Chapter Thirty-four
"GIVE ME UPDATES every time, okay?" ani Alexa sa bente-sinco anyos na babae na bagong yaya ni Hopee. Inerekomenda ito ng isa sa mga empleyado niya.
"Yes, Ma'am."
Dahil nga pinili niyang umalis sa bahay ng kanyang mga magulang ay kailangan niya ng bagong magbabantay sa kanyang anak. Ayaw pa rin niyang makita ang kanyang ina na siyang nag-alaga kay Hopee noon.
"I'll see you later." Kinintalan ni Alexa ng halik sa pisngi si Hopee bago siya umalis ng silid. Naipaliwanag na rin niya kay Yaya Estella ang mga dapat nitong gawin— isa na roon ang pag-iwas kay Lucas Damn Ford Angeles. Hindi ito maaaring lumapit kay Hopee. Nagpasya na rin siyang lumapit sa abogado upang magkaroon ng restraining order laban kay Lucas at para makapagfile na rin ng naunsiyami niyang pakikipaghiwalay. Dahil nga matagal silang hindi nagkita ay hindi iyon naasikaso.
Ngayon na muling nag-krus ang kanilang landas ay itutuloy na niya. Wala nang dahilan upang maudlot na naman. Kailangan nang matuldukan ang lahat. Not only for formality's sake but to finally leave everything behind. To finally move forward. Habang dala-dala niya ang apelyidong Angeles ay nakatali pa rin siya sa nakaraan. Hindi siya tuluyang makababangon sa pagkakasadlak sa kamalasang dala ng pangalang iyon.
She had always wanted to be an Angeles before. Iyon lang ang tanging pangarap ng hibang na bersiyon ni Alexa. Wala na ang Alexa'ng iyon. Ngayon ay gusto na lang niyang bumalik sa dating apelyido.
Inayos ni Alexa ang suot na Chanel shades saka sumakay ng elevator. Kailangan na niyang bumalik sa trabaho.
Nagdesisyon siyang hindi na matutuloy ang pag-alis ng bansa. Haharapin na niya ang mga problema. Kung tatakbo na naman siya ay lalo lamang magkakaproblema. Matatagalan ang kaso. Hindi siya susuko hangga't hindi naaalis ang Angeles sa kanyang pangalan.
"Good morning, Miss Alexa," bati ni Zia nang marating niya ang opisina. Tinanguan niya ito at tahimik lamang itong sumunod sa kanya.
"Prepare my coffee then contact Floralis. Tell them to send these fabrics," inabot niya kay Zia ang isang folder kung saan nakalista ang mga order niya. "Then ask the team to work on the finale gown as soon as the fabrics arrived."
"On it, Ma'am," anito pagkatapos ay lumabas ng silid.
Umupo siya sa swivel chair at inikot iyon paharap sa glass wall. Mula roon ay tanaw niya ang mga nagtatayugang gusali.
Dalawang linggo na lamang bago ang show. Kailangang magtagumpay siya roon. Kailangan niya ng pera para sa annulment case. Ayaw niyang galawin ang trust fund na bigay ng kanyang mga magulang. It was their idea that trapped her into the freaking marriage in the first place. They gave the god-forsaken consent.
"Ma'am, may bisita po kayo," ani Vinni nang bumukas ang pinto. Muling umikot si Alexa. She cursed under her breath. Pinagsisihan niya ang paglingon. Sa likod ng dalaga ay isang mukha na ayaw niyang makita. Muli siyang umikot paharap sa glass wall.
"Anak."
"Go away, Dad!" matigas niyang sabi. Kanina lamang ay naisip niya ang puno ng lahat ng kamalasan niya. Ngayon naman ay nagpakita pa ang kanyang ama!
"Princess," kalkulado nitong wika. Dinig niya ang mga yabag nito na papalapit.
"Busy ako, Dad, wala akong oras para makipag-usap sa iyo."
"Gan'yan naman ang lagi mong sinasabi sa tuwing kakausapin kita. Alexa, please, talk to me. Mula nang umalis tayo sa London ay hindi mo pa ako kinakausap. Isang taon na iyon!"
"Wala akong pakialam kung abutin man ng ilang taon o ilang dekada. Durog na durog na ako dahil sa pagmamanipula mo, Daddy! If you didn't agree to that whole scheme, I wouldn't be a mess. But you did," mapait niyang sabi. Marahas niyang pinunasan ang hamog sa ilalim ng kanyang mata.
BINABASA MO ANG
Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-
RomanceAlexandra Marie Mendez loved an Angeles her whole life. Wala siyang ibang itinatak sa kanyang isipan kundi ang itinatanging pagmamahal para sa kanyang fiancé mula pa pagkabata. Kaya naman lahat ay ginawa niya para masuklian ang pagmamahal na iyon...