Chapter Twenty

4.1K 113 8
                                    

Chapter Twenty

"ALEXA?"

Nag-angat siya ng tingin at binitiwan ang hawak na feeding bottle. Sa sobrang inis niya kay Lucas ay nilayasan na niya ito hanggang sa mapadpad siya sa baby section ng department store. Nakita niya si Frances na naglalakad papalapit sa kanya. Isang cute na batang babae ang akay nito.

"How are you?" malapad ang ngiti nito.

"I'm good," pagsisinungaling niya. Nakagat niya ang ibabang labi at huminga nang malalim saka siya humakbang upang salubungin ito. "Ikaw?"

"I'm good. Ikaw lang ba mag-isa?" tumango siya. "We are heading to Care Bears, wanna join us? Iyon ay kung hindi ka busy. Mavis will surely be thrilled to see you again," kuminang ang mga mata nito.

Saglit na nanahimik si Alexa, ngayon ay kasama niya si Lucas. Iniwan niya ito sa boutique at kasalukuyan niyang dinarasal na sana ay hindi siya hanapin nito. Ayaw niya talaga itong maka-usap. Naiinis siya sa tuwing nakikita ito.

"So?"

"Sure, I'll join."

Lalong lumapad ang ngiti ni Frances. "Let's go?"

Tumango siya at sinundan ang mga ito palabas ng mall. Walking distance lamang ang Care Bears mula sa mall na iyon kaya't mabilis silang nakarating.

Isang typical na two-storey house ang Care Bears. Mayroon itong malawak na garden na napalilibutan ng mga bulaklak. Mayroong apat na batang babae na naglalaro sa garden, malakas ang halakhak ng mga ito habang naghahabulan. Wala sa sariling napangiti si Alexa. Someday, ang kanyang anak naman ang panonoorin niyang tumawa at maglaro.

"Hey kids, let's go inside. We have a visitor, say hi first," ani Frances at sabay-sabay na nilingon ng mga bata ang kanilang direksiyon. Nakangiting kumaway ang mga ito sa kanila. Ibinalik niya ang kaway ng mga ito at isa-isa nang pumasok sa loob ang mga bata, nakasunod naman sila ni Frances.

"What are you doing, Iris?" narinig ni Alexa na tanong ni Frances sa isang batang babae na naka-pigtails. Nakaupo ito sa dulo ng L-shaped sofa habang nakatitig sa isang piraso ng papel. Nag-angat ito ng tingin kay Frances, nakakunot ang noo nito.

"I'm trying to understand what Harry told me in school," nakanguso nitong tugon. Ang cute lang ni Iris, gusto niya tuloy kurutin ang pisngi nito ngunit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang matakot ang mga bata sa kanya.

"Who is Harry?" kaagad na lumingon si Alexa nang marinig iyon. Nasa likuran niya si Bryce at deretso itong nakatingin sa bata.

"He is my classmate."

"What did he tell you?" malumanay na tanong ni Frances. Nagpabalik-balik na lamang ang tingin ni Alexa sa mga ito.

"He said 'I love you' to me. I don't understand. I'm only five. What is love, anyway?" humalakhak si Bryce sa naging sagot ni Iris. Sumingkit pa ang mga mata nito.

"Love, Iris, can be defined and described in million numbers of words."

Lalo lamang kumunot ang noo ng paslit. Naguguluhang umiling ito. Puno ng tanong ang inosente nitong mga mata.

"I don't understand you."

"Bryce, I think she's too young for this," singit ni Alexa pero umiling lamang ang lalaki. "No one is too young or too old for love, Alexa."

Alexa bit her lip with his response. He's right. Who was she to judge? She had fallen in love with an Angeles at a very young age!

"Love is patient and kind," ani Bryce.

"That's what the priest said this morning," ani ng isang batang babae na sumulpot sa likuran ni Frances.

"Yes, it was, Georgianna."

"Mavis?" nilingon siya nito. Naaala niya ang isa pang bata, iyon ang nakilala niya sa ospital. Kumpara noong nagdaang araw ay hindi na numumutla ang batang babae.

"Hi, Alexa," the girl looked at her with a cheeky grin. Pagkatapos ay bumaling ito kay Bryce. "It does not envy, it does not boast, it is not proud."

"It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs," ani naman ni Georgianna. Nag-apir ito at si Mavis saka sabay na ngumisi.

Alexa recognized the words. They're telling what love is,

The kind of love that I wish to have. The kind of love Lucas can never give me.

"What?" naguguluhan pa rin na tanong ni Iris. Ngumiti si Bryce, "You see, love is many other things."

Humakbang si Bryce palapit sa bata at umupo sa tabi nito. Nagsidating din ang ibang bata at nagsi-upo na rin ang mga ito. Nagpaalam naman si Frances na aasikasuhin ang merienda. Tumango na lang si Alexa at sinundan ito.

"Gaano na katagal ang Care Bears?" tanong ni Alexa at umupo ito sa may bar counter habang nagtitimpla ng juice si Frances.

"Since last year, matapos naming ikasal ni Pete, Bryce's brother."

"Does Bryce live here?"

Umiling ang kanyang kausap. "No. He has an apartment near Hyde Park, he loves the kids that's why he's always here. He will be a good father someday." Frances said with a dreamy sigh. Tumango na lamang si Alexa.

"Where's your husband?" aniya sa kawalan ng bagay na mapag-uusapan.

"He's upstairs, got some paperworks to do. He will be down later. Anyway, Bryce told me that you're not in good terms with your boss." Nanlaki ang mga mata ni Alexa. Hindi niya inasahan ang narinig.

"Nasusungitan ako ni Lucas minsan, madalas kasi akong magkamali, ano bang malay ko sa gawaing pang-opisina? I'm an heiress. Wala akong alam kundi ang magpasarap sa buhay at mahalin si Charles noon." Halakhak ni Alexa. Mapait ang halakhak na iyon. Hindi lamang naman pagsusungit ang ginagawa ni Lucas, higit pa roon.

"You're lying," anito at binigyan siya ng mapanuring tingin. "Bryce told me a different story."

"What did he tell you?"

"He said Lucas is always mad around you, I don't understand why."

Napabuntong hininga na lamang siya.

"I don't understand it either." Itinukod niya ang dalawang siko sa counter at nangalumbaba. "I don't understand him anymore. It's like he hates me more than anything in this world."

Ibinaba ni Frances ang hawak na pitsel at pumuwesto sa tapat niya. Nagtataka ang mga mata nito.

"How can he hate you? He was head-over-heels in love with you." Muling nanlaki ang mga mata nito.

"He's not."

"He was. He's so damn in love with you and you're the only one who didn't notice. Lucas was my classmate in one of my subjects back in college. I had caught him doing your assignments and not listening to our prof during our class a couple of times. No one was stupid enough to risk his grades unless he's in love."

"He's my best friend. Of course he'd do that."

Umiling si Frances at bahagyang ngumiti. "I know he loved you. Maybe he still loves you. Honestly, I saw you with him earlier. The only reason why I asked if you're alone was to confirm what Bryce told me. I saw Lucas looking at you, like the way he looked at you before."

Love? Si Lucas, mahal siya? Iyon na yata ang pinaka-imposibleng bagay. Kung tratuhin siya nito ay parang siya na ang pinakamababang tao. Kung totoo ngang minahal siya nito ay hindi siya nito pahihirapan. He even warned her that he'd break her. Wala naman siyang natatandaang ginawa niya para kamuhian siya nito ng ganun-ganun na lang. Aksidente ang nangyari sa kanilang dalawa noon. Hindi naman iyon sapat na dahilan. Maliban na lamang kung nang dahil sa pangyayaring iyon ay napilitan itong pakasalan siya.

"Hindi ako mahal ni Lucas, besides, he has a girlfriend."

Mistress, pagtatama ng kanyang isipan.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon