Kas POV
It's been a week and eto kami ngayon ng EW nakaupo sa gym ng school habang nanonood ng basketball game nila Kyle. Varsity si Kyle ng basketball at sya din ang team captain. First day ng sports fest namin ngayon at nasa third quarter na ng game lamang ang Stanford pero dikit lang ang scores kaya parepareho kaming medyo kinakabahan dito pero patuloy pa din sa pag cheer.
"GO CALI!!! KAYA MO YAN BABE!!! WHOOO!!!" that's Zana ang taas ng energy nya today and yes sila na ni Cali. Ang bilis diba? Kung pano nangyari? Hindi ko din alam. Basta nya nalang sinabi samin na sila na at hindi na din kami nakapag tanong.
"GO ZAAAAAAC!" Biglang sigaw din ni Viela isa pa toh hindi ba sumasakit yung lalamunan nila?
"GOOO! KYLEEE!" syempre hindi ako din eh hindi sumasakit ang lalamunan ko kahit kanina pa kami sigaw ng sigaw. Cheer lang ng cheer!
"Another three points from Stanford." announce ng ringside commentator bago mag time out na mas lalong nag paingay sa amin dahil don na natapos ang third quarter ng game.
"WHOOO GOO STANFORD UNIVERSITY!"
"GO SU! KAYA NATIN TO!"
"STANFORD LANG MALAKAS!"
"GO KING!"
"KAYA NYO YAN WHOO!"
Humarap si Kyle sa akin at saka kumindat bago sya lumapit sa coach nila at nakipag usap. Tignan mo to napaka papansin din eh. Alam nya naming ang daming nanonood.
"Ay uwian na may nanalo na!" biglang sabi naman ni Steven bago sila nag tawanan ng iba pang ka gang ni Kyle napailing nalang ako sa kanila at natawa na din bago humarap sa court dahil start na ang fourth quarter ng game.
Natapos ang game na panalo ang SU as expected na din naman ng mga students dahil wala pa daw record ang SU na natatalo sa mga basketball games. Nagaayos na kami ng mga gamit naming ng bigla nalang naming nadinig si Kyle na nagsasalita sa mic ng gym kaya sabay sabay kaming napatingin ulit sa court pati yung mga taga ibang school naagaw din ang atensyon.
"Asan na yung gang ni Kyle?" nadinig kong tanong ni Faye kaya halos sabay sabay kaming napatingin sa inuupuan ng gang ni Kyle kanina na kasunod lang ng bleachers na inuupuan namin. Wala na nga silang lahat doon. Saan naman kaya napunta ang mga yon? At ang bilis nawala ng mga loko.
"Hello Stanford University." dinig kong sabi ni Kyle sa mic kaya agad naagaw non ang atensyon ko.
"I know, I don't do this often but today is my last game here in SU so I just want to make this day memorable." sabi nya ulit sa mic at saka sya tumingin sa akin at ngumiti. Parang may kalokohan syang gagawin. Masusuntok ko talaga sya mamaya kapag kasama ako sa mga gagawin nya ngayon.
"To my princess, I know I'm not that ideal for you but still you we're able to forgive me. You make me laugh everyday, you comfort me when I needed, you always support me, you even say sorry even when i'm the one at fault and you even beat my gang." sabi nya habang hindi tinatanggal yung tingin nya sakin at medyo natawa pa sa huli nyang sinabi. At unti unti na din akong hinihila ni Zana at Viela pababa sa bench na inuupuan namin.
"Iknow I'm not perfect but trust me I will do everything for you. You don't know how thankful and happy I am when I realize that you are my missing princess." sabi nya at ngumiti ulit.
"Kim Axel Saphirra Asher. To the girl that I love and I always will." tumigil sya pagsasalita dahil kaharap na nya ako. Naririnig ko na nag cheer na yung mga taong naiwan pa dito sa gym at nanonood pero parang nawalan na ako ng pake kung ano man ang sasabihin nila. Biglang lumabas sa kung saan si Zac at nag abot ng isang bouquet na sun flower kay Kyle. Unti unti syang lumapit sa akin at inabot yung mga bulaklak na agad ko namang tinaggap.
BINABASA MO ANG
But I Still Fall
Teen FictionCompleted What if you met someone that makes you fall in love again? But what if that someone is able to make you feel broken into pieces again? [Highest rank achieved: #11 in heartache] Date Started: 07|14|20 Date Finished: 04|22|21 Completed (Und...