

Maagang nag-out sa trabaho si Alexa. Umiling siya matapos ihinto ang sasakyan sa tapat ng isang mall. Hindi niya dapat isipin ang posibleng ginagawa ni Lucas at ng kabit nito. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang kanyang plano.

Gamit ang perang naipon ni Alexa mula sa mga allowance na bigay sa kanya ni Lucas ay nagtungo siya sa isang salon. Kailangan niya ng make-over. Nitong mga nakalipas na linggo ay tila hindi na niya kilala ang kanyang sarili. Nalalaos na yata ang beauty niya. May maiitim na gatla sa ilalim ng kanyang mga mata dahil sa puyat, pagod at pag-iyak. Daig pa yata niya ang nanay na nanganak nang ilang beses.

She needed to freshen up. Kailangan niyang maging maganda ulit. She asked the stylist to dye her hair and curl it into a beach wave. Auburn ang napili niyang kulay.

Matapos niyon ay nagtungo naman siya sa isang boutique. She bought curve hugging dresses that will surely show her perfect curves and high-heeled platform pumps to match the dress.

Siguradong maglalaway ang mga lalaki kapag nakita siya at sisiguraduhin niyang isa si Lucas sa mga iyon. Magkakandarapa ito patungo sa kanya.

Kailangang humanda ni Lucas sa pagbabalik nito dahil makikita na nitong muli ang dating Alexa, gorgeous as a goddess, Medusa incarnate.

"Come hell or high waters but I'll never be the same loser again."

NANG SUMUNOD NA araw ay excited si Alexa na pumasok sa trabaho. Alam niyang darating na si Lucas kasama si Everlyne at ang buong team na nagtungo sa Ireland at Scotland. Ni hindi man lang ito nag-abalang umuwi sa kanilang bahay, dumeretso na kaagad ito sa opisina.

Araw ng Biyernes kaya't hindi siya obligadong magsuot ng uniporme. Ngumisi si Alexa sa harap ng salamin. Umaayon ang pagkakataon sa gusto niyang mangyari. She felt her spirits lift up.

Pinagmasdan niya ang nakahilerang make-up sa vanity table. Pumili siya ng kulay na gagamitin. She decided to have warm smokey eye make up and tinted her lips with red.

Pagkatapos ay pinasahadahan niya ng tingin ang kanyang repleksiyon sa full body mirror. Apat na pulgada ang taas ng laylayan ng kanyang bestida mula sa kanyang tuhod. Humahakab iyon sa kanyang katawan. Lalong nadepina ang kanyang hita at binti sa suot niyang itim at pulang pumps na limang pulgada ang manipis na takong. This is the Alexa that I know, komento niya sa salamin.

Sekretarya lamang siya ngunit susuotin niya ang anumang gustuhin niya.

"Alexandra?"

Ngumiti siya nang makita ang tila gulat na reaksiyon ni Yoanna nang pumasok siya sa elevator.

"Wow, I almost didn't recognize you. I thought you are a client or something," anito, tila hindi pa rin makahuma.

Pinasadahan niya ito ng tingin. Makapal na fur coat ang suot ng kanyang ka-opisina. Winter pa rin. Pakiramdam ni Alexa ay nasa loob siya ng ice palace. Pero wala naman siyang pakialam kung malamig man ang panahon. 'Di hamak na mas malamig pa rin ang puso at pakikitungo sa kanya ng magaling na asawa.

"Nobody will think that you're just a secretary with that body and beauty to die for. I wish I'm beautiful, too."

"You are beautiful, Yoanna," aniya, sinsero.

"You really don't look like a secretary," muli nitong komento.

Because I'm not! I'm an heiress and the CEO's wife!

Ngumiti na lamang si Alexa upang pigilan ang sariling ibulgar ang katotohanan. Nangangati na siyang isiwalat ang totoo. Pero hindi muna ngayon. Dapat muna niyang mabawi ang kanyang pagmamay-ari.

Mabuti na lamang at bumukas na ang pinto ng elevator, sabay na lumabas sina Alexa at Yoanna, dumeretso na ito sa station nito at siya naman ay sa opisina nila ni Lucas.

Brace yourself, Lucas Ford, the Alexa you have seen before is way, way better now.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon