Chapter Eleven

4.1K 101 8
                                    

Chapter Eleven

"WAKE UP."

Mumukat-mukat na iminulat ni Alexa ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang nakakunot ang noong si Lucas.

"Magluto ka na ng almusal at ihanda mo ang sarili mo. Wear this. We are leaving in an hour."

Hinagis ni Lucas ang isang itim na corporate dress sa kama saka mabilis na lumabas.

Hindi na niya nagawang magtanong kung saan sila pupunta. Mabilis na lamang siyang naligo at nagbihis saka bumaba sa kusina.

True to his words, she became Lucas's instant 'slave' even if in his terminology, it meant 'wife'.

Lahat ng inuutos nito ay sinusunod niya. At hindi niya magawang magreklamo. She was too scared to complain, scared to see him angry. Scared to be thrown away.

Si Lucas lamang ang mayroon siya at kung sa ganoon mang paraan ay makakasama niya ito ay handa siyang magtiis. Dahil isa lang ang nasisisuguro niya, hindi niya alam kung paano makaka-survive kung tuluyang mawala si Lucas sa buhay niya. Ayaw na niyang mabuhay na mag-isa muli.

Matapos mag-almusal ay kaagad silang umalis ni Lucas. Hindi pa rin niya alam kung saan sila pupunta.

"You'll start working for our company today," anito nang huminto ang sasakyan sa isang basement parking lot. "You'll be my secretary. I'll leave first. Wala dapat makakita na magkasama tayo at sabay pumasok." Lumabas na si Lucas ng kotse.

Tumango lamang si Alexa at pinroseso ang sinabi nito. She tried her very best to hide the hurt in her eyes.

"One more thing, no one must know that we are married. Got it?"

"Okay," mahina niyang sagot. Tumalikod na si Lucas at iniwan siya. Pinagmasdan na lamang niya ang paglayo nito.

Pinunasan ni Alexa ang gilid ng kanyang mga mata. Hindi na siya dapat umiyak. Kasama na niya si Lucas, ano pa bang gusto niya?

She wanted the old Lucas back. The Lucas that once took care of her.

Tiningnan ni Alexa ang kanyang imahe sa salamin at sapilitang pinatahan ang sarili. Muli siyang nag-ayos at naghintay. Nang magtext si Lucas na maaari na siyang pumasok sa building ay lumabas na siya.

Sinalubong siya ng guard pagkapasok niya sa building. Nagpakilala siya bilang bagong sekretarya ni Lucas.

Sekretarya! Nakakatawa, kahapon lamang ay ginawa siya nitong asawa, ngayon naman ay sekretarya. Ano pa ang sunod na magiging papel niya sa buhay nito?

Ayon sa text ni Lucas ay nasa ika-dalawampu't limang palapag ang kanyang opisina. Kinakabahan at hindi mapakaling sumakay siya ng elevator. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin habang pinagmamasdan ang paglipat ng ilaw sa mga numero.

How was she supposed to act that she wasn't Lucas's wife? That they didn't know each other?

"Did you see Miss Everlyne earlier? She's pretty isn't she?"

"Yeah. She arrived shortly after Sir Lucas and they went to his office."

Dalawang babae na tulad niya'y nakasuot ng corporate dress ang pumasok sa elevator sa ika-labinlimang palapag. Tinitigan niya lamang ang mga ito at pinakinggan ang pag-uusap. Kaagad na kumunot ang kanyang noo nang marinig ang pangalan ni Everlyne.

That bitch!

Bigla ay gusto niyang manapak ng kahit na sino. Akala niya ngayong kasal na sila ni Lucas ay mawawala na sa landas niya ang babaeng iyon.

Umiling siya. Hindi maaaring pumapel na naman ang babaeng iyon. An idea formed in her head.

"Excuse me," magalang niyang sabi. Lumingon sa kanya ang dalawang babae. "I'm Mr. Lucas Angeles' new..." wife! "secretary. May I asked who Miss Everlyne is?"

"His girlfriend. And they really look good together. I wonder if they are going to marry soon," sagot sa kanya ng isa.

Pilit pinigilan ni Alexa ang pagtikwas ng kanyang kilay. She fought her urge to tell her that Lucas can't marry Everlyne or anyone else because they were already married.

Tumango na lamang siya at hinintay ang kanyang paglapag sa twenty fifth floor.

"You must be Alexandra Mendez, Sir Lucas's new secretary? I'm Yoanna."

Tumango si Alexa at tinanggap ang kamay na inilahad ng babae. Tulad niya ay nakasuot ito ng corporate dress na kulay itim. Iminuwestra nito ang pinto sa gawing kaliwa.

"I'll show you to his office, shall we?" muli siyang tumango at sinundan ang babae.

Mabibigat ang kanyang mga paa nang ihakbang niya iyon papasok sa opisina. Mabibigat din ang kanyang paghinga. Mabilis niyang pinasadahan iyon ng tingin. Kulay puti ang pintura ng dingding at mga furnitures ay kulay itim.

This wasn't Lucas's style. He wanted things with warm colors. Pati ba naman ang bagay na iyon ay nagbago na rin?

"Good morning, Sir," kalkuladong wika ni Yoanna.

Nakita niyang nag-angat ng tingin si Lucas mula sa folder na binabasa nito. Saglit lang siya nitong tiningnan bago bumaling kay Yoanna.

Tumayo si Lucas at humakbang patungo sa kanila. Bawat hakbang nito ay nahihigit niya ang kanyang hininga. Parang may dagang tumatakbo at paikot-ikot sa kanyang dibdib.

"Good morning, Yoanna." Binalingan siya nito.

"Ms. Mendez," mabigat nitong wika. Kung napansin man nito ang pagiging balisa niya ay hindi na ito nagkomento. Siguro ay wala naman itong pakialam. "Welcome to Bretton Textiles," umangat ang sulok ng isa nitong labi. Hindi niya mawari ang kahulugan ng ngiting iyon.

"My mom appointed me to this office. She has been asking me to take over for years now, but I held back." His gaze lingered on her face. "I told her that I can't just leave..." he slightly waved his hand to dismiss whatever he's talking about. Matapos niyon ay tinalikuran siya ni Lucas.

"Anyway, just three months ago, I decided to do my duties to the family."

Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit ito umalis? Dahil ito si Lucas Ford Bretton-Angeles at kailangan nitong pamahalaan ang kumpanya? Hindi ba dahil kay Everlyne kaya ito umalis?

Pinasadahan niya ng tingin si Lucas habang nakatalikod ito. Tinitigan niya ang kanang kamay nito. Hindi suot ng kanyang asawa ang wedding band. Ang tanging pinanghahawakan niya na sa kanya si Lucas.

Naglandas ang kanyang daliri sa singsing niyang suot at pilit pinigilan ang pagbagsak ng luha. Mabuti na lamang at hindi siya nakikita ni Lucas dahil siguradong hindi nito ikakatuwa ang naging reaksiyon niya.

"Yoanna, show Ms. Mendez to her office and tell her what to do. You can go back to your station as soon as you are finished orienting her."

Bumalik na si Lucas sa upuan nito at iginiya lamang siya ni Yoanna papunta sa isang pinto sa bandang kanan.

Mas maliit iyon kumpara sa silid na pinanggalingan nila pero malaki pa rin ang espasyo niyon para sa isang sekretarya. Umiling si Alexa at huminga nang malalim.

"Uhm, Yoanna, can you excuse me for a second. I'll just go to the wash room." Tinanguan siya nito at imunuwestro ang direksiyon patungo sa wash room. Kaagad siyang nagmartsa patungo roon.

Nandito ako ngayon sa opisina ng aking best friend. Malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Sekretarya niya ako at asawa ko siya.

Isang sekratarya. Iyon na lamang siya para kay Lucas. Just his secretary.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon