Twenty

329 15 2
                                    

Jennie Kim

"Un-nie, tell me this is not real. Tell me please.."

"I'm sorry, Jen. I'm so sorry.."

My heart has shattered into a million pieces. I don't know what to do, I don't know how to react. I can't handle this.

Oh God, please not Lisa. Please.. I'm not ready for this.

"I'm so sorry, Jen.." Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Hindi ko alam kung anong iisipin ko.

God please... Not my Lisa, not now. I can't--

"Unnie, please.. please tell me this is just a joke. Please.." She shook her head at patuloy lang sa pag-iyak. "I'm sorry.. I'm sorry, Lisa... I'm so sorry.."

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap nito.

"No.. this is not true, Unnie. Please! Just -- please tell me this is not real!"

Tanging mga luha na lang ang naisagot niya sakin.

This is too much for me. This is the worst.

====

Hindi ko na alam kung ilang oras akong umiiyak at natutulala habang hinihintay lumabas ang doctor sa OR kung saan inooperahan si Lisa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong gustong tumakbo at pumasok sa loob para lang makita siya. Hindi ko alam kung ilang beses kong paulit-ulit na sinisi ang sarili ko sa nangyari.

Kung sana lang hindi ko siya hinayaan na umalis..

Kung sana lang hindi ako pumayag sa gusto niya..

Kung sana nalaman ko agad kung ano ang kailangan niya..

Kung sana mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya..

Kung pwede lang sana ibalik ang oras, sana..

Gusto kong sumigaw..

Gusto ko syang makita..

Please..

"Jennie, matulog ka muna." sabi ni Tita. "May isa pang bed dun, kahit saglit lang. Kailangan mo din magpahinga."

Napayuko nalang ako at hinayaan kong dumaloy ang mga luha ko. Hindi ko kaya, sobrang sakit, sobrang bigat sa pakiramdam.

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Rosie at mas lalong bumuhos ang luha ko. Sobrang sakit.

"Lisa will be okay. She's strong and she won't let you suffer like this. Please be strong for her, mas kailangan ka niya ngayon."

"I-I don't know what to do, Rosie. I can't handle this, this is too much for me.."

"Pray, Jen. He will hear your prayers."

Hinayaan lang niya akong umiyak hanggang sa maubos at mapagod na ang mata ko. Inalalayan din niya akong pumunta sa chapel nitong hospital.

God, I've done so many sins in this life at wala akong karapatan humiling ng kahit ano. Madalas akong makalimot magdasal at magpasalamat sa Iyo. Pero sana, sana kahit ngayon lang, ipahiram Mo muna sakin si Lisa. Hindi ko pa kayang mawala siya sakin. Hindi pa sa ngayon. Please, just please, she's too young for this. Nagsisimula pa lang kami, wag Mo muna tapusin. Hindi ko pa kaya. Please, ipahiram Mo muna siya sakin..

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako luluha ng ganito. Pero kung ito lang ang paraan para ipahiram Niya pa sa akin si Lisa, kahit konting panahon pa, gagawin ko.

Undying Love || JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon