Chapter Thirty one

4.9K 103 13
                                    

Chapter Thirty-one

"I TRUSTED YOU, Mommy!" sigaw ni Alexa matapos marinig ang paliwanag ng kanyang ina. Hindi siya makapaniwala sa nalaman. It was her mother's idea to let Lucas see her daughter. Hindi niya akalain na makagagawa ito nang ganoong bagay.

"Labis ang pagmamaka-awa ni Lucas para makita ang anak niya. Noong una ay hindi ako sang-ayon. Pero nakita ko ang kagustuhan niya na bumawi sa mga pagkukulang niya sa inyo ni Hopee. It seemed to be the right thing to do," sagot nito.

"You don't know what's right for MY daughter," iling niya. "My. Daughter!" pag-uulit pa niya upang bigyan iyon ng emphasis. "I can't believe that you did this."

Binalingan niya si Valerie. "Ikaw, bakit ka naman pumayag?" hinaing niya.

"I told you that I tried to stop Mommy. Muntik ko na ngang sabihin sa iyo ang balak niya. But then she made me realize that this was the right thing. I want the best for you and my niece."

"Iyon na nga, Ate! Pamangkin mo lang ang anak ko. Sino ka para magdesisyon? Sino ka para pangunahan ako? Hindi pa ba sapat na pinangunahan n'yo na ako noon? Na nasira ang buhay ko dahil sa mga desisyon ninyo? Kulang pa ba iyon, Mommy?" binalingan niya ang kanyang ina. Bakas ang pagsisisi sa mga mata nito.

"Pati ba naman ang pagpapalaki ko sa anak ko ay pakikialaman n'yo pa? Bakit hindi n'yo na lang ibalato sa akin si Hopee? Hayaan n'yo na lang ako na tumayo sa sarili kong mga paa. Kaya ko naman, e. Kakayanin ko ang lahat ng hirap para sa anak ko. Gagawin ko ang lahat upang hindi na niya kailanganin pa ang kanyang ama. Wala na ang ama ni Hopee. Matagal na siyang wala sa buhay naming dalawa at wala na siyang karapatan," mabigat at mapait niyang wika.

"Hindi mo naranasan na mabuhay na walang ama, Alexa. Hindi mo alam kung gaano kasakit at kahirap. Ano ang isasagot ni Hopee sa mga kaklase niya paglaki niya kapag tinanong siya kung sino ang ama niya? Kung nasaan ang tatay niya? Do you remember my best friend, Reina? She can tell you all the pain that she had been through in growing up without a father. Huwag mo sanang ipagkait kay Hopee ang pagkakataon na magkaroon ng ama," sermon ni Valerie.

Natigilan si Alexa sa narinig. Alam niya na may punto ang kanyang kapatid. Alam niya na darating ang panahon na hahanapin ni Hopee ang ama nito.

Ngunit nangako siya sa sarili na hindi na nila kakailanganin pa si Lucas. Huminga siya nang malalim. Buo na ang kanyang desisyon. Hindi na niya muling hahayaan si Lucas na pumasok sa buhay niya. Isinarado na niya ang kanyang sarili. Hindi niya na ito pagbibigyan pang muli.

Hindi na rin niya hahayaan na mapaglaruan na naman siya ng mga tao sa kanyang paligid.

"The doctor said that Hopee can go home tonight, we are staying at my spare condo unit. Kapag okay na okay na talaga si Hopee ay aalis kami ng bansa."

"Tatakas ka na naman?" hindi makapaniwalang usal ng kanyang ina.

"Paano ang show mo?" ani Valerie.

"The show is not important. Mas mahalaga si Hopee, ayaw ko na pati siya ay mawala sa akin dahil lamang sa mga hakbang ninyo. Nawala na sa akin ang kaligayahan ko at kalayaan kong pumili ng lalaking pakakasalan noon. Ayaw ko naman na ang pagiging ina sa anak ko ay ipagkait n'yo pa sa akin."

"Can't you at least give him a chance?"

"No," iling niya. "Not everyone deserves a second chance. I made a stupid mistake of giving you another chance. Ang mga tao na labis-labis kung manakit, hindi na sila dapat hinahayaang bumalik," aniya.

Saying those words left a bitter taste in her tongue. "Kung talagang gusto niyang bumawi, dapat noon pa lang ay kumilos na siya. Dapat hindi niya itinanggi si Hopee. Pero nasaan siya? Wala siya sa buhay namin. At kahit kailan ay hinding-hindi na siya magkakaroon ng puwesto kahit katiting na espasyo."

Tumalikod na siya. Babalik na siya sa silid ni Hopee at pagkatapos ay aasikasuhin ang pagkaka-discharge nito.

"He was there. He never really did leave you. He was always there. Naroon siya noong araw na ipinanganak mo si Hopee. Naroon siya noong binyag. Noong first month birthday celebration."

Hindi pa man naihahakbang ni Alexa palayo ang kanyang mga paa ay muli siyang natigilan. Mabilis niyang binalingan ang mga ito.

"Tell me that I misheard you."

"You heard it right, Anak. I'm not supposed to tell you this pero ayoko na maging sarado na naman ang isip mo."

"Punyeta naman!"

Hindi na niya napigilan ang pagkawala ng malutong na mura sa kanyang bibig. Mabilis ang pintig ng kanyang puso. Umusbong ang galit at hinanakit sa kanyang dibdib. Napakatagal na pala siyang niloloko ng mga ito. Pinagkaisahan siya nang walang pasubali.

"Ano ba talaga ang balak ninyong gawin? Bigyan ng ama ang anak ko? O magkaroon ng Operation Valerie-Charles Version 2.0 CasLex Edition?" nanunuya niyang wika. Mapakla ang naging halakhak niya at mataman niyang tinitigan ang mga mata ng kanyang kapatid. Laglag ang panga nito.

"I know what happened way back then," mapakla niyang sabi. "I know how they planned to ruin my life just for you to be with Charles again. It worked for you. But it is never going to work for me. Because in the first place, there's no 'us', walang 'CasLex', kung anuman ang namagitan sa amin noon, bunga lang iyon ng mga maling desisyon. Nangyari lang iyon dahil pinagkaisahan ninyo ako." Tuluyan na niyang tinalikuran at iniwan ang mga ito.

"Hindi ko na alam kung paano ko kayo pagkakatiwalaang muli."

Mabibigat ang kanyang mga paa habang nilalakbay niya ang pasilyo ng ospital. Kasing bigat ng batong nakadagan sa kanyang dibdib. Panay ang pagpupunas niya ng mga butil ng tubig na tumakas sa kanyang mga mata ngunit tila hind iyon maubos-ubos.

Hindi niya lubos-maisip na magagawa ulit siyang saktan ng kanyang pamilya ngayon pa na nakuha na ng mga ito ang tiwala niya. Nagawa na naman siyang tibagin ng mga ito.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon