Four

387 22 1
                                    

Lalisa Manoban


"Lis!! Come on, samahan mo na ako please??" Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko. Nandito si Jen sa bahay ngayon, well madalas naman talaga siyang nandito. "Lisaaa! Please,mas may tiwala ako sa taste mo."

I didn't bother to look at her, kasi kapag ginawa ko yun siguradong talo ako.


"Tsk! Kung ayaw mo sabihin mo nalang, hindi yung ganyan na hindi mo ako pinapansin! Nakakainis na!" Padabog siyang umalis sa harapan ko at naupo sa couch habang nakacross-arms at nakasimangot.


Humugot ako ng malalim na paghinga at ibinaba ko yung hawak kong measuring cup at inalis ang apron ko. Yes, I'm trying to learn how to bake pero dahil galit na siya kailangan ko ng sumunod sa gusto niya. Wala eh, talo na naman ako. Kailan ba naman ako mananalo sa kanya.


"Magbibihis lang ako. Stop pouting, Jen, not cute." Nakita kong napangiti siya ng marinig ang sinabi ko. Ngiting tagumpay na naman. Marahanan naman niyang binuhat si Leo, hinalikan, at niyakap yung pusa ko.


Damn it, bro! Naunahan mo pa ako!

Natawa nalang ako sa mga naiisip ko at tuluyan nang pumasok sa kwarto para makapagbihis. After 15 mins, natapos na ako. Agad naman siyang yumakap sa braso ko at hinila ako palabas. Like the usual, inalalayan ko siyang sumakay. Matic na sakin yun, nakasanayan na kasi.


Hindi ako nagsalita habang nasa byahe. Siya naman, kwento ng kwento tungkol sa nangyari after pumunta ni Bobby sa kanila - the night na hinatid ko siya after namin magpunta sa sanctuary. By the looks of it, she's really happy and it pains me. But of course nakangiti ako habang nakikinig sa kwento niya, sa istorya na kailanman ay hindi ako ang magiging bida.


Anyway, birthday ni Bobby next week kaya nagpasama siya sa akin para pumili ng pwede niyang iregalo. Nakarating kami sa mall after 30 mins. Wala na din namang traffic ngayon kaya mabilis lang ang naging byahe namin.


"You think Bobby will like this?" Tumingin ako sa hawak niyang shirt na may malaking heart design sa gitna.


"Pft! Jen, ibalik mo yan please." Magrereklamo pa sana siya pero agad akong umalis sa tabi niya at pumunta sa kabilang side. Kinuha ko ang isang shirt na sa tingin ko ay nababase sa uso ngayon.



"Jen, anong favorite color and body size niya?" Lumapit naman kaagad siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Just like that, my heart beat madly with just a little gesture from her.


"Black and blue. I think medium? No.. maybe large?" Pinitik ko siya sa noo at inialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Konti na lang kasi pakiramdam ko aatakihin na ako sa puso.


"Really, Jen? Hindi mo alam? Anyway, I think he'll like this one. Choose the right size. After this, let's go to the watch store, okay?" She saluted and giggled.


"Aye' Captain!" She answered bago umalis sa harap ko at pumunta sa sales lady. Sinundan ko nalang siya ng mga tingin.



Why are you torturing me, Jen..


After we've got everything we needed for her gift, we decided to eat somewhere here. Naupo siya sa harapan ko at inilabas ang isang notebook mula sa bag niya. Akala ko okay na ang regalo pero hindi pa pala. In a story, there's always a twist.


"Lis, you need to help me, okay? I need to prepare a surprise for him." Ang mga ngiti niya habang sinasabi niya sa akin lahat ng plano niya to surprise Bobby is torture. I swear this is killing me. "Lis, hey! Nakikinig ka ba?"


"Of course.."


"So ikaw ang magiging way para madala si Bobby sa place, okay? Ikaw na ang bahala sa alibi. Just make sure makakapunta siya sa tamang lugar, sa tamang oras, okay?"


"Alright, copy madam."



"I have at least 5 days to prepare habang wala siya. Kinakabahan ako but with you helping me, alam kong magiging okay ang lahat." Tumingin siya sakin, hinawakan ang dalawang kamay ko, at ngumiti. I was taken a back with that mini heart attack.



"Thank you for always supporting me, for supporting us, Lisa." I secretly bit my lower lip kasi pakiramdam ko babagsak na ang mga luha ko in no time.



Binawi ko kaagad ang mga kamay ko at ginulo ang buhok niya. As long as you're happy, Jen. Kahit nahihirapan ako, basta para sayo.



"No biggies, Jen. " Muli akong ngumiti sa kanya.



Five days without Bobby..



I will make you happy even without him.

****

Undying Love || JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon