Chapter 33

29 1 0
                                    

Kas POV

"Finally!!!" Sigaw ni Viela at saka tumakbo payakap sa akin. Hinampas ko naman siya sa braso dahil sa lakas ng impack ng pag damba niya sa akin! Sabay kaming natawa at hinampas niya din ako.

"Talagang finally!" Sigaw naman ni Zana at saka nag simulang maglakad palapit sa amin ni Viela. Yumakap din siya sa aming dalawa tumalon talon pa siya kaya muntik na kaming mag taob na tatlo. We hugged for a while bago kami nag hiwa-hiwalay at sabay sabay na natawa.

"Congratulations to us!" I exclaimed and we all laughed at that.

"Finally, graduate na tayo! Imagine after 6 years of friendship tayo tayo pa din ang mag kakasama!" Natatawang sabi ni Viela habang inaayos yunng cap niya sa ulo.

"And we're gonna be counting more years of friendship!" Dagdag ni Zana na sinangayunan naman namin at nag tawanan ulit kami. Mukha na kaming mga baliw dito ngayon. 

Today is our graduation day. Tapos na ang program at nag uuwian na din ang mga parents namin dahil nag pa iwan talaga kami to take some pictures. Nag kukumpulan kami ngayon dito sa baba ng stage para mag batian at mag picture. It's been a month already since Kyle and I got back together. We're good now and nag kita na din naman kami kanina. Nag ka hiwalay nalang kami dahil sa kanya kanyang pag kuha ng pictures. 

"Teka, tama na to, buong EW naman!" Narinig kong sigaw ni Yesha pag ka tapos nilang mag pa kuha ng solo pictures sa isa't isa. Para daw sa instagram.

Agad kaming nag akyatan ng stage at saka umayos bago kami nag pa kuha ng pictures kay kuya. Si kuya naman bugnot na kaka kuha ng pictures sa amin dahil sa dami ng mga pose na ginagawa namin! Natawa nalang ako sa itsura niya at naki sakay sa trip ng EW.

"Hey, mamaya girls don't forget!" Pag papa alala ko sa kanila. May party kami mamaya sa hide out. Buong EW lang at ang gang na din ni Kyle kung gusto nilang pumunta. It's just a simple pool party.

"Yes, dapat kumpleto tayo! Bawal ang mga excuse na yan. Hindi valid yan kahit ano pa yan!" Sabi naman ni Klein kaya naman nag tawanan kami.

"I'm so done! Pasalamat ka at graduation mo ngayon Kas! Kung hindi, hindi ako papayag na kuhanan kayo ng sandamukal na pictures!" Sabi ni kuya at saka naka simangot na ibinalik sa akin ang phone at camera ko. Tinawanan ko lang siya at ginulo niya naman ang buhok ko.

"Congratulations princess." Naka ngiting bati niya sa akin at saka nag abot ng isang paper bag sa akin.

"Thank you kuya!" Sabi ko at saka siya sinugod ng yakap. Natawa naman siya at yumakap nalang pabalik. He kissed my head bago kami nag bitaw.

"Open it." He said while looking at the paper bag.

"Baka bahay at lupa na to kuya ha!" Natatawang sabi ko habang tumatango.

"Nah, but it's kind a close." Sagot niya habang na iiling. Agad naman na nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya sa braso. Natawa ulit siya at pinanood lang ako na buksan yung paper bag.

"Nababaliw kana kuya." Naiiling na sabi ko at inilabas yung envelope mula sa paper bag. I slowly opened it before i started to read what's inside. Habang binabasa ko yon ay unti unting lumalaki ang mga mata ko at umaawang ang mga labi sa gulat. It's a freaking land! It's a farm in Zambales that's under my name, What the heck?! Gulat akong tumingin kay kuya at tinawanan niya lang ako saka inabot sa akin ang isang box na nandon din sa loob ng paper bag.

I slowly opened it at mas lalo lang umawang ang mga labi ko. It's a key this time, with a golden keychain on it with the words 'Sapphira's land' engraved on it.

But I Still FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon