Three

399 18 0
                                    

Lalisa Manoban



After ko ihatid si Jen, nagtungo ako sa bar na madalas kong puntahan. Naabutan ko naman si Rosie na kaibigan ko.



"What's with the long face?" Bungad na tanong niya sakin at inabutan ako ng beer na agad ko naman tinanggap.



"Nothing. Why are you here anyway?"



"Ayy bawal na ba ako dito?"



"Himala lang kasi na makita kita dito."



"I don't know. I just feel like you need me? Weird right?" I shook my head at ininom ang alak na binigay niya sakin. She really is my friend. Every time na nakakaramdam ako ng ganito, basta nalang siya sumusulpot sa lugar kung saan ako pumupunta.

Napatingin ako sa kanya. She's a little drunk I can say, namumula na kasi. Mahina tolerance niya sa alak pero palagi siyang umiinom kapag kasama ako.



"What? Do you find me attractive na?" She said smirking. Napailing na lang ako at hindi nalang pinansin ang sinabi nito.



"Where is Chu?" Tanong ko habang patuloy sa pag-inom ng alak. Jisoo/Chu is also our friend and Jennie's sister.



"She's with Loren. Anyway, what's with the mood? Wait, is it her again?" Humugot ako ng malalim na paghinga bago magsalita. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito pero pinagsawalang bahala ko nalang.



"Umiiyak na naman." I let out a bitter laugh.


Rosie and Jen are not that close. Ewan ko ba dito kay Rosie kung bakit ayaw niya makipagkaibigan kay Jennie.



"Agawin mo na kasi-- OUCH! Naknampucha, Lisa!" Binatukan ko ang ingay kasi.



"Gago kasi baka may makarinig sayo."



"Tsk! Eh ano naman kung may makarinig? Gago ka ba? Well obviously, you are crazy over her." Ininom niya ang beer na hawak nito at inubos ito bago tumingin sa mga mata ko. Her expressions were getting more serious than the usual.

 

I knew Rosie hates to see me like this -- getting hurt with someone over and over again.



"Lahat naman siguro ng makakita sayo mararamdaman yun. Manhid lang talaga yang bestfriend mo." Kumuha siya muli nang beer at pinagpatuloy ang pag-inom bago muling magsalita. "I can see it Lisa. I see the way you long to be with her. You stare at her hands as if they're yours to hold. I see the way you touch her - it's like you're afraid to shatter her - that is something even Bobby can't do."


I sucked in my lips dahil nararamdaman ko na naman yung sakit sa eksena na nakita ko kanina. "That is the least that I can do for her." Sagot ko nalang sa kanya.



"Falling in love is beautiful. I know. Love is a silent emotion that in time becomes part of the oxygen you need to breathe. But you know the scariest part? You either free your soul and spill, or die in torment to salvage whatever relationship you have with her Lisa. But I envy you, you're the strongest person I know. Pero sana magtira ka naman para sa sarili mo." Hindi sa lahat nang pagkakataon ay may matinong sagot akong nakukuha sa kanya, pero ngayon ramdam na ramdam ko bawat salitang binibitawan niya.



Bakit ba kasi sa kanya pa? Bakit siya pa yung minahal ko? Isang taong kahit kailan hindi mapapansn yung nararamdaman ko. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko ngayon.



"Bakit hindi na lang ako?"
"Am I not good enough?"
"Am I worthless?"



Damn!

_______

Undying Love || JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon