Chapter Twelve

4.1K 111 13
                                    

Chapter Twelve

"COFFEE."

Tamad na tumayo si Alexa matapos marinig ang ma-awtoridad na tinig mula sa kabilang panig ng intercom. Kaagad siyang nagtungo sa pantry malapit sa kanyang opisina para ipagtimpla ng kape ang kanyang boss.

"Bakit mo ba ako pinakasalan kung gagawin mo lang pala akong alipin?" maktol niya habang inaayos ang coffeemaker.

Sana ay employment contract na lamang ang pinirmahan niya at hindi ang marriage contract tutal mas lamang ang pagiging empleyado-slash-alila niya kaysa asawa.

Kung tutuusin ay maaari naman siyang bumalik sa Pilipinas at pakiusapan ang kanyang ama na tanggapin siyang muli.

She suddenly cringed, she couldn't bear the thought of begging her father.

Isa pa, ayaw niyang malayo mula kay Lucas dahil kahit paano ay malalim pa rin ang pinagsamahan nilang dalawa.

Part of her wanted to bring back what they used to have even if that seemed to be the most impossible thing to happen. Hindi mangyayari iyon kung aalis siya. Kung iiwan niya si Lucas.

Mabigat ang loob na kumuha na lamang siya ng tasa at ibinuhos doon ang kape. She knew how he wanted his coffee by heart, having known him for so long.

"It's almost twelve noon, you can go and have lunch," anito nang ilapag niya ang tasa sa mesa.

"Hindi ako nakapaghanda ng pagkain," aniya. Nang umalis kasi sila ng bahay ay wala naman siyang ka-ide-ideya na magtatrabaho pala siya.

"There's a cafeteria five floors down," tamad na sagot lamang nito.

"Wala rin akong dalang pera," mahina niyang sagot at yumuko upang umiwas ng tingin.

Sa gilid ng kanyang mata ay kita niyang binuksan ni Lucas ang drawer at kumuha ng wallet pagkatapos ay inabutan siya ng pera.

"Hindi ka ba kakain?" nag-aalangan niyang tanong. Bakit kahit ang napakasimpleng tanong tulad niyon ay napakahirap sabihin?

"I'll eat later. I still have matters to finish. Go ahead and be back before 1 PM," tamad nitong wika bago ibinalik ang tingin sa laptop.

Huminga na lamang siya nang malalim at bumalik sa kanyang opisina upang kuhanin ang kanyang bag.

"Yeah, I'll eat later. Don't worry about me."

Nahigit ni Alexa ang kanyang hininga matapos marinig ang malambing na tinig ni Lucas. Humigpit ang pagkakahawak niya sa handle ng bag.

How could he possibly be cold just a minute ago? She dreaded to hear him sound like that. Napailing siya. Hindi niya alam kung alin ang mga mas masakit, ang mas mahirap— ang marinig ang malamig na tinig ni Lucas o ang naririnig niya ngayon?

"I'll call you later, Evie. See you tonight."

Sapilitang inihakbang ni Alexa ang kanyang mga paa palabas ng opisina. Nilakbay na lamang niya ang pasilyo patungo sa fire exit ng palapag na iyon. Wala siyang ganang kumain ng tanghalian, doon na lamang siya sa hagdan habang pinapatay ang oras.

Alexa sat at the marble stairs and leaned her back on the wall, poise and grace all forgotten.

Hindi niya lubos maisip na magiging isa lamang siyang empleyado. She was her father's princess and an heiress for that matter, but there she was, a secretary no less.

Ibinulsa niya ang perang bigay ni Lucas at kinuha ang kanyang cell phone. Kaagad niyang tinungo ang facebook application.

Bumungad sa kanya ang displayed picture ni Charles at malapad ang ngiti nito, kasama nito sa larawan ang kapatid niyang si Valerie na may caption: Happily married. Forever and always, My Love.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon