Chapter Twenty two

4.3K 109 11
                                    

Chapter Twenty-two

DAMA NI ALEXA ang pag-vibrate ng kanyang cell phone habang papasok siya sa bahay. Hindi niya iyon binigyang pansin. Dumeretso na lamang siya sa guest room kung saan siya tumutuloy. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at hinayaan ang patuloy na pag-agos ng kanyang luha.

Damn tears again! Wala na ba siyang gagawin kundi ang umiyak? Dapat ay huminto na siya.

Hindi makabubuti sa kanya kung patuloy siyang magpapatangay sa stress at bugso ng emosiyon. Makasasama iyon sa bata. She couldn't risk her child. The baby was all that's left of her. Hindi maaaring pati ito ay mawala sa kanya.

But she couldn't bring herself to stop. Her tears seem to have minds of their own.

If she only had someone to talk to about her problems. Someone who could help her breathe. Someone who would understand her without prejudice. Someone who would stay beside her without asking for anything in return. Just like how she talked to Lucas back when things were still okay. Just like how he said things will be okay.

Habang dumaraan ang mga araw ay parang gusto na lamang ni Alexa na sumuko. Ngunit hindi siya maaaring magpatalo. Even if her case of being a martyr was beyond hopeless. Kahit ano namang gawin niyang pagsisilbi kay Lucas ay hindi na siya tinitingnan nito kagaya ng dati. Wala na ang mga mata nito na noon ay nagsabi sa kanya na magiging okay din ang lahat.

He once told her that someone loved her. Pero hindi naman niya maramdaman na may nagmamahal sa kanya. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam ng kawalan ng pag-asa pero nagpapatuloy pa rin. And she commend her sister for being such a martyr.

Kung hindi nga lamang naging masama ang huli nilang pagkikita ay nagawa na niyang humingi ng advice mula rito. She's not that strong to face Valerie after all that she's done to her, after all the heartaches that she gave her.

Marahil ang mga paghihirap na nararanasan niya ngayon ang balik ng pagkakataon sa lahat ng masamang ginawa niya.

Lalong bumuhos ang kanyang luha nang sumagi iyon sa kanyang isipan.

Muling nag-vibrate ang kanyang cell phone. The vibration somehow blocked the must-be forgotten memories in her head. Dinukot niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon, at lalong lumuha nang mabasa ang pangalang rumehistro roon.

Mama...

Damn! Sasagutin ba niya ang tawag o hindi? Sa loob ng ilang buwan na nasa London siya, kahit isang segundo man lang ay hindi ito nag-abalang kontakin siya. Anong mayroon at bigla itong tumawag?

Patuloy ang pag-vibrate ng cell phone. Huminga siya nang malalim at pikit-matang sinagot ang tawag. She wanted someone to talk to, right? But would her mother make her feel better? Would she not judge her?

"Thank God, Alexa, you finally answered."

"Mom," halos masamid siya nang banggitin iyon. Napakatagal na panahon na pala mula nang huli niyang marinig ang boses nito. Hindi niya akalain na mamimiss niya iyon nang sobra-sobra.

"Why did you call?" pilit na ginawang normal ni Alexa ang kanyang boses. Hindi dapat malaman ng kanyang ina na umiiyak siya.

"I miss you. I have been trying to call you but your dad said you were busy and you don't want to be disturbed."

"What?" halos sigaw niya. Napabalikwas siya sa kama. Hindi siya makapaniwalang ginawa iyon ng kanyang ama.

Umiling siya. Hindi na niya alam kung ano pang posible nitong gawin. Nagawa nga nitong ipatapon siya sa ibang bansa. "I haven't talked to dad for ages," hinanakit niya.

"But your dad said... nevermind, it must have been part of the plan."

"What plan?"

"Nothing," halos bulong ng kanyang ina sa kabilang linya.

Double damn! So everything that's happening was part of a plan? Her whole family shut her out for a plan?!

Triple damn!

"Mom! Tell me, what is it?"

"I said it's nothing important. Hindi mo na kailangang isipin pa."

"I'm freaking living here away from you, away from everyone and you're not even telling me the reason behind it. Dad even told you not to call me? What the hell is happening?"

"I'm sorry, Sweetie, but I can't tell you. I want you to be with us but this must happen. It's for your own good."

Damn! Damn! And more damn!

How was that supposed to be for her own good? She had been to the circles of hell, to all kinds of pain, she had felt worse than worst since she left Philippines. Where was good in that?

"Where is Dad? I want to talk to him? Why didn't you stop him from doing this?"

"I couldn't. You know your dad."

Sa puntong iyon ay hindi alam ni Alexa na may iluluha pa pala siya. Sumibol ang inalagaan niyang hinanakit para sa kanyang ina. Namukadkad ang galit na itinanim niya sa loob ng mahabang panahon.

Hindi pala magandang ideya na sinagot niya ang tawag. Pero wala na siya sa sariling katinuan kaya pinili niyang sumagot.

"You couldn't even stand for me but you stood up for Valerie? She's not even your daughter. She's just your niece. Do you even love me?"

Bumalik sa kanyang alaala ang araw na pinili nito ang kanyang kapatid. It was her wedding day. She's supposed to marry Charles. That was supposed to be the best day of her life, finally, her dream was coming true. Pero imbes na na yakapin at suportahan siya, na maging masaya ito para sa kanya ay hinayaan lang nito si Valerie na agawin sa kanya si Charles.

Ang gusto lang naman niya ay suportahan ng kanyang ina ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. But she's always the second option. Heck! She was probably not an option at all.

"Of course, I do," mabilis na sagot nito.

"I don't believe you. It has always been Valerie, for you, for everyone. Everybody hates me. You don't want me in your life so you threw me here!" singhal niya. Pilit niyang pinigilan ang muling pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Shessh, sweetie, it's not like that. God knows how much I miss you."

"I don't believe you. I don't believe myself either. I don't know what to believe anymore. I'm just so fed up with everything. Everybody conspired against me. I lost everything. I lost myself."

Everybody hates me, isang tao na nga lang ang alam kong mahal ako at naiintindihan ako pero ngayon ay halos isuka na rin niya ako. Nobody loves me.

Hindi niya napigilan. Nagpatuloy ang paglandas ng mga butil ng luha sa kanyang pisngi, tila kinukusot ang kanyang puso sa sobrang sakit.

Hindi na alam ni Alexa kung paano pa magpapatuloy ngayong sa ikalawang pagkakataon ay pinaglaruan na naman siya ng tadhana. This was another story for her, and just like the other, she's sure as hell that she's never going to have a happy-ever-after. It would be just another sadly-ever-after.

"Sweetie, walang may intensiyon na saktan ka. These things are happening because you're strong enough to face them," malumanay na wika ng kanyang ina.

"I'm not strong, Mom. Alexandra Marie, Medusa incarnate, witch extraordinaire is long dead. She has broken down to shards then died and faded into oblivion."

Ibinagsak ni Alexa ang katawan sa kama. Tuluyang naubos ang kanyang lakas.

"How? Your dad said you were fine, you were just busy with your married life and your business?" nagtatakang tanong nito.

Umiling si Alexa kahit pa hindi naman iyon makikita ng kanyang ina.

"Goodbye, Mom and please tell Valerie that I'm sorry."

Pinatay na niya ang cell phone. Niyakap niya ang kanyang sarili at hinayaang lukubin siya ng sakit at galit.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon