Chapter Forty Nine

2.8K 43 2
                                    

Chapter Forty-nine

HINAWI NI ALEXA ang kulay puti at gintong kurtina ng connecting door saka siya dahan-dahang humakbang. Nakangiting mga mukha ang sumalubong sa kanya. Ngumisi siya at umikot. Pagkatapos ay pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa full body mirror na nasa gawing kaliwa ng silid. She was wearing a simple white single-strapped a-line dress that she designed herself for that special occasion.

Sa repleksiyon ay nakita niya ang paglapit ng kanyang ina. Nakangiti ito habang tangan ang isang pumpol ng red tulips. Napangiti siya nang makitang bumagay dito ang two-piece champagne dress na ginawa niya.

"Are you ready?" tanong nito nang humarap siya. Inabot nito ang bulaklak.

She returned an amused smile. "Seriously, ako talaga ang tinanong mo niyan, Mommy?" halakhak niya at niyakap ito.

"Why not?" ngisi nito. "Thank you, Sweetie. It really means a lot to us," napalitan ng masuyong ngiti ang kanina'y ngisi nito.

"You don't have to say 'thank you,'. We're family, right?" Muli niyang niyakap ang ina. "Pupuntahan ko lang si Ate," bulong niya.

"Go ahead." Matapos niyon ay kumalas na siya sa yakap at lumabas ng silid.

Napangiti siya. Hindi inakala ni Alexa na magiging maayos pa ang pagsasama ng kanyang pamilya, na magagawa pa niyang buksan ang kanyang puso para sa mga ito, para muling magpatawad.

Alam niyang hindi pa tuluyang naghihilom ang lahat ng sugat. Hindi pa nabubuo ang mga nawasak. Marami pang naiwang lamat at peklat ngunit umaasa siya na darating ang panahon na magiging maayos din ang lahat. Hopee gave her a reason to believe that things would be okay. She should just wait for that perfect time. Napagtanto niyang sa kamamadali niya noon ay lalo lamang siyang nadapa. Hindi na niya kailangang magmadali.

Mula noong araw na binigyan niya ng pagkakataon si Lucas na makasama si Hopee ay nabuksan ang kanyang isipan. Nakita niya ang malinis na intensiyon nito para sa kanilang anak. Noon niya napagtanto na tama ang kanyang mga magulang, na karapatan ni Hopee na magkaroon ng ama at pamilya. Mali ang naging hakbang ng mga ito ngunit tama at malinis ang hangarin.

Mula noon ay unti-unting nakumpuni ang mga nawasak na daan. Hopee gave them another light. She gave them the reason to fix the broken bridges. Muli niyang binigyan ng espasyo ang mga magulang sa kanyang puso. Maging ang kanyang ama gaano man kalalim ang sugat na idinulot nito sa kanya.

"Hey, Dad, you look handsome," aniya nang makasalubong ito sa pasilyo. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. He looked younger and less troubled in his three-piece white suit.

"Pakihawak naman po," inabot niya rito ang hawak na bouquet at tinawid ang distansiya sa pagitan nila saka inayos ang suot nitong necktie.

"Huwag kang iiyak sa simbahan mamaya," biro niya. Humalakhak naman ito.

"Of course, Princess, daddy won't cry," anito at niyakap siya saka ibinalik sa kanya ang red tulips. "Sige na, pupuntahan ko pa ang Mommy mo."

"Okay, Dad, see you later." Hinalikan niya ito sa pisngi at pinagmasdan ang paghakbang nito palayo. Malapad ang ngiting ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa silid ng kanyang ate.

"Siguraduhin mong "I do" ang isasagot mo kung hindi ay aagawin ko sa iyo si Charles," biro ni Alexa. Sinulyapan siya ni Valerie gamit ang salamin. Naka-upo ito sa vanity table. Ngumisi ito. Humakbang siya palapit at niyakap ito mula sa likuran.

"Masayang-masaya ako para sa iyo, Ate. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal, ano? Walang sinabi ang distansiya, pagkakaiba o kahit mga malalanding desperada kumpara sa pag-ibig. Sana maging masaya ka palagi."

Mahigpit na hinawakan ni Valerie ang braso niyang nakapulupot sa balikat nito. "Dapat pareho tayo na palaging masaya."

Ngumiti siya sa kawalan ng isasagot. Ngunit sa loob niya ay iyon din ang kanyang hiling.

"Ikaw ang sasalo ng bouquet mamaya sa reception, ah, at sisiguraduhin kong si Lucas ang makasasalo ng garter," halakhak ni Valerie.

"Hindi magandang biro iyan, Ate!" ngumuso siya at bahagyang tinampal ang braso nito.

Lalo lamang itong humalakhak. "What's wrong with that? Mahal n'yo pa rin naman ang isa't-isa."

"Ate!" Sumimangot si Alexa bagaman dama niya ang kumalabit sa kanyang puso. Umiling siya nang paulit-ulit upang balewalain iyon.

Ilang araw na ang nakararaan mula nang magsimula si Valerie na asar-asarin siya tungkol kay Lucas. Parang high school student lamang ito kung magbiro. Isang beses kasi ay nagtungo ito sa kanyang unit at nadantan sila ni Lucas na natutulog sa kama. Sa gitna nila ay si Hopee. Napagod kasi sila noon sa pakikipaglaro sa anak. Kadarating lamang noon ni Lucas mula sa London. Sa kanyang unit ito kaagad dumeretso. Hindi niya sana ito papapasukin kung hindi lamang lumapit sa kanya si Hopee sakay ng walker. Kaagad nitong tinawag ang ama... hanggang sa igupo sila ng pagod at hinatak na ng antok.

Kahit anong depensa at paliwanag niya na wala iyong kahulugan ay patuloy pa rin ito sa pang-aalaska. Hinayaan na lang niya tutal wala rin namang mangyayari.

"Next year na lang kayo magpakasal, bawal daw kasing ikasal ang magkapatid sa parehong taon."

"Isa pa, Ate, sisigaw talaga ako mamaya ng "Itigil ang kasal!" biro niya at humalakhak.

HINDI NAPIGILAN NI ALEXA ang pagtakas ng mga mumunting butil ng luha habang pinanonood ang pagbibigay ng mensahe ng kanyang mga magulang para kina Valerie at Charles. Napangiti siya. It was a sight to behold. A beautiful moment to remember. She didn't feel even a small dot of envy upon hearing how much her parents loved her sister. She loved her, too. She would always love her.

Alexa realized that love could truly mend things. It could resurrect burnt bridges. Love could make someone accept what he used to hate and forgive those who had hurt him.

"Now, let us hear from the maid-of-honor and the best man."

Lumaglag ang panga ni Alexa nang magsalita si Reina Madrigal, best friend ito ni Valerie na siyang hostess ng event.

Bumaling siya sa platform kung saan nakapuwesto ang bagong kasal. Kumaway ang kanyang kapatid. Malapad ang ngiti nito. Alam naman niya na dapat siyang mag-iwan ng mensahe pero kailangan ba talaga na sabay pa sila ni Lucas?

"Let's go," malambing na bulong ni Lucas mula sa kanyang likuran. Hindi niya naramdaman ang paglapit nito. Nilingon niya ito, nakalahad ang isa nitong kamay. Tinitigan lang niya ang kamay nito at hindi mahinuha ang sari-saring bulong sa likod ng kanyang isipan kasabay ng pagtahip ng kanyang dibdib.

Naghiyawan ang mga tao nang marahang hinuli ni Lucas ang kanyang kamay at inalalayan siya patungo sa platform. Nakatitig lang siya sa magkahugpong nilang kamay. Parang mayroong naglalagitikan kuryente sa pagitan ng mga palad nila. Dumaloy ang kuryente sa buo niyang sistema. How could Lucas give her that kind of effect again? Akala niya ay naglaho na ang epektong iyon.

"Kasalan na ulit!" sigaw ng kung sino mula sa mga bisita.

Kaagad na binitiwan ni Alexa ang kamay ni Lucas. Bigla siyang nakadama ng hiya. Ramdam din niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. What the heck! There's no reason for her to blush.

Nilapitan na lang niya si Reina upang kunin ang microphone mula rito at pilit inawasan ang malalalim na titig ni Lucas.

Sumimangot siya nang kumindat si Charles. Makahulugan ang ngisi nito habang palipat-lipat ang tinigin sa kanila ni Lucas. Mukhang nasabi ni Valerie ang nadatnan nito sa unit. Sinibat niya ito ng matalas na tingin. Nagkibit-balikat lamang ito.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon