Prologue

1.4K 25 2
                                    

Lalisa Manoban

"Liz!!"

Kumakaway ka ilang hakbang ang layo mula sa akin habang nakangiti na hawak ang kamay niya. Hindi naman masakit makita diba? Yung taong matagal mo ng pinapangarap, iba ang pangarap.


Cliché right. Marami sa atin ang nakaranas ng ganito, yung mahal mo siya tapos hindi ka niya mahal? Sana all minamahal.


Ngumiti akong kumaway pabalik sa kanya. Tama, ngitian lang natin para mapigil ang nagbabadyang mga luha.

 

Inihahatid na lamang kita ng aking mga tingin, na kahit kailan ay hindi mo mapapansin.


Paano nga ba nagsimula?

Sa totoo, lang hindi ko alam ang tamang sagot. Kahit ako mismo ay hindi maipaliwanag sa sarili ko kung kailan ba nagsimula na magbago ang tingin ko sa kanya.

Nagising na lamang ako isang umaga, pumasok agad siya sa isip ko at kaagad na sinampal nang katotohanan na, 'Tangina mahal ko na.'  Pero mas malakas na sampal ang bumawi at gumising sa akin sa katotohanan na 'Tanga, may mahal ng iba.'


Sobrang corny at napaka cliché isipin na nangyari sa akin ito -- at talagang sa kanya pa -- sa babaeng punong-puno ng kaartehan sa katawan, sa babaeng mala siopao ang mga pisnge, sa babaeng kamukha ng pusa ko na si Lily, at sa babaeng may mahal ng iba.



At isa pa sa pinakamalaking problema ko, pareho kaming babae.



Alam kong hindi na bago ang magmahal ng kapwa babae sa panahon ngayon, pero para sa akin, malaking problema yun.




****

Undying Love || JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon