Chapter Six
MATAPOS ANG GABING iyon sa Swag and Tails ay wala ng balita pa si Alexa tungkol kay Lucas. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan ang Facebook account nito.
That was so unexpected and unbelievable. Hindi niya akalaing nasa iisang bansa lang pala sila ni Lucas at sa ganoong sitwasiyon pa niya ito makikita. Bakit hindi man lang ito nagpakita sa kanya nitong mga nakalipas na linggo?
Masiyado ba itong busy sa fiancee kaya kahit isang segundo ay hindi man lang ito makapaglaan ng oras para sa kanya? Samantalang noon ay lagi itong nakasunod sa kanya.
Ano ba ang mayroon ang Everlyne na iyon at nagawa nitong agawin si Lucas sa kanya? Hindi man lang niya ito nagawang makilala noon. Sobrang espesiyal ba ng Everlyne na iyon para ilihim pa sa kanya ni Lucas? Ngayon pa lang ay ayaw na niya sa babaeng iyon. Nakausap niya ito sa bar at hindi niya nagustuhan ang awra nito.
Napakadaya mo, Kuya Luke, lahat ng tungkol kay Charles ay sinabi ko sa iyo pero kahit isang salita man lang tungkol kay Everlyne, wala akong alam!
Isang linggo na ang nakalipas mula noon. Hindi na rin siya bumalik sa Swag and Tails, siguradong makikita niya ulit doon si Lucas kung pupunta siya pero hindi niya sigurado kung ano ang maaari niyang gawin kapag nakaharap niya ito. Baka mahusgahan lamang niya ito at iyon ang ayaw niyang mangyari.
Ipinikit ni Alexa ang kanyang mga mata at isinandal ang kanyang likod sa head board ng kama. Napakaraming tanong ang gumugulo sa isipan niya. Tanong na hindi naman masasagot. Nakatulugan na niya ang pag-iisip.
"THIS ISN'T RIGHT," bulong ni Lucas nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
Umiling si Alexa at muli niya itong hinalikan. Tila tinangay na ng hangin ang kanyang katinuan. Hinayaan lamang niyang magdesisyon ang kanyang katawan. Hinayaan niya ang sarili na sumabay sa daloy.
Kaagad na tinugunan ni Lucas ang halik na iyon at lalo lamang siyang nalasing. Nalalasing sa bawat halik... sa bawat haplos ng kamay ni Lucas na gumagala sa kanyang balat. Tila napapaso siya sa bawat pagdampi ng mga palad nito sa bawat espasyo ng kanyang balat.
Hindi na mapakali si Alexa, tila may dinamitang sasabog sa kanyang sistema. May mga naglalagitikang kuryenteng dumadaloy sa kanyang ugat. Kinabig niya ang batok ni Lucas at lalong lumalim ang mga halik nito.
ALEXA WOKE WITH a start. Habol niya ang kanyang hininga at nagpapawis ang kanyang noo. Pakiramdam niya ay napalilibutan siya ng mga nagbabagang uling dahil sa init na nararamdaman samantalang malamig naman ang panahon.
Maka-ilang ulit siyang umiling at pilit na inalis ang mga imaheng iyon sa kanyang isipan. Bakit ba niya napanaginipan ang nangyaring iyon sa basement ng kanilang villa?
Naghuhuramentado na naman ang kanyang dibdib, katulad ng pagwawala nito noong gabing iyon. Muling umiling si Alexa at humugot ng malalim na buntong hininga. Kailangan niyang ayusin ang takbo ng kanyang isip.
Shower! I need a shower! Bumangon na siya at nagdesisyong maligo. Kailangang mawala ang mainit na pakiramdam.
Ngunit nakaligo na siya at lahat-lahat ay naglalaro pa rin sa isip niya ang mga imaheng iyon. Paulit-ulit ang replay button sa kanyang utak.
Mabuti pa siguro ay lumabas na lamang siya at magliwaliw. Kailangang mawala ang magugulong bagay sa kanyang utak. Nang lumabas siya ng kanyang kuwarto ay tahimik pa rin ang buong bahay. Hindi na naman nagpakita ang kanyang fiancé. Wala rin naman siyang pakialam.
Sa oras na makita niya ito ay ika-cancel din niya kaagad ang engagement. Kung hindi lang talaga dahil sa inheritance niya ay baka matagal na siyang umuwi ng Pilipinas. Pero hindi siya makapapayag na mapunta ang lahat ng mana niya kay Valerie!
Nasa garahe pa rin ang itim na kotse. Mabuti naman. She badly needed a diversion. Something to think about instead of Lucas. A happy thought. Something that would bring her sanity back.
So she decided to go to the mall. Shopping! That's what she needed at the moment.
"HEY, IT'S YOU, right? At Swag and Tails, remember me?"
Alexa stared at the mirror. She clearly need not have to turn on her heels just to know who was staring back at her reflection. The voice was even enough.
"Yeah," tamad niyang sagot. Everlyne beamed and walked towards her. There was a smile, no, a smirk on her face. May alam kaya si Everlyne tungkol sa kanya?
"It's nice seeing you here. You haven't been to Swag and Tails lately, right?" muling tanong nito.
Sinagot ulit niya ng tamad na, "Yeah. The place was great though."
"True. You should visit again and meet Ford, he is the singer at the pub." Muli itong ngumiti.
Alexa only clenched her fist. For heaven's sake. Pumunta siya sa mall para mawala sa isip niya si Lucas. But this girl came. Gusto na niya itong sapakin.
"He has a good voice."
"Good? Are you kidding me? He's great... and mind you, he is not only good in singing—" makahulugan nitong wika.
Muling tiningnan ni Alexa ang salamin, mula roon ay nakikita niya ang mapaglarong mga mata ni Everlyne at ang pilya nitong ngiti. It was like her eyes held a secret, a dark and dangerous secret. But of course, she knew what Lucas was great at. Umiling siya. Hindi niya iyon dapat maisip.
"Oh, by the way. I'm Everlyne," anito at naglahad ng kamay. Yeah. I know, bitch!
Alexa faked a smile... something she was really good at. Tinanggap niya ang kamay nito. "Alex."
Mabilis ding bumitiw si Alexa. Kailangan na niyang hugasahan ang mga kamay niya.
"Oh, my... I have to go. My date is probably waiting for me. It's nice meeting you again."
Muli itong ngumiti at gustong-gusto na ni Alexa'ng pawiin ang ngiting iyon gamit ang kanyang palad. That was one hell of an annoying smile. Tamad niyang tinanguan ito at pinagmasdan itong lumabas ng ladies' room.
Alexa heaved an exasperated sigh and turned the faucet on. Hinayaan niyang dumaloy ang tubig sa kanyang mga kamay at muling tiningnan ang kanyang repleksiyon.
Alexa knew since birth that she's beautiful. Mahaba at umaalon-alon ang kulay brown niyang buhok na nag-enhance sa kulay light chocolate brown niyang mga mata. Ang kanyang balat ay kasing puti ng snow. Her lips are deep pink, almost the shade of red. At ngayon ay nagtataka siya kung ano ang nakita ni Lucas kay Everlyne at nagustuhan nito ang babaeng iyon. 'Di hamak naman na mas maganda siya.
Matapos punasan ang kanyang kamay at masigurong Everlyne-virus free na iyon ay lumabas na rin siya ng ladies' room.
Naglalakad siya patungo sa department store nang awtomatikong huminto ang kanyang mga paa nang mahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na pigura. Sa loob ng isang coffee shop ay naroon sina Lucas at Everlyne. Nakaupo sa isang couch. Everlyne was even kissing him. In public! Alexa felt more disgusted.
She had to do something. Ayaw niya kay Everlyne para kay Lucas. Something was really wrong about her. At hindi niya alam kung ano iyon. Hindi niya maipaliwanag.
Ayaw niya nang kahit na sinong babae para kay Lucas. Now, that's really insane, Alexandra!
Hindi niya alam kung saan niya napulot ang ideyang iyon.
A long time ago, she was hoping that Lucas would find a girl that would take care of him once she and Charles settled down. Best friend niya si Lucas. Kuya na nga ang turing niya rito. At gusto niyang maging masaya ito.
But now, she couldn't bear the thought of Lucas being with Everlyne... or any other girl for that matter.
BINABASA MO ANG
Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-
RomanceAlexandra Marie Mendez loved an Angeles her whole life. Wala siyang ibang itinatak sa kanyang isipan kundi ang itinatanging pagmamahal para sa kanyang fiancé mula pa pagkabata. Kaya naman lahat ay ginawa niya para masuklian ang pagmamahal na iyon...