Chapter Forty-four
"ANONG GINAGAWA MO rito? Nasaan ang anak ko?"
Mabilis na tumayo si Alexa nang bumukas ang pinto.
Pumasok si Lucas. "Let me go!" Pilit itong hinahatak ng guwardiya palabas. Sa bawat paghatak ay nagpupumiglas ito. The scene reminded her of the last time Lucas went to her office. When he found out about the annulment. Hindi pa nga pala nila napag-uusapan ang tungkol doon.
"Sorry po, Ma'am, nagpumilit po siya," ani ng guwardiya pagkatapos ay muling hinila si Lucas.
Sa likod ng mga ito ay sumulpot si Zia. Kunot-noong tinitigan nito si Lucas. "Sir Luke, hindi ba't bawal ka rito?"
Humakbang si Alexa papalapit sa mga ito. Iwinagayway niya ang isang kamay, senyales na pakawalan si Lucas.
"Lucas Ford, where is Hopee?" seryoso niyang tanong.
"She's with Mommy and Valerie."
"Mama Honoria is in the Philippines?" Sa gilid ng kanyang mga mata ay batid niya ang palipat-lipat na tingin ni Zia sa kanya at kay Lucas. Gumuhit ang pagtataka sa mga mata nito. Bakit hindi? Nang huling beses na naroon si Lucas ay pinakaladkad niya ito palabas.
"Yes. Hopee was sleeping and I was cleaning up her toys when Valerie arrived with CJ and Mom. You should have seen Sab's reaction when she saw me at your unit."
Uh-oh! Natampal ni Alexa ang sariling noo. Nakikita na niya ang napakaraming tanong mula sa kanyang ate sa oras na magkita sila.
"I guess you've figured that one already. Our daughter is safe with her Lola and Tita."
"You're in charge of Hopee. If something happens..." aniyang may pagbabanta.
"Do you really think they'll let something happen to our baby." Umiling si Lucas at humakbang palapit sa kanya.
Samantalang nakamasid lamang si Zia at ang security guard. Tila naghihintay ang mga ito ng instruksiyon kung kakaladkarin palabas si Lucas.
"You don't have to worry about Hopee, she's in safe hands," ani Lucas kasabay ng pagkulong ng kanyang pisngi sa magkabilang palad nito. "I'm worried about you," masuyo nitong pahayag.
Abot-abot ang tahip ng puso ni Alexa. Wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan lamang si Lucas. His words and the expression in his face brought her back the long-forgotten memories. It's like she's seeing the old Lucas. The Lucas Ford she had known as a kid. Her Kuya Luke.
"Ms. Alexa..."
A voice from the intercom snapped her back to her senses. Mabilis siyang umatras palayo kay Lucas.
"Zia... take the call from the production team," pormal niyang wika.
Sinubukan niyang maging ma-awtoridad ngunit binigo lamang siya ng kanyang boses. Mataman ang titig sa kanya ni Lucas. Pilit niya iyong binalewala ngunit hindi niya magawa. Huminga siya nang malalim at idinerekta ang atensiyon sa security guard.
"Makakabalik ka na sa baba. I'll be fine here."
Tumalima ang mga ito. Nang sumara ang pinto ay sila na lamang ni Lucas ang naiwan sa silid.
"Now, answer, anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?" tamad niyang tanong. Tila walang buhay ang kanyang tinig, kabaliktaran ng pagwawala ng kanyang dibdib nang maramdaman ang init sa mga mata ni Lucas. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"You know why I'm here," anito, kahit isang segundo ay hindi nawaglit ang malalim na titig nito sa kanya.
Muling umatras si Alexa at binaling ang atensiyon sa glasswall. Ilang segundo pa sa ilalim ng mga mata ni Lucas ay baka hindi na niya makontrol ang kanyang dibdib.
"You had my answer."
"Alex..."
Umiling siya nang marinig ang yabag ng mga paa na tila papalapit sa kanya. Kaagad din iyong huminto.
"Can you at least do it for Hopee?"
"I'm doing every single thing for Hopee, you know that. I even let you become part of her life. Let's leave it there," she snapped. As soon as her lips closed, the bitter taste lingered.
Bakit ba naroon si Lucas ngayong nahihirapan siya? Hindi dapat nito makita na nahihirapan siya. Bakit ba ito na lang ang natitirang paraan para malutas ang problema niya? Hindi dapat ito tumulong sa kanya.
Ayaw na niyang kailanganin pa ito. Ayaw na niyang maging sandalan muli si Lucas. Hindi na ang dating Lucas ang nasa harap niya. Hindi na maibabalik pa ang dati.
"Then think of it as a business deal," anito sa pormal na tinig.
Pumikit siya nang mariin. Tanggap na niya sa sarili na wala na siyang mapagpipilian.
Huminga siya nang malalim pagkatapos ay umikot upang harapin si Lucas. A formal and diplomatic smile was plastered on her face. "Just a business deal."
Tumango si Lucas at inilahad ang kanan nitong kamay. Bahagya itong tumango. "Just a business deal."
Nahigit niya ang hininga nang abutin niya ang kamay ni Lucas. Pamilyar ang naglalagitikang kuryenteng gumapang sa kanyang balat.
Sinubukan niyang kumalas ngunit hinigpitan lamang ni Lucas ang pagkakahawak sa kanya.
"YOU DID WHAT?"
Inilayo ni Alexa ang cell phone sa kanyang tainga nang suminghap si Valerie. Nang malaman niyang nadatnan nito si Lucas sa kanyang unit ay inasahan na niya ang sunod-sunod nitong tanong. Hindi nga lang niya inakala na aabutin ng tatlong oras bago ito tumawag. Nakaalis na si Lucas para asikasuhin ang pagpapadala ng mga materyales na kakailanganin para sa natitirang projects.
"I canceled the Temporary Restraining Order. I realized you were right. Hopee needs a father," aniya.
"Wow, I didn't see it coming."
"You had seen it coming, with all your schemes and all," nanunuya niyang wika.
"None of our schemes work, remember?"
"Point taken," tugon niya kasunod ang buntong hininga. Mariin siyang pumikit at sinuri ang mga ginawang desisyon. "Am I doing the right thing?"
"You are and you know that," marahang tugon ni Valerie sa kabilang linya.
"What if...?"
Umiling si Alexa. Pinigil niya ang sarili bago pa matuloy ang tanong. Ano nga ba ang gusto niyang itanong?
"You know your heart, Alexa. You know what it wants. You want Hopee to have the best of everything."
"Thank you, Ate," aniyang halos bulong. Nagpasalamat siya dahil ibinalik nito ang kanyang isipan sa tamang direksiyon. Ayaw na niyang malunod sa 'what if' at 'what could have been'.
"Speaking of Hopee, gusto siyang makita nina Mom and Dad," kalkulado ang tinig ni Valerie.
Muling pumikit si Alexa. "Okay. Soon, but not too soon." Hindi pa siya sigurado kung handa na siyang makita ang kanyang mga magulang.
She heard a sigh of relief. "That's more than enough, Alex. Thank you."
Nagpaalam na siya matapos niyon.
"It's been a roller coaster ride and it's only 2 P.M," naiiling niyang wika nang makita ang oras sa cell phone. Hindi pa nga pala siya nananghalian. Ibinalik niya iyon sa bulsa ng kanyang pantalon pagkatapos ay lumabas na siya para magtungo sa production team. Wala siyang ganang kumain kaya't ibubuhos na lamang niya ang oras sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-
RomansaAlexandra Marie Mendez loved an Angeles her whole life. Wala siyang ibang itinatak sa kanyang isipan kundi ang itinatanging pagmamahal para sa kanyang fiancé mula pa pagkabata. Kaya naman lahat ay ginawa niya para masuklian ang pagmamahal na iyon...