Chapter 18

79 6 0
                                    

Kas POV

After ng eksena namin sa living room ay sabay sabay kaming kumain at sa afternoon class nalang din kami pumasok. Hindi ko suot yung kwintas ngayon pero dala ko sya sa bag ko.

Pag pasok namin ay karamihan ng mga kaklase namin ay pinag titinginan kami. Pano ba naman afternoon class na nga lang kami papasok sabay sabay pa kami sa dami namin imposibleng hindi nila kami ma pansin.

After class I texted Kyle and Blake na mag kita kami sa isang coffee shop. After I texted them ay sinabi ko sa girls ang plano kong pag kausap sa dalawa. Sabi naman nila ay sa hide out muna silang lahat tatambay at tumawag nalang daw ako sa kanila pag kailangan ko sila.

Nakausap ko na din si ate at kuya at ano pa nga ba? Edi pinagalitan ako at afternoon class na ako pumasok. Sinabi ko sakanila na sa bahay nalang ako mag papaliwanag mamaya.

Dumiretso na ako sa cafe na sinabi ko kay Kyle and Blake pag dating ko doon ay nandoon na silang dalawa. Hindi naman nila alam na pinapunta ko sila pareho kaya mukhang naguguluhan sila. Mukhang hindi pa rin sila nag kakaayos. Napailing nalang ako at bumaba ng sasakyan. Lumapit ako sa table na inuupuan nila at umupo sa tabi ni Blake.

"Blake doon ka sa tabi ni Kyle."

"What? No, bakit mo ba kami pinapunta dito?"

"Umupo ka doon Blake. May pag uusapan tayong tatlo." diniinan ko ang mga salita ko kaya tumayo na si Blake at umupo sa tabi ni Kyle.

"Anong gusto mo Kas? Oorder muna ako" tanong ni Kyle.

"Frappe any flavor will do." tumayo naman sya at pumunta na sa counter para umorder. Sumunod naman si Blake at inaantay ko lang sila dala ang orders namin. Nang maka upo sila ay nag salita si Kyle.

"Bakit hindi mo suot yung kwintas mo Kas?" tinignan ko syang mabuti bago sumagot.

"Bakit? Yung sayo ba suot mo?" pag ka sabi ko non ay mukhang nagulat sya dahil nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko.

"You knew..." biglang sabi ni Blake na nanlalaki ang mga mata. Hell yes I knew! I wanted to shout those words in there faces I'm so pissed right now.

"Knew what? Yung kagaguhan nyong dalawa?! All along alam nyo kung anong nangyayari! Pero ni isa sa inyo walang nag sasalita! All along pinag lalaruan nyo ako!" may mga napapatingin na saming Ibang costumers but heck I don't care.

"Kas I'm planning to tell you na ako yon." sabi ni Kyle at saka tumingin sa akin.

"Hinding hindi kita pag lalaruan Kas..." sabi naman ni Blake.

"Planning to tell me? Kailan pa? And hindi ako pinag lalaruan Blake? Hell alam mong hina hanap ko din si Kyle at alam mo kung sino yung hinahanap ko pero hindi ka nag sasalita!" napatahimik si Blake sa sinabi ko at nag baba ng tingin.. Guilty malamang. Anong akala nila sakin? Ang alam ko lang ay mag ka kilala sila? No I know everything!

"Kas I was planning to tell you nung acquaintance. Pero bigla ka nalang nawala... Then iniiwasan mo na ako."

"What do you expect me to do Kyle? After mong mag confess sakin makikita kitang kahalikan si Nicole? Anong gusto mong gawin ko? Mag saya pa ako?"

"You...You saw us? Sa labas ng restroom?" malamang! Saan ko pa kayo makikita?

"Yes! Tapos ngayon ka lang mag tatanong? No scratch that kung hindi ko pa sinabi hindi mo pa malalaman ang dahilan ng pag iwas ko sayo because you never tried asking!" kung kanina si Blake ang natahimik this time si Kyle naman.

"Kas, ano pang alam mo?" biglang salita naman ni Blake.

"Alam ko? I know everything." sabi ko bago ko sya hinarap.

"Shit!" nadinig kong bulong ni Blake.

"Blake.Tapatin mo nga ako, did you ever loved me when we are still in a relationship?" na tigilan sya at tumahimik. Fuck! I knew it! He never loved me! Oh fuck it!

"Or did you just used me dahil na sira kayo ni Kyle at ikaw ang unang nakahanap sakin? Am I right?" hindi pa din sya umiimik shit paano nila ako napaikot ng ganito? Nakakagago. Ng hindi sya nag salita kay Kyle naman ako humarap.

"Kyle, tell me the truth. Totoo ba yung pag coconfess mo sakin?"

"What? Of course Kas naman! Ano bang iniisip mo? Na nakikipag laro lang ako sayo? Hell no!"

"Then if not bakit ka nakikipag halikan kay Nicole pagkatapos mong mag confess sakin? Sinong matinong lalaki ang mag tatapat na man liligaw sya pero wala pang ilang minuto eh may kahalikan ng iba ay teka hindi pala iba ex nya pala." biglang na patingin sakin si Kyle. Looking more shocked.

"Ex? How did you know na ex ko si Nicole?"

"Wala kana dun kung pano ko nalaman Kyle, diba nga at si Nicole pa ang dahilan kung bakit kayo nasira ni Blake? If that's the case tapos nag hahalikan pa kayo ni Nicole bakit hindi ka nalang makipag balikan sakanya?"

"Kas wala na akong nararamdaman para kay Nicole! I was kissing her because sabi nya that's the last at titigilan na nya ako! Sabi nya iparamdam ko daw sakanya na wala na talaga akong nararamdaman kapag naghalikan kami! That's why I kiss her para kapag nanligaw na ako sayo wala nang nanggugulo sakin! Damn it!" what the hell is that reason napaka childish.

"Kas, I loved you." biglang salita naman ni Blake. Napa harap naman ako sa kanya bago ako nag salita.

"You loved me? Pero gusto mong mang babae? Diba? Anong sabi mo nung nag break tayo? 'hindi na kita mahal Kas, sawa nako sayo' diba yan ang sinabi mo?"

"That's because hindi ko kayang sabihin sayo na ayoko na! Dahil hanggang ngayon mahal padin kita Kas! Kaya ko ginawa yon para ipag tabuyan mo ako! Dahil kung hindi moko itataboy ay ipagsisiksikan ko lang ang sarili ko sayo! Oo nung una gusto ko lang maging tayo tapos malaman ni Kyle plano kong pag laruan kalang nung una pero wala nahulog din ako at minahal na kita! Nakipag hiwalay lang ako dahil alam na ni Kyle ang tungkol sayo at mahal kana nya! I choose to sacrifice my love for you para sumaya ang best friend ko! Kahit nagkasiraan kami sya padin ang best friend ko!" biglang sigaw ni Blake tapos tumayo na sya at umalis. What the hell ano ba ang nangyayari sakanila? And mahal nya padin ako? Mahal ako ni Kyle? Ngayon mas lalo lang nadagdagan ang mga tanong ko.

"Kyle sundan mo si Blake." sabi ko kay Kyle na mukhang tulala pa sa mga sinabi ni Blake. Hindi ko din alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.

"Kas listen wala na kami ni Nicole at totoo ang sinabi ni Blake. I love you. Ngayon pumayag ka man o hindi liligawan kita." Pagkatapos nyang sabihin yon ay tumayo na sya at sumunod kay Blake. Tulala lang ako ng ilang minuto dahil sa mga nalaman ko ng biglang tumunog ang phone ko.

From : Kyle

"Kailangan naming mag usap ni Blake sorry for leaving you Kas, ingat ka pag uwi. Seryoso yung mga sinabi ko kanina. I love you.

What the hell! Mababaliw na ata ako sa mga nalaman ko sakanila.

🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤

Another ud! enjoy reading love lots💖


But I Still FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon