Lalisa Manoban
"LIS!" Natuon ang atensyon namin nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Kumakaway pa ito habang palapit sa pwesto kung nasaan ako.
Kunot noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko masyadong makilala. Tumigil siya ilang hakbang mula sa akin. Nahalata niya siguro na hindi ko siya makilala kaya lumapit siya sa pwesto, inilapit ang labi niya sa tenga ko.
"Yo, it's Hyeri." She giggled.
"What?" Nagulat ako dahil ibang-iba ang itsura niya kapag suot ang Chef's uniform. Mas nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang mga kamay ko, mas hinigpitan niya pa para lang hindi ko bitawan ang kamay niya.
"Let's go, Bobby." I heard Jen na ngayon ay nasa may likod ko.
"You sure, babe?" Hindi naman sumagot si Jen at nagderetsyo na sa loob ng sasakyan. Pagtingin ko sa kanya, nakasimangot na at ang sama na ng tingin sa akin. Nabaling naman ang tingin ko kay Bobby na hindi alam kung anong gagawin.
"Uhm, I'm sorry, Lisa. We need to go. Thank you again for helping her." He tapped my shoulder at nagmadali na sinundan si Jen.
Kumaway nalang ako sa kanila at tyaka humarap kay Hyeri.
"Explain."
"Bakit? You just need to thank me, Lisa. I saved you."
"Saved from what? I don't need to be saved, Yheri." Ngumiti naman ito ng nakakaloko at tyaka itinaas ang kamay sa ere.
"Alright, sabi mo eh. Saan car mo?"
"Woah! Teka lang, may balak ka sakin nuh?" Hinampas niya ako sa braso at tumawa ng malakas.
"ASA KA HOY! HAHAHA!" Ilang segundo pa ang lumipas nang matapos siya sa pagtawa niya kahit wala namang nakakatawa, habang ako ay nakatingin lang sa kanya. "You're so fun to be with, Lisa. Baka mainlove ako niyan." She said then winked at me.
"Di kita type." Sagot ko at naglakad na palayo sa kanya. Pero agad din akong napatigil nang hawakan niya muli ang kamay ko.
"Sure ka hindi ako yung type mo? Final answer?"
"I would love to say yes, but my cat told me to say no." Sumimangot naman siya kaya ginulo ko ang buhok niya. This time ako naman yung humila sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan hanggang sa makaupo ito ng maayos.
"So? Saan bahay mo?" Tanong ko. Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito ng nakakaloko.
"Saan bahay mo?" Balik na tanong niya kaya napailing nalang ako. Sinimulan ko nang patakbuhin ang sasakyan. Hindi ko yata matatagalan ang babaeng ito.
BINABASA MO ANG
Undying Love || JenLisa
FanfictionUndying love is constant; it's permanent and eternal. It's a love story of two people that has no ending. Even if the sun forgets to rise or the flowers forget to bloom the love that they have will never break them apart and even if the mind might...