Chapter Twenty-four
"HOW ARE YOU?"
Iyon ang unang narinig ni Alexa nang imulat niya ang kanyang mga mata. Kaagad siyang bumangon at dinaluhan naman siya nito upang alalayan. Walang sabi-sabing tumulo ang kanyang luha at mahigpit niyang hinawakan ito sa braso.
"Bakit ka nandito?"
"Tumawag si Mama, sinabi niya sa akin na nagka-usap kayo. Pinasasabi mo raw na nagsosorry ka. At ikinuwento niya na kung paano ka umiyak. It's a gut feel, I know something is wrong kaya pinili kong pumunta rito kaagad."
"Why are you doing this? Why are you so nice to me?"
Mabilis siya nitong niyakap. Walang pagbabantang tumulo ang kanyang luha.
"Because we are sisters and this is what sister's do," malumanay na pahayag ni Valerie. Ibinalik ni Alexa ang yakap sa kapatid.
"I made you miserable," iling niya sa pagitan ng mga hikbi.
"And I made you miserable, too. We are even, Alexa. Pareho nating nasaktan ang isa't-isa dahil sa isang lalaki. But I have always believed that you will find the right man for you. I have always believed that Luke is the right guy..."
Bigla ay naging mahina ang boses ni Valerie. Nag-angat ng tingin si Alexa ngunit umiwas lamang ng tingin ang kanyang kapatid.
"Alam mo ang tungkol dito?" aniya, hindi makapaniwala.
"What are you talking about?"
"Oh, for heaven's sake, huwag kang magmaang-maangan."
Nabuhay na naman ang sakit at galit sa kanyang dibdib. Bakit hindi niya naisip na posibleng kasabwat si Valerie? Kumalas siya sa pagkakayakap at itinulak ang ampon na kapatid.
"Alam mo ang tungkol sa engagement? Alam mong kasal kami ni Lucas? Parte ka ba ng plano? Bakit? Natatakot ka bang agawin ko sa iyo si Charles?" tuloy-tuloy niyang sabi. Tila walang preno ang kanyang bibig. Ang pagbigkas niya ng bawat salita ay kasing bilis ng pintig ng kanyang puso.
"It's not like that. Gusto lang namin na maging masaya ka na."
Sa puntong iyon ay binalingan na siya ni Valerie. Umaagos na rin ang luha sa mga mata nito.
Mapaklang halakhak ang itinugon niya rito. "Ano ang alam mo sa magpapasaya sa akin? Ano ang alam mo sa makabubuti sa akin? Aminin mo na lang kasi na natatakot ka na makuha ko sa 'yo si Charles."
"Bakit naman ako matatakot? Mahal na mahal ako ng asawa ko. Ikaw ang inaalala namin."
"Iniisip mo ako? Inaalala mo ako? My feelings matter to you?" marahas ang kanyang pag-iling. "Unbelievable. Gusto ninyo akong maging masaya, gan'on? Pero masaya ba ako? Nagtagumpay ba ang punyetang plano ninyo?" sigaw niya. "At bakit si Lucas pa?" halos bulong ang huli niyang tanong. Dama niya ang kirot sa pagbanggit ng pangalang iyon.
"Dahil mahal ka niya! Dahil nangako siya sa amin na aalagaan at poprotektahan ka. Dahil nagbitiw siya ng salita na tatanggalin niya ang sakit sa puso mo na binigay namin sa 'yo. He promised to mend your broken heart," depensa ni Valerie.
Hindi na mabilang pa ni Alexa kung ilang beses siyang humikbi o kung ilang balde na ang kanyang niluha. Wala siyang nagawa kundi ang humalakhak. Napakapait na halakhak.
"Mahal niya ako? Nagbibiro ka ba? Nagpapatawa ka ba? He never tried to fix me. He broke me instead. He made me realize that I have fallen so damn hard to him but all he ever did was make me feel how much he despised me. Nasaan ang punyetang pagmamahal doon? I thought I can never be more broken when Charles chose you..."
BINABASA MO ANG
Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-
RomanceAlexandra Marie Mendez loved an Angeles her whole life. Wala siyang ibang itinatak sa kanyang isipan kundi ang itinatanging pagmamahal para sa kanyang fiancé mula pa pagkabata. Kaya naman lahat ay ginawa niya para masuklian ang pagmamahal na iyon...