Seven

379 18 2
                                    

Lalisa Manoban



"HOLY SHT--OUCH!"


Napahawak ako sa likod ko dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko. Inilibot ko ang paningin at sa kasamaang palad, sarili kong kwarto yung nakita ko.


Panaginip lang pala yung Jen na gumigising sakin?? Tangina! Akala ko totoong Jen yung gumising sakin.


Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko ngayon. Pinilit ko nalang bumangon muli para makapag-ayos ng sarili.



Second day na ng preparation for Bobby's birthday. I need to survive until next week. My feelings for her were betraying me. Yung plano ko na pasayahin siya within 5 days was already ruined. Natatalo ako ng nararamdaman kong selos.



Napabuntong hininga nalang ako bago ko inilubog ang sarili  sa bathtub dahil gulong-gulo na naman ang isip ko.


Love is indeed the most beautiful thing in the world. Unfortunately, it's also one of the hardest things in the world to hold on to. Pero ayokong mawala, ayokong may magbago. Loving her was the best thing that has happened to me. Wala akong pinagsisisihan. Actually, kahit paulit-ulit akong nasasaktan hindi sumagi sa isip ko na itigil yung nararamdaman ko.



Tanga na kung tanga pero ito lang yung paraan na alam ko para masuportahan siya.



"Liz, open the door please?"



"Lalisa, come on!" What the hell! Pati ba naman sa banyo naririnig ko yung boses niya? I'm so fucked up! I'm so hopeless.


Kahit yata gaano ako katagal na magbabad sa tubig ay hindi mawawala itong bigat ng pakiramdam ko.



"Baby, buksan mo na please.." Muling napakunot ang noo ko nang boses naman ni Mommy ang narinig ko.



"GODDAMIT, LALISA! OPEN THIS FCKNG DOOR NOW!!"


This time nakuha na ang atensyon ko. Kaagad akong umalis sa bathtub at ibinalot ang sarili sa bathrobe bago buksan ang pinto. Bumungad sakin si Mommy at si.. Jen. Kaagad naman na yumakap sakin si Jen na talagang ikinagulat ko.



Okay.. What the hell is happening here?



"Uhm.. okay? What's wrong, Jen?" Tumingin ako kay Mommy na halos namumula na ang mga mata. Ito namang si Jen ay hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap. "Mommy?"


"Mahigit dalawang oras ka na sa loob. Hindi mo sinasagot ang pagtawag ko sayo. Wala rin ang duplicate key ng bathroom mo so nagpanic na ako at hindi ko namalayan na number ni Jennie ang natawagan ko."


Fck! Ganoon na ba ako katagal sa loob? Parang kapapasok ko pa lang eh.



Undying Love || JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon