One

796 21 0
                                    


Lalisa Manoban


"Ako yung nasa tabi mo pero siya pa rin yung iniisip mo.." Pabirong kong sabi sa kanya habang umiiyak siya sa tabi ko.



Ilang beses ko pa ba kailangan masaksihan ang pag-iyak niya ng ganito para sa taong hindi naman makita ang totoong halaga niya?


"Gago! Mahal ko yun eh.." Ngumiti ako sa kanya at hindi ipinakita na nasaktan ako. Tama naman kasi siya, mahal niya yung gagong yun.



"Pumapangit ka kapag umiiyak. Hahaha!!" Halos mugto na kasi ang mga mata niya kasi walang tigil ang pag-iyak. Ako, heto nakikinig lang sa paulit-ulit na istorya niya na hindi naman ako yung bida.


Hinampas niya ako sa braso kasabay nang marahang pagtawa nito. "Ayan, ngumiti rin. Tumahan ka na dyan." Ginulo ko ang buhok niya at pinunasan ang mga luha na kumawala sa mga mata niya. Hindi siya nagsalita o nagreklamo, marahan lang nitong isinandal ang ulo niya sa balikat ko.


Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa habang sinisilayan ang mga bituin sa langit.



"Sana lalaki ka nalang para ikaw nalang yung minahal ko at hindi siya." Isang mapait na ngiti lang ang kumawala sa mga labi ko.



Kailangan ba maging lalaki pa ako para mahalin niya? Hindi ba pwedeng magmahal ka lang ng hindi nagiging basehan ang kasarian?


Marahan kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Sapat lang para hindi niya mapansin na nasasaktan ako.

 

"Tara?" Sabi ko sa kanya. Marahan naman niyang inangat ang ulo niya at tumingin sakin.



"Saan?" Tanong nito habang magkasalubong ang mga kilay at nakakunot ang noo. Pero imbes na sagutin ay ngumiti lang ako sa kanya.



"Trust me, Jen.." Tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa kanya. Kahit nagtataka ay tinanggap naman niya iyon. Hindi ko binitawan ang kamay niya hanggang sa makasakay kami sa sasakyan.

Walang nagsasalita samin habang nasa byahe. Naririnig ko pa rin ang paminsan-minsan niyang paghikbi.


Almost 10 mins drive bago kami makarating sa lugar -- kung saan ako tumatakbo kapag may problema -- kapag nalulungkot.


Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita nang mga mata niya. Agad akong tumakbo papunta sa kabilang side at inalalayan ko siyang makalabas.


"Oh my gosh.. This is so beautiful." Way more beautiful now that I'm with you, Jen. Hinawakan ko muli ang mga kamay niya at iginiya siya patungo sa ilalim ng puno.



"Where are we, Lis?" she asked.



"This is my secret place and I'm sharing this with you.."


****

Undying Love || JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon