Chapter Seven

4.4K 99 1
                                    

Chapter Seven

WHAT THE HELL is she doing here? Hanggang dito ba naman ay makikita ko siya?, tanong ni Alexa nang mamataan niya si Everlyne sa loob ng isang boutique.

Abala itong nagtitingin ng mga damit. Her eyes followed her trail... until one thing caught her attention. It was a red dress worn by a mannequin behind Everlyne. Kaagad niyang nagustuhan ang damit at nang mapansin na babaling si Everylne sa direksiyong iyon ay mabilis niya iyong tinungo.

"I got this first," sabay nilang wika nang hawakan niya ang laylayan ng dress. Nilingon siya ni Everlyne. Nakakunot ang noo nito habang hawak ang neckline ng damit.

"No, I got this first," matigas nitong wika.

Itinaas ni Alexa ang isang kilay at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Unang kita pa lamang niya rito sa Swag and Tails ay hindi na niya ito nagustuhan. Pakiramdam niya ay may mali sa babaeng ito.

"Pretty girls wear red, Dear..." ngumisi pa siya at umiling. "You are not even pretty." Kinuha na niya ang bestida at tinalikuran ang babaeng iyon.

Ngunit kaagad din siyang natigilan nang makita ang repleksiyon sa isang salamin. Sinalubong ng kanyang mga mata ang tingin ng repleksiyong iyon. Nahigit niya ang hininga at tila pinipiga ang kanyang dibdib. Malalim at madilim ang mga mata nito. Hindi niya mabasa. Tumatagos sa kanyang kaluluwa ang titig nito.

Pinasadahan niya ang kabuuan nito gamit ang salamin. He was wearing a pair of black pants and a grey v-neck shirt, tila humaba rin ng kaunti ang buhok nito. Ngunit ang pinagtataka niya ay ang blankong ekspresiyon ng mukha ng binata. Empty and isolating.

Hindi niya mawari ang dapat gawin. Lilingon ba siya sa kanyang likuran o magpapatuloy sa paglalakad?

"Sweetheart."

Pero kaagad ding nasagot ang kanyang katanungan nang makita niya sa salamin ang pagtalikod nito at pag-akbay kay Everlyne.

"There's a frog who took the dress that I want."

"Let's just look for another one and we still need to buy winter clothes before we head to your house."

Ikinuyom ni Alexa ang kanyang mga palad. Halos malukot ang bestida niyang hawak. Lalo lamang sumidhi ang inis niya sa babaeng iyon. Pinagmasdan lamang niya ang paghakbang ng mga ito papalayo.

Tuluyan na rin yatang malalayo sa kanya si Lucas.

"No, bitch. You'll never have Kuya Luke. Never," she muttered under her breath at binitiwan na ang bestida. Inis na lumabas na lamang siya ng botique.

"DAMN IT! DAMN it!" paulit-ulit na sigaw ni Alexa habang hinahampas niya ang manibela.

"Ah, darn!" frustrated niyang dagdag saka biglang inihinto ang kotse. "Now, what the hell are you going to do?"

Matapos niyang umalis sa botique ay tuluyan na rin siyang lumabas ng mall na iyon. Walang tiyak na direksiyon kung saan siya pupunta. Ayaw pa niyang umuwi sa bahay. Ayaw pa niyang mapag-isa.

Patuloy pa ring nagpa-flash sa kanyang isipan ang titig na iyon ni Lucas. Hindi niya mawari ang emosiyong hatid ng mga mata nito.

Hindi na rin napigilan ni Alexa ang pagbagsak ng kanyang luha. Nanginginig ang mga daliring binuksan niya ang pinto ng kotse at saka padarag na lumabas.

"Bakit ka ganiyan, Kuya Luke? Nagkita nga tayo ngunit hindi mo man lang ako kinausap o nilapitan man lang. Basta mo na lang ako tinalikuran! Ang sama, sama mo!" aniya at nagmartsa palayo sa kotse.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang naging kilos ni Lucas. Kung umasta ito ay parang hindi sila magkakilala. Binalewala lamang siya nito. Nagkaroon ba ito ng amnesia? Imposibleng mangyari iyon.

But why was he acting like she's just nothing?

He promised her. Nangako si Lucas na kailanman ay hindi siya iiwan at pababayaan. Na palagi niya itong maaasahan kapag kailangan niya ito. Gaano man ka-busy si Lucas ay iiwan nito ang lahat ng ginagawa para lamang daluhan siya at damayan. He would always be her big brother. Higit kanino man ay siya ang pinaka-unang priority nito.

Patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. Tuloy-tuloy lamang ang kanyang paglalakad kahit hindi naman niya alam kung saan siya pupunta. Magulo ang kanyang isip at punong-puno ng mga tanong. Nagsisikip ang kanyang dibdib.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang sakit na dulot sa kanya nang biglang pagtalikod ni Lucas. Mas matindi pa iyon sa sakit ng paulit-ulit na pag-reject sa kanya ni Charles.

Noon, ang akala niya ay hindi niya kakayanin kapag nawala si Charles, pero nakaya niyang bumangon dahil kasama niya ang kanyang best friend, ang kanyang Kuya Luke, pero ngayon... hindi niya alam kung paano pa kikilos. Si Lucas na nga lang ang natitira sa kanya pero maging ito ay iniwan na rin siya. She felt even more betrayed and alone.

Umihip ang malamig na hangin. Niyakap na lamang ni Alexa ang sarili at nakayukong nagmartsa patungo sa bench na namataan niya.

HINDI ALAM NI Alexa kung ilang oras na ang dumaan. Nanatili lamang siya sa parkeng iyon. Dumidilim na rin ang paligid at lalong lumalamig ang temperatura. Pero wala siyang pakialam kahit pa nanunuot na sa kanyang balat ang lamig ng hangin. Kung puwede nga lang na tumagos ang lamig hanggang sa kanyang puso ay ginawa na niya. Pero imposible ang bagay na iyon dahil damang-dama pa rin niya ang sakit. Sariwa pa ang sugat sa kanyang puso na siguro'y hindi na maghihilom pa.

Pinagmasdan na lamang niya ang pagdating at pag-alis ng mga tao sa parke. Mayroong tulad niya ay nag-iisa, mayroong magkapareha at mayroon ding grupo.

Kung sana ay ganoon na lang din kasimple ang lahat. Kung sana ay puwedeng may dumating at may umalis sa buhay ng isang tao na hindi sila nasasaktan, katulad ng pagdating at pag-alis ng mga tao sa parke.

Pero hindi iyon ganoon kadali dahil malaking bahagi si Lucas ng buhay niya. Malaking puwang ang iniwan nito. Para siyang naputulan ng isang binti, hindi siya kumpleto. Hindi niya alam kung paano muling humakbang. Hindi niya alam.

"May I sit?" Dinig niyang tanong ng isang lalaki na mayroong British accent.

Hindi sumagot si Alexa. Hindi siya nag-angat ng tingin. Mabilis na lamang niyang pinunasan ang basa niyang pisngi. Hilam na rin sa luha ang kanyang mga mata. Ngunit tila ayaw ng mga ito na tumigil sa pagbuhos.

"I think it's going to snow tonight," kaswal na wika pa nito pero hindi pa rin siya sumagot.

"You shouldn't go out with that kind of clothes at times like this," anito at saka tumayo. Binalot sa kanya ang isang jacket pagkatapos ay biglang humakbang palayo.

Hindi niya nagawang magreklamo. Wala na siyang lakas na magsalita pa. Hindi man lang niya nagawang tingnan ang mukha nito. Nag-angat siya ng tingin at pinagmasdan na lamang ang papalayo nitong pigura. Matangkad ito at maputi. Nakasuot lamang ng simpleng itim na t-shirt at faded blue jeans. Nakapamulsa ito habang naglalakad hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.

Tinitigan lamang ni Alexa ang green na jacket na bigay sa kanya ng estranghero. Nagawa pa talaga nitong punahin ang suot niyang maiksing denim shorts at pulang sleeveless crop top. Nawawala na nga siguro siya sa sarili dahil malamig ang panahon ngunit ganoon ang kanyang suot.

If only Lucas was just like him. Dumating at kaagad ding umalis. But he wasn't. He stayed for so long. Yet left without a word.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon